BROKEN PROMISE
One-shot by KAT-orse
Hello readers! Another one-shot from me :D
Sana magustuhan niyo.
Dedicated to Dianne, Karla and Yani for duh ideaaaa~
Sila din nagsabi na magsulat ako ng one shot na ‘toh.
I suggest na basahin niyo ‘to while listening to the song >>>
Here you go~
*****
“Asaan na yung promise mo na ‘forever’?”
“Pat, nothing lasts forever. Nothing is forever…”
*****
Nasa bus na akong papuntang QC and I admit, I can’t wait to step on the cemented floor doon. Pero mas nae-excite ako dahil makikita ko na ulit si Sophia.
The girl of my dreams…
The love of my life…
Ako nga pala si Patrick Dizon, 23 years old. I’d be glad if you’ll just simply call me Pat. Feeling ko kasi mas gumagwapo ako kapag nickname lang ang tawag sa akin.
I just finished my training for Army. Pangarap ko talagang magsundalo, well, siguro, It runs in the family na rin.
Everybody agrees na mag-sundalo ako, except for one, ang girlfriend ko.
Sophia Cristobal.
Mahirap siyang kumbinsihin na pumunta ako sa camp. Pero she just ended up agreeing.
“Hoy, Patrick Dizon, wag mong kakalimutan kumain! Kapag may sakit, inom agad ng gamot. Matulog at magpahinga ng maayos. Ma—“
“Babe, mami-miss kita…” gusto kong umiyak sa nakikita ko ngayon. Umiiyak siya habang pinagbibilinan niya ako.
“Ako rin! Ako rin…” I cupped her face with my both hands and brought my lips to hers.
“Magbe-behave ka dun ah.”
“Syempre naman, ikaw lang ang nasa puso’t isip ko.” Tumawa kaming dalawa tapos kinurot niya yung ilong ko. “Cheesy ka na naman.”
“Sophia Cristobal, promise me one thing…”
“Promise me na hihintayan mo ako.”
“Yakssok, Pangako, Promise. Sa’yo lang ako, akin ka lang. Forever~”
Nung nag-umpisa na ako sa training, I had difficulties having a communication with her. Dyahe. Whole day ang mga trainings, 4 lang ang mga phone booth at una-unahan pa kami dun. I suffocate so much kapag hindi ko naririnig ang boses niya.
Kapag nakaka-usap ko kasi siya, pumapasok lagi sa isipan ko na Mahal pa rin niya ako,
Hinihintay pa rin niya ang pagbabalik ko.
Pero after afew months, naputol na totally ang communication naming. Dahil na rin siguro sa little misunderstanding namin… She’s celebrating her 18th birthday and she’s having a debut at that time. Hindi ako nakapunta dahil ayaw pumayag ng head officer naming. I totally disappointed her. That was 2 years ago, at 2 years na kaming hindi nagu-usap. Tawagan ko siya, di siya sumasagot. Sulatan ko, walang reply. Yet, she’s still the girl in my mind.
“Oh, baba na! Baba na! Hanggang ditto na lang kami!” sigaw nung konduktor as I grab my things. Pagkababa ko ng bus, agad kong nilanghap ang mausok na hangin.