Shane's P. O. V.Isang napakagwapong nilalang ang nasa harap ko ngayon. Matangkad, makinis at maputi ang balat halatang mayaman si papang pogi. Ang mga mapungay nyang mata na parang hinihigop ka sa bawat titig nya. Manipis na labi na kulay cherry na animo'y parang gumamit ng lip shiner, parang ang sarap halikan. Ito na ba ang hinihintay kong prinsipe na sasagip sa akin mula sa mundo kong walang kabuhay buhay?? Iaabot ko na sana sa kanya ang kamay ko ng.....
Naputol lng ang day dream ko ng bigla syang tumalikod at iniwan akong nakaupo pa rin sa semento.
''huh??! Hoy!! Teka??! " sigaw ko sa lalaking papalayo na.
Huminto ito sa paglalakad at nilingon nya ako. Grabe ang hot nya nung nilingon nya ako parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Teka teka.. Dapat magalit ako kasi nabangga nya ako tapos ngayon parang wala lng at aalis sya ng hindi man lang ako tinutulungan makatayo! Galit ako!
"hoy mister! Hindi mo ba ako tutulungan makatayo man lang??!!" sarcasm kong sabi sa kanya with a cute smile.
Inirapan nya lng ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"aba't.. Hoy!!! " dali-dali kong tumayo at hinabol sya. Tinulak ko sya ng pagkalakas lakas. Hindi nya ata inaasahan na gagawin ko yun kaya't natumba sya. Tiningnan nya na ako na may 'ano ka ba look' pero hindi ako nag patinag sa ka gwapohan nya.
"hindi ba naituro sa iyo ang good manners??!! " hinihingal ko pang sabi. "kahit pagtulong man lang saken makatayo??!! Ganun ba kahirap yun??!! " taas kilay ko pang dugtong.
Tumayo si mister pogi at pinagpag ang damit nya. Tumingin sya saken. Grabi ang mga mata nya parang may hole na hinihigop ako sa kawalan. Dahan-dahan syang lumapit at tumigil sya sa harap ko. Syempre di dapat ako patitinag sakanya. Tiningnan ko rin sya mata sa mata. Nang biglang nilalapit nya mismo yung mukha nya sa mukha ko. Syempre di ako patitinag di ba so hindi ko inalis mukha ko sa paglapit nya ng mukha sa akin. As en parang one inches na lng yata ang layo ng mga mukha namin. Grabeh! Super gwapo nya talaga kenekeleg neko seyow pogeh!
"fine, I'm sorry" cold nyang sabi sakin habang magkalapit parin ang mga mukha namin. Infairness mabango hininga nya parang amoy candy. Parang 30 seconds din kami sa ganung sitwasyon. Hindi ko na matiis to baka sasabog nako sa sobrang kilig dito.
"okey, you're forgiven." umatras ako ng konti para matapos na ang titigan game namin kasi sobrang high voltage na yung nararamdaman ko sa buo kong katawan baka mag explode ako bigla hahaha."kaya mo naman pala humingi nang sorry, ang dami mo pang drama. " sabi ko.
Parang nagtaka sya sa sinabi ko kaya dali-dali na akong tumalikod at nag lakad palayo. 'pero teka mali yung direksyon ko, papuntang gate to eh. Haist! Mali! mali! mali! Tanga ko talaga! Huminga muna ako ng malalim at naglakad pabalik sa tamang deriksyon.
"ang tanga mo shane! " bulong ko sa sarili ko. Nang mahagip ng mata ko si mister pogi at nakita ko na natawa sya ng konti sa akin. Dumiretso na lamang ako kasi hiyang-hiya na ako. Ang dami palang estudyanteng nanuod samin. Haist! Naku! Naku! Naku! Unang araw may mamaya pa. Katangahan please lubayan mo muna ako today!!!
At sa wakas nakita ko na din ang room ko. Medyo konti pa lng ang tao sa loob. Kaya pumasok na rin ako. Pinili ko yung upuan sa likod na nasa pinaka sulok. You know me naman, gusto ko mapag isa. Hindi ko feel makipag plastikan e. Once na akong nag trust at sinayang lng kasi ginago rin pala ako sa huli. Osha! Wag nyo na itanong kasi hindi ko rin sasabihin. Hahaha.
Marami na rin ang estudyanteng nagsidatingan. May nag lalaro ng mga phones, psp, tablet at yung iba nag chichismisan. While me? Heto nagbabasa ng wattpad sa cellphone nakahiligan ko na kaya tu. Nang biglang may mga babeng nagkumpulan at parang may pinariringgan."ang warfreak nung girl grabi.!! Tinulak ba naman nya si steven myloves! " maarteng sabi nung babaeng klasmate ko na sobrang kapal ng blush on na parang pinagsasampal sa sobrang pula.
"ewww, nagpapapansin lng yun kay steve, and for that kind of action pa talaga yung naisip nya hah??!! Sabi naman ng isa pang clown a este klasmate ko din pala ang kapal din naman kase ng make-up.
Hindi ko na lng sila pinansin mga nonsense kasi naman din ang topic nila. Nagpatuloy na lng ako sa pagbabasa ng may lumapit sa akin. Nang iangat ko ulo ko. Nakita ko yung mga clown kong klasmate at may tatlo pang alepores na mga mukhang clown din.
"hey, you're the transferee right??!" tanong nya sa akin na nakataas ang kilay.
Aba! Akala nya siguro hindi ako marunong magtaray ah! Pwes pataasan tayo ng kilay. "so??! " tinaasan ko din sya ng kilay.
Parang nagulat sya sa ginawa ko at parang natakot sya ng konti. Hahaha. Matakot ka saking bruha ka.
"you stay away of my steven or else, we will make your life miserable!!" pagbabanta sa aken ne bruha.
Nagulat ako na may halong kaguluhan sa isip ko?! Sino ba tong steven na sinasabi ng bruha kong kaklase!?? At saka inaano ko ba sila at yung steven na yun na hindi ko nga kilala kung sinong poncio pilato yun eh!
******
A/N
Pasensya po sa late update super busy ako this month sa sobrang daming reunion ngayong summer. Sobrang itim ko na nga e. ibat-ibang beaches na pinuntahan. Thank you po sa inyu readers sa support nyo sa story ko. Just leave a comment po kung may mga isusugest po kayo and like thank you.
BINABASA MO ANG
'I Love You' sa Tago
Teen FictionIsang transferee sa isang university si Stephanie Shane Regala sa San Agustin sa Laguna. Ang akala nya magiging simple at boring ang pagiging estudyante nya bagong paaralan pero nagbago ang lahat ng pumasok sa buhay nya si Steven Neil Vistamonte. Ma...