Just like everybody, naranasan ko ding umiyak dahil ayaw kong pumasok.Umiyak kasi ayaw ko ng baong inilagay ni mama saaking lunch bag.
Umiyak kasi iiwan ako ni mama sa isang masikip, mainit at napakaingay na silid.
Kung saan marami raw akong matututunan, at mga makikilalang mga bagong kaibigan.
Hindi lang ikaw, hindi lang ikaw yung takot mag aral.
Hindi lang ikaw yung tamad gumising ng maaga para hindi mahuli sa nakakasawang flag ceremony na araw aaw mo nalang ginagawa.
Hindi lang ikaw yung tamad na tamad gumawa ng nga takda na pinapagawa sa bahay kahit wala ka namang natutunan.
I swear, hindi lang ikaw. Pati din ako.
-----
When I was 4 years old I want to be a Teacher someday, gusto ko kasing sundan yung yapak ni mama. She used to be a teacher in Castillejos High School major in math. Yeah! She used to be.
Sabi ko noon excited na akong pumasok, excited na akong makakilala ng mga bagong kaibigan. Excited na ako sa mga laro na lalaruin namin sa school.
Pero noong natapos ko ang unang araw ko sa Grade 1. Sabi ko kay mama.
"Ma, ayaw ko na pong mag aral" habang umiiyak. Napahiya lang kasi ako sa klase namin.
Napaihi kasi ako sa salawal ko habang nagpapakilala sa harap.
Ganun pala yung pakiramdam na tumayo sa harap ng maraming tao? Nakakakaba hindi ko kinaya ayun napa ihi ako. Hahaha
Ngunit nandiyan si mama to the rescue sabay sabing "Ganyan talaga ang lag aaral nak, sa umpisa lang yan. Magiging maayos din ang lahat." Sabay halik sa mga pisngi ko and I swear excited na ulit akong pumasok bukas.
YOU ARE READING
You Left Me Alone
Teen Fiction"Friendship is like a glass ornament, once it is broken it can rarely be put back together exactly the same way." Hi I'm Aicirt Eam Punzalan. In my 17 years of existence in this world, andami ko nang napag daan, hindi ko na alam kung magugulat pa b...