Cheska's POV
"ARE you sure you're okay?.. Chesk? "
Hindi ako sumagot, dere-deretso lang ako sa paglalakad. Nasa likuran ko si Levi at nakasunod lang ito sa akin. Kanina pa s'yang tanong ng tanong kung ayos lang ba ako, at nagsisimula na akong mairita dahil doon.
Ano ba naman kasi 'yon?
Sa nangyari kanina, tingin ba n'ya ay magiging okay ako? Eh halos— yakapin na n'ya ako. Oo, alam kong pinigilan n'ya lang naman akong pumlakda sa lupa, pero hindi rin naman ako manhid para hindi mailang sa nangyari, lalo na ron sa binanggit n'ya bago ako matisod, hindi ako tanga para itangging may kakaiba akong naramdaman nung mga oras na iyon.
Hindi ko nagustuhan ang pakiramdam na iyon. Parang bigla akong nalito sa kung anong bagay.
Hanggang sa pagsakay namin sa elevator ay ramdam ko pa rin ang matinding nerbyos. Idagdag pa na hindi na rin naimik si Levi, nasa likuran ko ulit s'ya nakapwesto. Mukhang nag-iisip din ito nang malalim. Kita ko kasi sa repleksyon ng pintuan ng elevator na nakatulala ito sa kawalan.
Iniisip n'ya rin ba yung nangyari kanina?
Maya-maya ay tumikhim ito. Muli tuloy akong napasilip sa kan'yang repleksyon. "Chesk. "
Bahagyang nanlaki ang aking mata nang mahuli ni Levi ang aking pagsilip. "Oh? " Mabilis akong nagbaba ng tingin.
".. I'm sorry— " ramdam kong naglakad ito palapit sa aking likuran. "I.. felt sorry for being honest. Naging padalos-dalos yata ako. "
"H-hah? " Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib.
"I know you're smart, Cheska. Alam kong na-gets mo ang ibig sabihin ng sinabi ko kanina. "
Oh great. Hindi ulit ako nakaimik. Parang nalunok ko bigla ang dila ko. Ramdam ko na s'ya naman ang nakatitig sa aking repleksyon. Gusto kong lumubog bigla sa aking kinatatayuan. Hindi ko talaga nagugustuhan ang pakiramdam ko ngayon.
"Cheska— "
Hindi naituloy ni Levi ang pagsasalita. Nagbukas na kasi ang elevator, nasa 4th floor na pala kami.
Nakahinga naman ako nang maluwag at naglakad na ulit palabas. Pero natigilan ako sa pagliko papunta sa aking kwarto nang mapansin kong hindi ko narinig na sumunod ito sa akin sa paglabas. Nilingon ko ito at nakita kong nakasakay parin doon si Levi at nakasandal sa may dingding, malungkot itong nakatingin sa akin.
"I'm sorry again, Cheska. " Natigilan ako bigla. Hindi nakaligtas sa akin ang malungkot nitong pagngiti bago tuluyang nagsara ang pintuan ng elavator.
Naglakad na ako papunta sa aking kwarto. Naguguluhan na talaga ako. Ano bang nangyayari sa akin, ano bang nangyayari ron sa Levi na iyon?
Bakit ginagawa n'ya ang bagay na iyon?
Anong mero'n?
"JESS? "
Gulat akong napatakbo palapit sa nakaplaktang si Jesthony sa aking kama, may hawak itong ice bag at bahagyang idinadampi-dampi sa namamaga nitong— pisngi.
"A-anong nangyari sa'yo? "
"Ewan! " Masungit itong gumulong padapa at iniiwas sa akin ang kan'yang mukha.
"Anong ewan? " Naupo ako sa tabi nito. "Jess, anong nangyari sa'yo?!— "
"Haller! " Nagikot ito ng mga mata. "Hindi ba obvious? Nasapak ako ng magaling mong step brother! P*tanginang animal talaga iyon! Hindi marunong sumakay sa biro. Buti na lang at nagantihan ko s'ya ng isa. Ugh! Dapat pala sinabunutan ko rin. " Nangagalaiti nitong hinampas ang comforter ng kama.
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
General FictionAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...