"What do you mean Yngrid was DEAD?! Sabihin mo nga sa akin Fraiden, may alam ka ba sa pagkawala ng kuya ko?!"
"Wala. I know nothing..." Nakita ko kung paano hindi makatitig ang mga mata niya sa akin kaya naman pinandilatan ko lang siya. "What?! Tsk fine." dagdag niya saka itinaas ang dalawa niyang kamay, naghahayag na surrender na siya.
"So alam mo kung nasaan ang kuya ko?" Bumuntong hininga muna ito bago ako sagutin.
"Yeah somehow, alam ko ang posibleng lugar kung nasaan ang kuya mo at mukhang alam mo na kung anong tinutukoy ko."
"Sa abyss."
"Bingo!"
"Teka nga Fraiden, paano mo naman nakilala ang kuya ko? Kaibigan ka ba niya?" tanong ko ngunit umiling lang siya sa akin.
"I'm not his friend. It's just that isa siya sa mga sikat sa abyss. Did you know that your brother was a total genuis? I think, even Einstein can't beat him." Agad na napataas ang kaliwang kilay ko.
"What do you mean?"
"Tsk. You don't really know about this? Hindi man lang sinabi sa'yo ng kuya mo ang tungkol dito?"
Napailing lang ako sabay kibit balikat. "For me, he's a psychopath. Tanda ko dati, sinabi niya sa akin na gagawa raw siya ng bagong mundo because he's a god, gagawa rin daw siya ng military humanoid upang pagharian ang daigdig and he even told me na gagawa rin daw siya ng app na mas matalino pa sa google." Halos matawa-tawa kong ani sa kanya ngunit bakit ang seryoso pa rin ng mukha niya?
"What? Bakit ang seryoso mo diyan? Hindi ba nakakatawa ang mga sinabi sa akin ng kuya ko?" Napahawak lang siya sa baba niya saka tumingin ng diretsyo sa akin.
"Nope. Because he already created those." Napalunok ako ng laway. "You know the abyss right? That's the world he told you. Isa siya sa mga nagtaguyod ng abyss, even military humanoids are already existed in our world and the app he said na gagawin niya na mas matalino pa sa google...." Sinukatan niya muna ako nang tingin bago itinuloy ang sasabihin niya.
"That app is HANS, a Human Automated Network Simulator. Hans was really powerful, isa iyan sa mga sikat na app sa abyss dahil ito ang kadalasang tinatanungan ng confidential infos. Kahit anong itanong mo rito ay alam niya, even your exact location now, what you are doing, what you ate this morning and so on and so forth. But yeah! He's really a psychopath for creating those crazy things."
Bigla ko tuloy natandaan 'yung sinabi ko kay hans. 'Yung fvck the one who fvcking invented you. Geez, kuya ko pala. Kuya kong tarantado.
"But unfortunately, your brother vanished with unknown reason leaving with no trace." dagdag niya pa na ikinalungkot ko. Binigyan ko siya ng pilit na ngiti saka ako muling nagtanong.
"Pero sa tingin mo, buhay pa siya 'di ba? Naniniwala ka rin na buhay pa siya! Kasi sa talino niyang iyon, siya madaling mamatay? Baka nga siya pa ang pumapatay ngayon." Nagsimula nang magsilaglagan ang mga luha ko at nakakainis lang dahil hindi ko sila mapigilan sa paglabas. "Sa tingin mo Fraiden, 'yung unknown caller ba ang dumukot sa kanya?"
Tiningnan lang ako ni Fraiden, wala akong nakikitang emosyon sa mga mata niya pero kita ko kung gaano ang pagyukom niya sa kamao niya.
"Ah sorry kung bigla-bigla akong umiyak. Hindi ko kasi m-mapigilan, bigla na lang silang b-bumabagsak. Alam mo k-kasi, lumaki kaming walang magulang ni Kuya Yngrid kaya s-siya na lang ang tanging pamilyang tinuturing ko. Kaso... n-nawawala pa." At tuluyan ko na ngang hindi napigilan ang pag-iyak ko.
Inabot din ako ng ilang minuto natapos ang pag-iyak ko. Medyo nahihiya pa nga akong tumingin ng diretsyo kay Fraiden.
"Yeah, I think you have a point. That crazy man won't die just easily. Pero Ysabelle, sigurado ka na bang papasok ka na sa mundo ng Abyss? Wala nang balikan ito." Kita ko kung gaano kaseryoso ang mga mata niya ngunit ngumiti lang ako.
"May magagawa pa ba ako? Kung gusto kong mahanap ang kuya ko. Kakailanganin kong tumapak sa impyernong mundong ginawa niya." Nang sabibin ko iyon, wala nang ibang nagawa si Fraiden kun'di ang mapabuntong hininga.
To be continued...
A/N: Hindi ko na alam kung pang-ilang update at publish ko na ito ngayong araw pero hindi ko lang talaga maiwasang hindi maexcite sa sarili kong kwento. Lols! After so many months, muli kong naramdaman ang matinding bugso ng damdamin ko sa pagsusulat. 'Eto na ba ang sinasabi nilang passion? Na kahit walang nagbabasa ng kwento mo ay panay ka pa rin sa pagsulat? Another lol!
And for those grammar nazi's and kind of perfectionist. Alam ko hong marami akong wrong grammar kaya no need na sa pagpoint out ng katangahan ko. Yes, I want someone to critique my works but ayoko naman 'yung may sasabihin pang mga masasakit na salita tulad ng bobo, inutil at kung ano-ano pa. Yes marami akong errors pero ine-edit ko naman at inaayos. Hindi lang ngayon dahil medyo tinatamad pa ako.
Have a good night to all!
Ps. Piling may reader si author, and for @MrWhiteCat. Hello bro! Thank you for supporting mah works. 😢😂
BINABASA MO ANG
Switched
خيال علميSi Ysabelle ay isang ordinaryong babae. Ngunit sa hindi inaasahan, lahat ng ito ay magbabago. Sa simpleng mensaheng natanggap niya ay aksidente niyang magagamit ang isang app. Ang misteryosong app kung saan pwede siyang makipagpalit ng katawan sa is...