Kakauwi ko lang sa trabaho ko ng madatnan ko si Fina na nakaupo sa kama ko. Di ko alam kung bakit sya nandito ngayon dahil ang usapan namin ay sa linggo pa kami magkikita, pero kahit ganon masaya ako dahil nandito sya.
"Oh hon! I miss You" bungad nya sakin ng mapansin nya ako.
"I Miss You too hon! Bakit ka nandito?" imbes na sagutin nya ako ay siniil nya nalang ako ng halik.
isang halik na nagbibigay init sa boung katawan ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hiniga ko na siya sa kama. Doon hinalikan ko siya ng mabilis at marahas. Namiss ko kasi ang halik nya eh.
Habang hinahalikan ko siya, biglang nagring yung phone ko. Tatayo na sana ako para kunin yung phone ko na nasa kusina dahil dun ako unang dumaan bago sa kwarto ko ng hatakin ako ni Fina na dahilan ng pagkahiga ko sa kama. Pumaibabaw siya sakin at agad akong hinalikan.
"Wag munang sagutin yun" sabi niya sakin.
"saglit lang hon, sige na sasagutin ko na" sabi ko pero di niya ako pinansin at hinalikan lang ako.
hindi ko alam kung bakit ganito ang kinikilos nya ngayon pero nakakatuwa lang dahil siya na ang naglalambing sakin ngayon kaya dinedma ko na yung tumatawag sakin.
naglakbay na ang mga kamay ko sa iba't ibang bahagi ng katawan nya.
habang hinahalikan nya ako sa leeg ko.. Nagring na naman ang phone ko kaya napatigil siya.
"Hon! baka importante yung tawag" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mata nya.
"Hon hayaan mo na yun" sabi niya na hahalik na naman sana sakin pero pinigilan ko siya.
"Saglit lang naman hon" tapos tumayo na ako.. bago ako makalakad hinawakan niya yung kamay ko at....
"Kung ano man ang maririnig o malalaman mo sa taong tumatawag, ipangako mo sakin na babalikan mo ako" sabi niya..
"Yah! I promise, I will be right back here, don't worry" kahit nawiwirduhan ako sa kanya, nginitian ko pa din siya..
"Dito mismo, babalik ka ah! pagsisisihan mo kapag hindi" sabi niya tsaka niya ako binitawan..
pagkadating ko sa kusina, sinagot ko kaagad yung tawag ni Tita Felly, mama ni fina..
"Hello tita? bakit kayo napatawag? kakamustahin nyo po ba si Fina? Ok lang po siya dito" nakangiti kong sabi.
"Ha? anong pinagsasasabi mo Marco?" tanong ng mama ni fina.
"Tita! nandito si fina, dina--"
"Marco! Anong sinasabi mo, kaya ako tumawag para sabihin sayong patay na ang anak ko" sabi ni tita felly.. Agad akong kinilabutan dahil sa narinig ko..
"p-pero tita, kasama ko siya ngayon. hahaha si tita nananakot, alam mo--"
"Hindi kita tinatakot, Sige na iho pumunta kana dito sa St.Funeral, hihintayin kita dito.. i need you iho, bye na" tapos binaba niya na yung tawag..
nanigas ako sa kinatatayuan ko. unti unti akong lumingin sa kwarto ko kung saan ko iniwan si Fina, at paglingon ko lalong tumaas ang mga balahibo ko ng makita kong unti unting nagbukas ang pinto at doon nakita ko si Fina na nakalutang, nakangiti ng malapad at tinuturo ang dingding na may nakasulat ng dugo :
Sabi ko diba bumalik ka, kaya ngayon magsisisi ka..
-----
bitin ba ? hihi.. basahin nyo yung WAR INTO LOVE ko :* salamat..