CHAPTER FIVE
"ANG LAMIG-LAMIG ng kamay mo. Okay ka lang ba?" Hindi alam ni Ava kung matatawa ba siya o ano kay Cleon.
Ngumiwi ito. Magkatabi silang nakaupo sa sofa. Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. Napangiti siya.
"Kinakabahan ako Ava." Hindi nga naitago ang kaba sa mukha nito nang humugot ng malalim na hininga.
Sinapo niya ang mukha nito. "Sa napakarami ngang tao ay nagawa mong ipagsigawan ang pagmamahal mo para sa akin. Tapos ngayon ay kinakabahan kang sabihin ito kina nanay?" nangingiting sabi niya.
Napalitan ng masuyong ngiti ang mukha nito. Parang nabuhayan ito ng loob sa sinabi niya. Hinuli ang kamay niya at hinawakan nang mahigpit.
"Bakit nga naman ako kakabahan eh mahal na mahal ko itong bunso nila." Masuyong pinindot pa nito ang ilong niya.
Ito mismo ang nagsabi sa kanya na pumunta sila sa bahay nila para sabihin sa nanay niya at kuya Marvis ang tungkol sa relasyon nila. Napakasaya niya nang sabihin iyon ni Cleon. He showed her nothing but his love for her.
Nasa ganoon silang pag-uusap ng marinig nila ang malakas na pagtikhim. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya si kuya Marvis na seryoso ang mukha. Tinawagan niya ito kahapon at sinabing may mahalaga siyang sasabihin. Gusto nilang personal na sabihin sa pamilya niya ang relasyon nila ni Cleon. Kasunod nito ang nanay niya na seryoso rin ang mukha.
Bumati si Cleon at nagmano sa nanay niya. Bumalik ito sa tabi niya at naramdaman niya ang pagpisil ni Cleon sa kamay niya. Natahimik ang lahat. Bigla tuloy siyang kinabahan.
Muling tumikhim ang kuya niya na nakaupo na. "Oh! Bakit bigla kayong natahimik na dalawa riyan?" kunot-noong tanong nito sa kanila. "At... ano 'yan ha?" itinuro pa nito ang magkahugpong nilang kamay ni Cleon. Tumalim ang tingin nito kay Cleon. Nakita niya ang paglunok ng mariin ni Cleon.
Hindi niya alam kung seryoso ba ang kuya niya o nang-aasar na naman.
Narinig niya ang pagsaway ng nanay niya sa kuya niya.
"Ava... Cleon," pagtawag nito ng pansin sa kanila.
"Nay..." aniya.
Ngumiti ang nanay niya. "Sige na anak... magsalita na kayo."
"Nay Teresa..." si Cleon na seryosong nakatingin sa nanay niya. "Kuya Marvis..." binalingan nito ang kuya niya. "Gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo na... na kami na po ni Ava. Mahal na mahal ko po si Ava... 'nay, kuya Marvis." Naging masuyo ang mga mata nito nang sabihin iyon. Damang-dama niya ang pagmamahal nito para sa kanya.
Sumilay ang isang magandang ngiti sa mukha ng nanay niya. "Nakikita ko sa mga mata mo ang pagmamahal para sa anak ko, Cleon." Napangiti si Ava sa sinabi ng ina. "Noon pa man ay ramdam ko na kung paano mo ingatan ang anak ko. Kaya alam ko na hindi mo siya pababayaan kahit kailan. Nakikita ko rin na masaya kayo... kaya masaya rin ako para sa inyong dalawa ng anak ko."
Lumapad ang ngiti ni Cleon. "Maraming salamat po 'nay." Bakas ang saya sa mukha nito. At doble ang balik niyon sa kanya.
"Isa lang ang maipapayo ko sa inyo Ava... Cleon," tumingin ito sa kanila. "Sa isang relasyon ay hindi palaging saya ang ibinibigay nito sa inyo. Pero kahit ano'ng mangyari ay ang pagmamahal niyo para sa isa't-isa ang palagi niyong ipagpapauna."
"Tatandaan po namin 'yan 'nay," masayang tugon ni Ava.
"Makakaasa po kayo 'nay... na hinding-hindi ko pababayaan si Ava.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (COMPLETED)
RomanceThis is AVA CLARIDAD story. A sequel from For You I Will.