Pinadala ako para maging instrumento upang e kwento ang storya ng buhay ko.
Matalik kaming magkaibigan. Simula elementary hanggang nag highschool ay magkasangga sa lahat ng kalokohan. Ang tawag ko sa kanya ay Putok samantalang siya ay tinatawag akong Buchi. Masaya kami araw-araw. May mga tampuhan pero agad nasosolusyunan. Sabi ko nga sa kanya, " Isang putok ka lang". Ewan ko dun ba't gustong gusto niya ang putok. May mga oras na nalulungkot ako pero lagi niya akong pinapatawa. Ang sarap sa pakiramdam na may karamay sa panahong kailangan mo ng masasandalan.
Kaso lahat ng kasiyahan ay nauuwi sa kalungkutan. Sising sisi ako na hindi ko siya nadamayan.
Isang araw, isang pangyayari ang hindi ko inaasahan...
"Buchi, samahan mo naman ako. Please! Sige na, kahit ngayon lang."
"Buchi naman. Ang snob mo sakin. Pansinin mo naman ako."
"Bahala ka nga jan. Aalis nalang akong mag-isa".
Padabog siyang naglakad palayo sa akin. Hindi ko man gusto na hindi ko siya masamahan kaso wala akong magagawa.
Sobrang tahimik ng palagid. Ang sarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Malapit ng lumubog ang araw.
Eto ako ngayon palihim na sumusunod sa kanya. Hindi ko siya matiis kaya nilisan ko muna saglit ang aking tirahan.
Nakita kong hinarangan ng isang malaking lalaki si Putok. Pumipiglas siya sa hawak nito kaso sa sobrang higpit ay hindi siya makawala. Nakita ko na dinala siya at kinaladkad sa isang madilim na parte ng kakahuyan.
Malapot na likido ang aking nalasahan. Kitang kita ko kung paano nagmakaawa ang kaibigan ko. Takot akong tulungan siya at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
Kutsilyo.
Kutsilyo ang tumapos sa hinagpis ng kaibigan ko.
Kitang kita ko kung paano siya binaboy. Ginilitan. Tinusok ng dalawang sanga ang kanyang mga mata.
Dinala ang kanyang katawan sa isang abandonadong bodega. Doon ko nakita kung paano siya binalatan. Putol-putol na mga daliri ang aking nasilayan. Pugot na ulo ay ipinatong sa upuan. Mga laman niya ay nagsilabasan. Hila-hila ng lalaki ang kanyang laman mula sa wakwak na tiyan. Kalunos-lunos ang sinapit ng aking matalik na kaibigan. Wala akong magawa kundi ang manood lamang.
Dalawang kamay ang yumakap mula sa aking likuran.
"Namiss kita, Buchi!"
"P-putok??"
At sa aking pag harap nakita ko ang aking matalik na kaibigan. Puno ng dugo at nakangiti akong pinagmasdan.
"Buchi, kasalanan ko ang lahat. Nagpapasalamat ako at nagwakas na ang aking kalungkutan."