Ikaapat na Kabanata

66 18 2
                                    

Athena's POV

*cringgg*~
Napahinga ako ng maluwag. Tumunog ang bell na naging hudyat na tapos na ang huling klase para sa araw na ito. Sa mga nagdaang klase ay wala namang masyadong ginawa. Puro pagpapakilala at mga tipikal na gawain para sa unang araw ng klase.

Halos kilala ko na nga ang karamihan sa mga kaklase ko dahil sa paulit ulit naming pagpapakilala.

Sa mga guro naman, merong mababait. merong masungit pero walang tatalo sa kasungitan ni Ms. Gemma.

Nakakapagod.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay dumeretso na ako sa parking lot. Tetext ko nalang si manong berto na sunduin na ako.

Mainit. Hapon na kaya tirik na tirik ang araw. Kaya naman kahit masakit sa balat ay tinakbo ko ang pagitan ng building namin papuntang parking lot. Masusunong ako kung babagal-bagal akong maglakad.

Wala pa si manong berto ng makarating ako. Traffic siguro. Uupo nalang sana ako dahil nakakangawit-ng may tumawag sakin.

"Pssst! Baby Ruruuuuuu ko!" Malakas na tawag sa akin ni kuya, na kahit hindi ko lingunin ay alam ko namang sya yon dahil sya lang tumatawag sa akin ng ganon.

"Kuya!" Sigaw kong pabalik habang nakalabi.

"Oh bakit ganyan yang muka mo? May umaway ba sa baby ko?" Tanong nya habang ginugulo ang buhok ko. Magulo na nga. Guguluhin pa ng mokong!

"Ehhhhh! Kuya naman!" Reklamo ko ng hindi nya tinitigilan ang paggulo sa buhok ko.

"Tsaka baby?! Kuya naman eh. How many times I told you na hindi na ako baby?! Look oh? Maabutan na kita!" Sabi ko habang pinagkukumpara ang taas naming dalawa.

"Tsaka for pete's sake! Grade12 na ako kuya!" Reklamong dagdag ko pero tinawanan lang ako.

"HAHAHA ang cute mo talaga baby kapag galit" pinisil pisil pa ang pingi ko. Hmmp. Naiinis na ako!

"Halika na nga" aya nya sakin nang hindi ko na sya pinapansin. "Sabay ka na daw sakin sabi ni mommy. Kasama nila si manong kaya di ka nya masusundo." Sabay akbay sa akin at inaya ako papuntang kotse nya.

Ngayon ko lang napansin na marami nang tao sa parking lot. Marahil ay uwian narin nila.
Nakakahiya! Pinagtitinginan na kami dito ni kuya. Ni hindi ko man lang napansin. Ang ingay kasi ng bunganga ng mokong na ito eh.

Third-person POV

Pagkauwi ng magkapatid ay sabay nilang kinain ang mga pagkain ng tnake-out nilang dalawa. Pagkatapos ay nagpahinga.

"Kuya Clio. Akyat nako sa taas. Matutulog muna ako ng saglit" paalam ni athena sa kanyang kuya na busy sa pagpapakain sa kanyang alagang hamster.

Hindi nya na lamang pinansin ang kuya nya at tumuloy sa pagakyat sa taas at tumungo sa kanyang silid. Walang palit palit at nahiga agad sa kanyang kama.
Pagkahiga na pagkahiga ay dinalaw ay ng antok si athena.

PAGKALIPAS ng ilang oras na pagtulog ay naalimpungatan si athena ng may maramdaman syang maliliit na paa na gumagapang sa kanyang hita.

Pataas ng pataas.

Dahil sa kiliti at takot na kanyang naramdaman ay dali dali syang napatayo

"AHHHHHHH" at napatili ng makita ang hamster na
alaga ng kanyang kuya. Maliit ito at kulay tsokolate ang kanyang mga mahahabamg balahibo.

*boogshh!*

Napatingin si athena sa pinagmulan ng kalabog at nakita nya ang kuya nyang nagmamadaling lumabas ng kanyang kwarto.

Napasimangot sya ng malaman kung sino ang may gawa nito sa kanya.

"KUYAAAAA! YARI KA TALAGA SAKINNN. PATI SI LEO DINADAMAY MO SA KALOKOHAN MO AHH!" Pikon na sigaw nya sa kuya na tanging malakas na tawa lamang ang isinagot.

"Dinner is serve! Baba na dyan. Pinapatawag kana nila mommy sa baba!" Dadag ng kuya nya sabay humalakhak ulit ng napakalas.

"Ughh. Papansin" inis na turan ni athena at bumaling sa hamster na tahimik lamang na nakahiga sa kanyang kama.

Inis syang napakamot ng ulo at binuhat si leo at sinabay sa pagbaba.

Clio's POV

John Clio P. Stanely is my name. Pogi for short nalang.

Napangisi na lamang ako nang makita ko ang bunso kong kapatid na nakabusangot ang pagmumuka habang bumababa. Hahaha di ko parin talaga makalimutan yung muka nya kanina. Epic. Priceless hahaha sayang at di ko nakuhaan ng litrato.

*Flashback* (bago magising si athena :) )

Sisipol-sipol ako habang naglalakad papuntang kusina ng tawagin ako ni mommy

"Clio? Pakitawag na si athena sa taas. Sabay sabay na tayong kumain" utos na sabi sakin ni mommy.

"Y-okay mom." magrereklamo pa sana ako ng may maisip ako. Paniguradong mahihirapan akong magising yon dahil tulog mantika kaya may naisip akong kalo- paraan para mapadali.

Habang paakyat ako ay nakita ko si leo sa kanyang kulungan na gising at naglalaro.

"Hi leooo!" masuyo kong bati na kala mo ay maiintindihan ang mga sinasabi ko.

"Come to your gwapong papa!" Nilahad ko ang isa kong palad at napangisi ng lumapit sya sa akin at umakyat sa aking kamay na tila ba ay alam na kung saan kami pupunta.

"Goodboy" sabi ko at napangisng muli at hinimas-himas ang kanyang malalagong balahibo na kulay tsokolate.

Nang makakaakyat kami sa taas ay agad naman akong tumungo sa kwart ni ruru. My ruru. HAHAHA. Mas lalo akong napangisi ng makitang tulog mantika ang aking kapatid.

Nagtago ako sa ilalim na kama at ibinaba ang daga na nasa kamay ko.
"You know what to do"
bulong ko sa aking alaga na tila'y naunawaan ang aking sinabi dahil dali dali syang pumasok sa loob ng kumot ni ruru at gumapang sa paanan ng kapatid ko.

Pigil ang tawa ko habang hinihintay syang magising. Grabe. Pawis na pawis nako dito. Pero hahaha okay lang.

Kaya ganun na lamang ang gulat ko ng magtitili syang umalis sa kama

"AHHHHH" "KYAAAHH" masakit sa tengang tili nya.

Kaya bago pa ako mabato at masabunutan nito ay umalis na ako tumakas palabas.

Nauntog pa nga ako sa kamamadali ko kaya nakita nya ako. Agad ko namang sinarado ang pinto nya. Para hindi nya ako abutan.

"KUYAAA YARI KA TALAGA SAKINNN. PATI SI LEO DINADAMAY MO SA KALOKOHAN MO AHH!" Inis nyang sigaw at sigurado akong nanlalaki ang butas ng ilong nya ngayon na dahilan kung bakit ako napatawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAA" tawa kong hindi mapigilan. "Dinner is serve! Baba na dyan. Pinapatawag ka na nila mommy sa baba!" Dagdag ko habang pigil na pigil ang tawa.

May narinig pa akong sinabi nya. Pero hindi ganon kalinaw kaya pinagsawalang bahala ko na lamang at bumababa na.

Ngiting tagumpay ako habang nakaupo sa hapagkainan at hinihintay na lamang si ruru. "Why are you smiling Clio?" Takang tanong akin ni dad.

"Nothing dad. I just woke our baby princess" ngingiti ngiti kong sagot na agad namang nahulaan ni mommy.

"You and your moonshine!" Sita sa akin ni mommy na nagpakawala sa tawang kanina ko pa pinipigilan.

*flashback ends*

A/N: OMG 1,111 words? HAHAH. Btw happy reading guys. And click
the ⭐️ button. Salamat💗
A/N: 2chaps for 100 reads and 30 votes for the next chapter. Kaya vote na!😂🙈

Unrequited Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon