Ang pag-ibig parang abstract, di natin maintindihan. Isa ito sa mga bagay sa mundo na walang tiyak na paliwanag dahil napapasaya at napapaiyak ka nito sa kakaibang paraan, yung tipong wala namang nag-biro pero nakangiti ka o di ka naman nadapa pero umiiyak ka.
Naalala ko nung una kong maramdaman ang pag-ibig, walang kakaiba sa kanya ngunit iba ang dating niya sakin. Nung una’y wala akong magawa pero nag-tanong-tanong ako kung paano ba manligaw ng babae. Sabi nila’y kaibiganin ko muna, ipagbuhat ko ng gamit at bigyan ko ng mga liham at rosas. Lahat ng ito’y aking ginawa at naging epektibo naman. Napasagot ko ang aking minamahal at nagtagal kami.
July 19, 2008… Ang araw na di ko makakalimutan dahil ito ang araw na nakipaghiwalay sa akin ang pinakamamahal kong babae. Hindi niya sakin ipinaliwanag ng mabuti ang mga dahilan, basta’t ang sabi niya ay marami pang ibang babae na mas bagay sakin. Pinabayaan ko siya hindi dahil hindi ko siya mahal, ngunit dahil sa sobra kong pagmamahal sa kanya kaya gusto ko ay sumaya siya kahit ano pa man ang paraan.
Naalala ko pa nga, lahat ay nagtataka dahil wala naman kaming naging problema ngunit bigla-bigla na lang ay wala na kami. Sabi nila, akala nila’y kami ang magkakatuluyan. Ngunit, mali sila dahil ang babaeng pinakamamahal ko ay iniwan na ako.
Ganyan talaga ang pag-ibig, nakakaranas ng pagkabigo. Ngunit, kailangan natin itong tanggapin dahil parte ito n gating buhay. Ipagpatuloy lang natin ang buhay natin kahit sobrang hapdi ng sugat na iniwan ng taong mahal natin.
--entry ni Paul Quinto sa Express Your Feelings Writing Contest noong Valentine’s Day Celebration
Nanalo ang entry ni Paul Quinto na 3rd place kaya naman binasa pa ito nung awarding na. Tinamaan si Chinnie Lim kaya tumakbo ito papalabas ng school na umiiyak at dumiretso sa park. Nakaugalian kasi nitong pumunta sa park mag-isa at magsulat ng tunay na nararamdaman sa isang papel at ilagay ito sa bote at iiwan sa ilalim ng puno nung pagka-break nila ni Paul. At laging may sumasagot naman sa mga hinaing niya at lagi pa siyang chini-cheer up.
Chinnie…
Magt-two years na ang nakakalipas at wala na kaming communication dahil talagang nilayuan na ko ni Paul. At sa two years na yun ay sobrang sakit. :"(
Ito ang huling sinulat ni Chinnie sa papel na inilagay sa bote:
Two years na wala na kami bukas pero siya pa rin. Sobra kong pinagsisisihan yung ginawa ko kung alam niya lang. Kung alam niya lang kung gano ko na siya namimiss at gano ko kagusto na lapitan niya ko ulit. :”( Hey, taga-advise! Gusto kita makausap. I'm helpless. Tulungan mo ko! 3pm dito please, para naman gumaan ung pakiramdam ko. The best kasi mga advice mo eh. Parang napagdaanan mo na 'tong pinagdadaanan ko. Thanks! :)
Kinabukasan, after class, 3pm andun na si Chinnie sa park. 3:15pm, wala pa... 3:20pm, wala pa... 3:30pm...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Si Paul dumating.
Chinnie: (SPEECHLESS)
Paul: Oh?
Chinnie: B.. Ba.. Bat ka andito?
Paul: Ako yung naga-advise...
Chinnie: (NAMUTLA) Paul, OO! Sobra kong pinagsisihan ung ginawa ko. Ang tanga ko. Ang sakit sakit. (NAIYAK NA.)
Paul: Chinnie, di naman ako nawala sayo eh. Ever since na nakipag-break ka, lagi kita binabantayan. Remember nung pauwi ka tapos wala kang payong, may nag-abot sayo ng payong na bata.. Pinabigay ko sayo yun. Nung di ka nakapag-print ng assignment tapos sabi ng prof. mo okay na.. Pinagpass kita ng assignment. Dito sa pagsusulat mo, I always make time para mabasa ung mga hinanaing mo at lagi kitang chini-cheer up kasi ayoko na malungkot ka. Gusto ko malaman mo na kahit ano pa mangyari, I WILL STILL BE HERE. Tsaka diba ito gusto mo, lapitan kita ulit? :) Chinnie, gusto kita ligawan ulit. I love you so much! :-*
(SANA GANYAN LAHAT NG LALAKI HANO? :)) Pero wait, may katuloy pa yan.)
Naging si Chinnie nga ulit at Paul hanggang fourth year college pero dumating yung time na kailangan ng pumunta ni Chinnie sa States dahil andun na yung buong family niya. Hinayaan naman ito ni Paul dahil tiwala siya kay Chinnie. Ngunit, di inaasahan ni Chinnie na may lalaki na pala siyang papakasalan sa States dahil yun ang tanging paraan para maging American citizen siya. Di niya ito sinabi kay Paul hanggang sa natutunan niyang mahalin ung American na pinakasalan niya. At sinabi na lang ng magulang ni Chinnie kay Paul na kasal na si Chinnie para naman di na umasa si Paul. At maliwanag na HINDI SI PAUL AT CHINNIE ANG NAGKATULUYAN.
Yan ang love, mapaglaro. Di mo alam kung mage-exist ba ang happy ever after. :)
BINABASA MO ANG
If Happy Ever After Did Exist
RomanceLOVE IS LIKE AN ABSTRACT PAINTING. :)) In this story, you'll see that love is really unpredictable and you'll also encounter the ideal guy here.