Natasha's POV"Tayo na't magsaya sa araw na ito! Simulan na natin sa mga pagkain!" ending speech ni Sir Santos, nung principal.
May mga staff na teachers na naka dress up rin ang umakay sa amin sa dalawang sobranggggg habang table. May mga pagkain dun. No plates, spoons, or forks. No nothing. Only foods. Sobrang dami rin! Like hell! Sa dahon ng saging lang sya naka-lagay.
Wow. So this is what boodle fight looks like.
Mae-experience ko ba talaga 'to? Wow I'm excited. But more nervous. Di pa kasi ako nakaka-kain ng naka-kamay. Now I wish I did. Baka mahalata nila ako.
Lumapit kami sa table, napansin ko rin yung mga karton sa ilalim ng mesa, may laman itong mga dahon ng saging pero maliliit. Siguro ay yun yung mga excess. Meron ding mga timba na may lamang tubig at may naka sulat na "students, dito maghugas ng kamay bago sumabak sa boodle fight"
So naghugas kami.
Maraming nagsilapitan at naghanap ng kanya kanyang pwesto, walang upuan so we're all standing up. Halo halo. But no outsiders tho. Pansin kong lahat ay naka dress up ng 70s-90s lang. Tumabi sa kaliwa ko si Oyang. Sa kanan naman si Mutya.
Siniko nya ako at ngumuso sa kaliwa ko, so I looked.
Tumabi lang pala si Mimay kay Oyang. Kumunot ang noo ko at napa-buntong hininga. Talagang sunod ng sunod sya kay Oyang no? Eh ano naman? After all mas matagal na silang magkakilala. And she probably deserves Oyang than I do.
Napatingin ako sa maliit na dahon ng saging ng may nagpatong nito sa ulo ko.
Hinigit ni Oyang ang dalawang end at pinagdikit just under my chin. Para na tuloy na-cover ang ulo ko. What is he doing?
"Bawal sumimangot." he flushed a smile.
Well, then...
"Di naman ako naka-simangot eh" umiwas ako ng tingin, but only my eyes moved, naipit kasi ang mukha ko sa dahon.
"Talaga ba?" tinanggal nya na yung dahon at inayos ang buhok kong nagulo. Tinupi nya naman yung dahon sa dalawa at binigay sakin.
"Wag mo sabihin balak mong ipakain 'to sakin?" kunot-noong sabi ko.
He chuckled, "mainit. Gawin mo yang pamaypay."
Namula ang mukha ko. Kasi nga ano... mainit nga kasi.
"Okay! Handa na ba lahat?!" sigaw ni sir Henry sa mic. Naka microphone na nga nasigaw pa. Wow ah. "pasensya na sa hindi makaka-sali. Hindi sapat ang lahat ng ito para sa bawat isa sa atin." tumawa pa si sir.
I think someone else deserves my spot. Tutal, hindi naman ako marunong kumain ng pang-boodle fight.
Lumingon ako sa paligid at nakita si Ken na nanonood sa pagsimula ng kainan, sasabihan ko na lang sya na pumalit sya sa akin. Tsaka busog pa ako. Kahit hindi ko naubos yung pasta kanina sa....date namin. Shook! First.. first date ba yun? Di naman counted yun! Tsaka as if naman na masusundan pa yung date na yun. Ugh!
"Mutya." tawag ko kay mutya na titig na titig lang sa pagkain. What did I expect? "kayo na lang dito. Tatawagin ko si Ken para sya ang pumalit sakin."
Wala sa sariling tumango si Mutya. Hay nako ano pa nga ba? Pagkain yang nasa harap eh.
Tumalikod na ako pero bago pa ako makahakbang ay may humawak sa kaliwang wrist ko. Humarap ako kay Oyang and then...and then...
Sinubuan nya ako ng pagkain! Nang naka-kamay!

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...