Ilang beses munang huminga ng malalim si Thirteen bago naglakas loob na katukin ang pribadong opisina ng kanilang boss.Kumatok ito ng tatlong beses. Silence answered her knocks. Walang ingay itong pumasok sa loob at sumalubong sa kanya ang matapang na amoy ng barakong kape.
Na may kahalong amoy ng mga lumang papel at libro. Tumikhim ito para kunin ang atensiyon ng lalaking nakatalikod sa kanya, na kasalukuyang nakaharap sa glass wall, kung saan makikita ang magandang tanawin. A falls."Good morning, sir. Pinatawag niyo raw ho ako." kinakabahang sambit niya, pero pinipilit niyang itago ang kabang nararamdaman. Man, her boss is intimidating. Nakita niyang gumalaw ang braso nito para ilapag ang pinagkapehang baso. Gusto niyang humakbang patalikod dahil sa kabang nararamdaman pero pinipigilan niya ang sarili. 'Crap! Hindi ka pa nasanay?' pangungusap niya sa sarili. Ilang beses na itong pumasok sa opisina ng kanyang boss, but still natatakot pa rin ito.
"Yes," muntik na itong mapatalon sa kinatatayuan ng marinig niya ang malalim nitong boses. "I want you to do this mission." dagdag nito gamit ang kalmadong boses. Hindi niya na kailangang tanungin kung ano ang mission nito ng dumako ang tingin niya sa isang antigong mesa na gawa sa mahogany, kung saan nakalapag ang isang pulang envelope, na hinuha niya nilalaman non ang kanyang bagong mission. Walang ingay itong lumapit dito at kinuha ang ang envelope.
"I want you to pull him down. And keep her safe."
Napatigil ito sa paghakbang. Mukhang mahihirapan ito sa bago niyang mission. Hitting two bird's in one stone.
"Yes, sir." tugon nito.
"You can go." matapos niya yong sabihin ay malalaki ang hakbang niyang lumapit sa pintuan para makalabas.
At saka lang niya namalayang kanina pa pala niya pinipigilang huminga.
#HappyReading :)
YOU ARE READING
She's on Duty
ActionShe's on Duty. Agent Thirteen. Cover Credit: Kbluescript Action|| Humor