Chapter 4

5.4K 89 2
                                    

CHAPTER FOUR

"SURPRISE!" Masiglang bulalas ni Ava nang mapagbuksan siya ng pinto ni Cleon.

"Ava! What are you doing here?" gulat na gulat na tanong nito.

Minasdan niya ito. Halatang kagigising lang nito. Nakasuot pa ito ng pajama at puting t-shirt. Nakatayo pa ang buhok nito at mapupungay ang mga mata.

Nahuli niyang inayos pa nito ang buhok at parang biglang na-conscious sa hitsura.

"Geez! Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka dito Ava? Hindi pa ako naligo. I just woke up from bed," nakangiwing sabi nito.

Natawa siya sa sinabi nito. "Okay lang 'yan gwapo ka naman at mabango kahit bagong gising," bumungisngis siya.

Sumimangot ito at napatili siya nang hilahin ang kamay niya at pumasok sila sa loob.

"Ah gano'n ha! Mabango pala..."

Napatili siya nang pupugin nito ng halik ang leeg niya. Malakas ang kiliti niya roon kaya tawa siya nang tawa habang pinipigilan si Cleon na tawa rin nang tawa.

"Cleon tama na! Matatapon 'tong dala ko!" saway niya rito.

Saka lang ito huminto at tiningnan siya.

Itinaas niya ang dalang paper bag. "Dinalhan kita ng breakfast," masayang sabi niya.

Napalitan ng pagsuyo ang ngiti nito. "Sinadya mong puntahan ako dito sa bahay ko dahil pinagluto mo ako?"

Nakangiting tumango siya. "Ihahanda ko na ito sa kusina."

Naglakad siya papunta sa kusina. Kabisado niya ang bahay ni Cleon dahil madalas din siyang dalhin roon ng binata.

Kumuha siya ng mga kasangkapan pang-kain. Inihanda niya ang niluto niyang breakfast para rito. She cooked fried rice, bacon and eggs and prepared sandwiches, his usual breakfast. Masaya siyang pagsilbihan ang boyfriend niya. Mula nang magkaunawaan sila ay lalong naging malambing sa kanya si Cleon.

Natigilan siya nang maramdaman ang mainit na mga kamay na pumalibot sa baywang niya. She felt those tingling sensation inside her stomach. Her heart skips a beat. Cleon has that strong effect to her.

Naramdaman niyang ibinaon nito ang ulo sa leeg niya. Nakiliti siya sa ginawa nito pero hinayaan niya ang binata na yakapin siya. Tahimik lang ito habang nag-aayos siya ng pagkain.

"Hayan! Ready na ang breakfast mo. Pero teka... may kulang pala," bulalas niya habang nakatingin sa inihanda niya. Napangiti siya ng makita ang kulang. Milk.

Inalis niya ang mga kamay nito sa baywang niya. Kumuha siya ng baso at binuksan ang fridge. Sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang sinundan siya ni Cleon. Nagsalin siya ng gatas sa baso. Habang ginagawa niya iyon ay muli niyang naramdaman ang mga kamay ni Cleon sa baywang niya.

Napangiti siya ng lihim. Parang ayaw na siyang bitawan pa ng lalaking mahal niya. Hinayaan niya ito habang isinasara niya ang fridge. Tinatanggal niya ang kamay nito sa baywang niya pero lalo lang siyang niyakap nang mahigpit.

"Cleon kumain ka na. Lalamig na ang pagkain mo. At may pasok pa tayo sa opisina. Sige ka, male-late tayo."

"Mamaya na ako kakain. Yayakapin muna kita," pabulong na sambit nito. "Isa pa, ako ang boss kaya okay lang na ma-late tayo."

The Day We Met (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon