Chapter 5

3.3K 82 0
                                    

Hajime's POV

Tsk. Nagkahiwa-hiwalay na nga kaming apat, nagkahiwalay pa kami ni Hana. Siya kasi eh. May pagka tanga rin yung babaeng yun. Sa loob siya tumakbo. Wari bang sumunod na lang sana sakin. Ano nang gagawin ko? Hindi ko na alam kung saan tong natakbo ko. May mga humahabol pa rin sakin. Eh ang tanga nung dalawa, nadapa. Edi nakalayo ako. Pati rin pala zombie tanga. Parang sa love lang. Joke.

"Jeez. Ang hirap ng mag-isa. Nakakakaba na ewan"

Mula sa malayo. May nakita akong sasakyan. Military van e. Nagtago muna ako. Mamaya zombie yun eh. Mamatay pa ako na wala sa oras. May zombie kayang marunong mag drive. Hahaha bwisit na imahinasyon to. Nung malapit na, nakita ko yung nagda drive. Si Kenji! Tapos yung kasama niya kanina. Syempre, lumabas agad ako. Tumakbo ako tapos nagsisigaw.

"Kenji! Kenji!"

Tumigil sila tapos lumabas.

"Hajime!"

Nakaagaw atensyon yung sigawan naming dalawa kaya ayun, may naglabasan na zombie. Natural nakarinig ng maingay eh. Ako naman lumapit na agad kela Kenji.

"Dali! Drive na! Baka ma corner pa tayo dito!"

Nag drive naman agad. Jusko tinkyowbirimuch! Akala ko katapusan ko na. I don't wanna.

"Nasan si Hana?"

Aw. Oo nga pala. Nasan na kaya sya? Tanga kasi ng babae na yun. Sana safe sya.

"Nagkahiwalay kami eh."

"Ha?! San siya naiwan? Bakit hinayaan mong magkahiwalay kayo?"

"Di sadya yun. Dun sa bahay na pinag-taguan namin."

"Bakit kayo nagkahiwalay?"

"Nung napasok kami ng zombie dun, sa labas ako tapos siya naman pumasok pa lalo sa loob."

Teka, bat ba ang tanong ng Kenji na to? May gusto ba siya kay Hana?

"Bakit ang tanong mo?"

"S-syempre kaibigan natin yun eh."

Sabagay. Hindi ko naisip yun. Wala akong time para mag-isip pa ng ibang bagay. Ang iniisip ko lang e yung safety ni Hana. Syempre kaibigan namin yun eh.

"San ba yung bahay na yun? Babalikan natin si Hana."

"Hindi ko alam eh. Kanina pa ako takbo ng takbo eh. Pakiramdam ko malayo na rin yun mula dito. Kasi may kalayuan na rin tong natakbo. Pasensya na pare."

"Ayos lang."

Ikaw kaya habulin ng mga zombie? Tingin mo mamimili ka pa ng tatakbuhan? Syempre takbo lang ng takbo hangga't may lupa. Tumigil muna kami saglit, pinagtatalunan kasi namin kung hahanapin namin yung bahay o aalis na lang.

"Hanapin natin yung bahay." Sabi ni Kenji.

Napagdesisyunan namin na hanapin. Di namin pwede abandunahin si Hana ng ganon na lang. Pero, ang daming bahay. Alangan na isa isahin namin yun. Mamaya mataon pa na puro zombie yung bahay na mapasok namin. Pero kung kailangan, gagawin namin.

"Isa isahin ba natin?"

"Sige. Pero mag ingat lahat."

Pero yung isa naming kasama, walang pakialam. Saka ang weird niya. Kanina pa siya tahimik. Kahit nung nakita nila ako hindi man lang siya umimik.

"Wala ka bang balak na tulungan kami?"

Okay, nice talking. Nagsalita ako sa hangin. Hindi niya ako pinansin. Pipi ba to o bingi?Bahala ka nga sa buhay mo.

"Kenji, ano na?"

"Wala eh. Mga empty yung napuntahan ko."

Saan ba kasi yun? Di ko maalala dahil mas priority ko ang makatakbo kanina. May mga nakita nga kami, mga zombie naman. Tapos yung ibang buhay pa, infected naman. Bale magiging zombie rin sila. Ano pang punto ng pagtulong namin, e pag naging zombie na sila, kailangan namin silang patayin. Diba?

"Wala. Mga zombie lang eh. Wala si Hana."

"Yaan mo, makikita din natin yun."

Sana nga. Likot kasi nung babae na yun kung saan saan tumatakbo. Eh natataranta din ako kanina.

Pero nakakabadtrip talaga tong Shinji na to eh. Mukhang tanga. Hindi man lang kami tinulungan. Ano to sabet lang samen? Kami lang gagawa ng way para mahanap si Hana ganon?

"Ang layo na ng nalilibot natin, hindi pa rin natin makita si Hana. Dapat kanina pa natin nahanap yun eh. Baka naman..."

"Hindeeee!"

"O.a? Wagas makasigaw? Sasabihin ko baka naman nagtatago. Alangan na mag expose pa yun sa labas diba?"

Pasensya naman. Mukha niya kasi eh, masyadong seryoso. Nakakagago tuloy. Ayoko mag-isip ng negative thoughts. Lalo na ganito pa yung mga nangyayari.

"Ikaw kasi eh!"

"Haha nanisi ka pa. Kaltukan kita eh."

Bigla kaming natigil sa middle of nowhere. How nice, we're out of gas. At talagang sa kalagitnaan pa ng kung saan.

"Shitbrix." Sabi ni Shinji. Nagsalita ka pa. Laking tulong ng sinabi mo brad.

"Wala na tayong gas."

Ay hindi halata. Full tank nga yung kotse eh.

"Paano na yan?"

"Kahit safe tong sasakyan, kailangan nating iwanan to."

No choice eh. Eto nanaman kami, hahanap ng pansamantalang safe house. Bwisit kasi bakit pa kami nawalan ng gas. Sana makasalubong namin si Hana.

"Nasan na ba tayo?

"Hindi ko alam eh."

Ano ba to! Puro na lang hindi alam! Medyo mahamog pa, edi hindi na namin nakita yung mga street signs. Miski yung kalsada wala na. Mamaya neto biglang marami palang zombies.

"Napakahamog, delikado tayo dito."

"Please maging alisto tayong lahat."

Bawat paglalakad namin, sinisigurado naming maingat. Kasi hindi namin alam kung saan may zombie at saan may wala.

"Yan medyo nawawala na yung hamog."

Good thing na nagsisimula nang maging active si Shinji, nawawala na yung galit ko sa kanya.

"Uy 7 11 oh. Kain muna tayo."

Dun muna kami sa 7 11 tumambay. Maayos yung loob. Mukhang wala pang nakakapasok. Eat all we can ang theme namin. Ang sarap ng kaen namin tapos may biglang kumalabog sa bodega. Eto nanaman sa mga kalabog kalabog. Tsk. Lumabas yung nasa loob, susko daga lang pala! Tinakot kaming lahat ng isang maliit na daga! Paksheeet na yan.

"Daga lang pala." Sabi ni Shinji

"Pinagpawisan si Kenji oh. Hahaha."

"Natakot ako e. Masamang matakot?"

Tapos tumawa sila. Nakukuha pa naming tumawa diba? Sa ganitong life and death situation. Astig.

"Uy ano na? Alis na tayo dito. Baka mamaya biglq pa tayong ma corner ng mga zombie dito."

Umalis na kami. This time, hindi para humananap ng ibang lugar, kundi para hanapin si Hana. Sana may mga kasama syang chicks. Joke.

End of Hajime's POV

Great Escape: Zombie Apocalypse 2012Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon