Reyrin's POV
"Rin, nasabihan mo na ba ang family mo tungkol sa magiging agreement natin?" Tanong sa akin ng manager ko.
"Opo, alam na po nila yun" sagot ko naman sa kanya.
"Nasabi mo na rin ba kung anong araw yun?"
"Hindi pa po, hindi ko pa rin po kasi alam kung kailan" sagot ko uli.
"Oh shoot! Hindi ko ba nasabi sa'yo?! Bukas na ang release ng album mo. Ngayon pa lang ay magsisimula na ang photo shoot mo, rush na nga ito dahil namove daw yung schedule"
(⊙o⊙)
"Po?! So isang gabi na lang ang itatagal ko sa bahay namin?" Gulat kong tanong sa manager ko. Dapat kasi tinanong ko siya kahapon, makakalimutin na kasi ang manager ko, marami kasing ginagawa.
"Sorry ha, pero yun ang sabi sa amin. Kasalanan ko, dahil hindi ko agad nasabi sa'yo"
"Di okay lang po" pagpapatigil ko naman sa kanya saka huminga ng malalim para ilabas ang negative vibes na nasa loob ko.
Umalis na si manager dahil may sinagot na tawag. Naramdaman ko rin sa bulsa ko na nagvibrate ang cellphone ko. Nakita ko naman na may text message si Jaja.
∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽
From: JajaKuya, mag-usap tayo mamaya.
∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽∽Yun lang ang nakalagay. Sa tingin ko ay galit siya. Ang tipid niya na naman kasing magtext. Hindi naman kaya tungkol kay Robbie ang pag-uusapan namin? Sana naman ay hindi pa ako mabisto.
Naglakad muna ako papunta sa labas para magpahangin. Hindi ko kasi alam kung papano ko sasabihin kila mama na bukas na ang alis ko. Alam kong malulungkot sila, lalo na si Jaja.
"Idol, ang lalim na naman ng iniisip mo" nagulat ako nang biglang magpakita sa akin si Ginger. Saan na naman ba tumubo ang babaeng ito?
"Congrats pala... alam kong bukas pa ang release ng first album mo pero kinocongrats na kita in advance. Don't forget, ako ang number one fan mo" sabi niya naman habang nakangiti. Kahit papano ay napangiti rin ako ni Ginger.
"Alam na ba nila tita at Jasmin?" Tanong niya.
"Yun nga ang problema, hindi ko pa nasabi sa kanila. Ngayon ko lang naman kasi nalaman" nakita ko na parang nag-alala ang mukha ni Ginger.
"Don't worry, I'll find a way para masabi sa kanila ng hindi sila mabibigla" pagrereassure ko sa kanya.
"Hi Reyrin" nagulat naman ako sa paglitaw din ni Melissa sa harapan namin. Bakit ba ang hilig manggulat ng mga tao ngayon?
"Oh Melissa, bakit ka na naman nandito?" Tanong ko sa kanya. Halos kasi palagi ko na siyang nakikita dito.
"Ah napadaan lang, may binili kasi ako sa isang store malapit. Naisipan ko na rin mangumusta dahil nakita ko na rin lang itong studio" pagpapaliwanag naman ni Melissa.
"Uhhmm... mukhang namamalagi ka na rito ha... hihihi... gusto mo rin bang magtrain sa company namin?" Narinig kong pagsabat ni Ginger habang nakangiti ng kaunti.
"Oh no, hihi... anyway, sige aalis na ako, baka busy pa kayo. Ikumusta mo na lang ako Reyrin kila tita at Jasmin" pagpapaalam ni Melissa bago umalis.
"Bakit kaya palagi na siyang nandito? Hhmm... may gusto kaya siyang puntahan sa studio natin? Gusto niya kayang—"
"That wasn't very nice, Ginger" pagpapatigil ko sa kanya. Nakakahalat kasi ako sa kanya na parang ayaw niyang nakikita si Melissa.
Napatigil siya dahil sa sinabi kong yun. Humarap ako sa kanya at tiningnan siya.
BINABASA MO ANG
The First And Last
Fiksi RemajaHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...