CHAPTER THREE
"IT'S GOOD to be back here!" masayang bulalas ni Ava. Umupo siya sa isang swing. Ang parehong swing na inupuan niya noong unang araw na magkita sila ni Cleon. Suddenly, a beautiful memory comes out to her mind.
Hindi niya mapigilang ngumiti habang itinatapak ang mga paa niya sa damuhan para pagalawin ang swing.
"Ang ganda ng ngiti mo ha. Naalala mo ang araw na iyon ano?"
Nilingon niya si Cleon na siyang nagdala sa kanya sa Maligaya Park nang hapong iyon. Nakaupo ito sa isa pang swing sa tabi niya habang nakatingin sa kanya.
Nakangiti ito sa kanya. Ang ngiting palaging nagpapabilis ng kabog ng dibdib niya.
Gumanti siya ng matamis na ngiti at tumango. "Na-miss ko ang lugar na ito. Siyempre pati ang dati naming bahay ilang kanto mula rito. Kaya thank you Cleon at dinala mo ako rito."
Lumapad ang ngiti nito. "Masaya ako na napapangiti kita. Kapag nakangiti ka kasi ay ang sarap-sarap sa pakiramdam. Your smile has that strong effect in me... like everything is just all right."
Tumawa siya at tinitigan ito. "Talaga? Ganoon ang epekto ko sa'yo?"
Tumango ito. "Oo. Kaya gusto ko na palagi kang nakangiti."
At isa ka sa mga nagpapangiti sa akin Cleon.
Ngumiti siya at muling pinagalaw ang swing. Ang sarap ng pakiramdam niya. Lalo na at kasama niya si Cleon nang sandaling iyon.
"Ava..."
"Hmm..."
"Long weekend simula sa Thursday. Do you have any plans of going out?"
Nilingon niya ito. Holy week at kanya-kanyang plano ng outing ang mga ka-opisina niya.
"Wala kaming outing nina nanay. Sa bahay lang ako buong bakasyon. Eh, ikaw saan ang outing ng family mo?"
Umiling ito. "Wala kaming usapan nina mommy at daddy."
Inihinto niya ang swing at tumingin rito. Nakatingin rin ito sa kanya. Ang puso niya tuloy ay nagwawala na naman.
Nakita niya ang paglunok nito ng mariin. Ano ba'ng nangyayari rito? "I... I actually have a plan for... for us."
Natigilan siya. "Tayo?" ulit niya. "A-Anong ibig mong sabihin?" gusto niyang kutusan ang sarili at nautal pa siya.
"Ahm..." nagkamot ito ng batok at napansin niya ang butil ng pawis sa noo nito. "Ano kasi Ava... ano," Parang may gusto itong sabihin na hindi masabi sa kanya.
"Cleon!" malakas na tawag niya rito. "Ano ba kasi iyon? Bakit hindi mo masabi-sabi?"
Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano sa ikinikilos nito. Ang cute-cute nitong tingnan.
Humugot ito ng malalim na hininga at tumingin ng tuwid sa mga mata niya.
"Ava... yayayain sana kita sa Biyernes na mamasyal. I've heard that Vigan is a beautiful place, do you..." lumunok pa ito ng mariin. "Do you want to come with me? Tayong dalawa lang... mamamasyal tayo."
Silang dalawa lang. Gustung-gusto niya ang ideyang iyon. Higit sa lahat kasama niya ito. Kahit saan naman siya dalhin ng binata ay sasama siya dahil alam niyang ligtas siya kapag nasa tabi niya ito.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (COMPLETED)
RomansaThis is AVA CLARIDAD story. A sequel from For You I Will.