Unknown
Hating gabi. Kumikidlat at dumadalugdog, kasabay ng pagragasa ng malakas na ulan ang malakas ring ihip ng hangin na umiihip sa kulay kahel na kurtina.
Nakakarinig ako ng malakas na panaghoy ng isang babae, tila nahihirapan tila may iniinda.
"Sssh!" Saway niya sa kung sino man. "Wag kang maingay. Tama na! Madidistorbo mo sila."
Patuloy lang kung umiyak hindi tumitigil, hindi nababahala kung may ibang nakakarinig o makakita man lang.
"Ayaw ko na! Natatakot ako." Sabi niya sabay takio ng tenga.
"Huwag kang matakot. Nandito ako, tutulungan kita." Paninigurado niya sabay himas ng likod upang mapanatag ang kanyang loob.
"Tama na nga! Wag kang makinig sa kanya." Saway ko sakanya.
"Huwag kang makealam. Ikaw rin naman ang makikinabang." Asik niya mukhang naiinis.
"Tama siya. Natatakot ako. Ayaw kong gawin iyon, makakasama lang sayo ang lahat ng plano mo." Umiiyak niyang tugon.
"Punyeta! Tumayo ka dyan at sundin mo ang gusto ko." Galit niyang utos.
Natatakot ako. Ayaw ko nang ganito. Pero wala akong magagawa dahil siya ang malakas.
Umiiyak akong tumayo. Binuksan ang pinto at naglakad palabas ng kwarto, suot ang itim na Jacket at itim na pantalon. Nagtungo sa baba at dumiretso sa kusina.
"Natatakot ako. Ayaw kong gawin ito." Sabi niya nagmamakaawa, takot sa gagawin at sa maaaring mangyari.
"Sundin mo na lang ako!" May diin niyang sabi sa sobrang inis. Kinuha ang kutsilyo at inibot sa kanya.
"Gamitin mo yan." Utos niya sabay lahad ng matalim na kutsilyo.
"Huwag na nating gawin. Natatakot rin ako. Ayaw ko nang ganito." Sabi ko sabay iling.
Umiiyak na naman siya. Pinunasan niya ang kanyang mga mata.
"Umakyat kana at patayin mo siya." Utos niya.
Umakyat kami gaya ng sinabi niya. Dumiretso kami sa kwarto ng isang babaeng walang kaalam alam.
Inilabas ko ang hairpin at kinalikot ng dahan dahan ang seradura. May tumunog at pagpihit ko ng seradura ay iniluwa nito ang babaeng nakahiga at mahimbing na natutulog.
Lumapit siya, may pinaamoy na likido, at alam ko sa mga oras na to hindi na niya mararamdaman ang lahat ng sakit.
Pagkatapos niyang pinaamoy sa babaeng target, lumapit siya sa katabing kama at ganun rin ang ginawa pinaamoy ng kung anong likido.
Bumalik sa babaeng nauna at inandayon ng sunod sunod na saksak sa tiyan, dibdib pagkababae at sa mukha. Paulit-ulit walang humpay, hanggang sa makita ko na ang tumutulong preskong dugo mula sa kama niya. Hinawakan niya ang tiyan at kinalkal ang mga bituka at lamang loob, nagkaron ng mansya ang puting gloves na gamit niya. Ito na ang katapusan niya.
Tumingin siya sa kalapit na salamin. Tumitig at ngumiti.
"Salamat, Alisse."
*************************
Rated SPG.
Lengwahe Tema Karahasan Sexual Horror Droga. 😂
BINABASA MO ANG
Never wake Alisse
Mystery / ThrillerShe's a typical teenager living her so called normal life to the fullest not until she reach her college year, everything changed in just one snap.