Naaalala Ko Pa.

119 4 4
                                    

Naaalala ko pa nong una tayong nagkakilala umiiyak ako non dahil sa pinagtatawanan ang itsura ko' makapal ang lente ng salamin ko sa mata, buhaghag ang buhok ko at magkahiwalay ang aking mga ngipin, bigla kang lumapit sa akin at sinabing "maganda ka naman sadyang mapanghusga lang ang mga mata nila". simula nong araw nayon naging magaan na ang loob ko sayo..simula ng araw nayon naging magkaibigan TAYO. 

Naaalala ko pa nong 3rd year highschool tayo ikaw ang naging escort ko sa prom sinabi mong ako ang pinakamagandang babaeng nakita mo namula pa nga ako. nagsayaw tayo hanggang sa lumalim ang gabi. Naalala ko pa kong paano mo hawakan ang kamay ko nong tayo ay pauwi, para kang kinakabhan, pinagpawisan at bigla mo nalang sinabing "Mahal kita simula pa nong una" bigla akong natigilan sa sinabi mo. hindi ako makapaniwalang nagtapat ka ng iyong damdamin para sakin iniisip ko sa mga oras na yon 'nanaginip lang ba ako?' sinabi mo sakin na pwede mo ba akong maging 'kasintahan' agad naman akong pumayag dahil pareho tayo ng nararmdaman. don ko rin natikman kong gaano katamis ang unang halik, don ko naramdaman kong gaano kasarap ang 'MAGMAHAL. 

Naaalala ko pa nong nasa koleheyo na tayo malapit na tayong gu-mraduate pumunta ako sa bahay niyo ngunit walang tao..pumasaok ako sa silid mo ngunit iba ang nakita ko ikaw at ag mga kabarkada mo lasing at nagtatawanan bigla nalang silang natigilan nong nakita nila ako..bigla silang ngumisi at sinabing "pwede nato" kinilabutan ako sa sinabi nila kaya't tatakbo na sana ako ngunit nahuli agad nila ako..

Naaalala ko pa.. kong gaano ka lakas ang kanilang tawanan nong ako ay kanilang hinubaran.. Naalala ko pa kong gaano rin ka lakas ang sigaw ko at paghingi ng tulong sayo.. ngunit tinignan mo lang ako at tumulo ang mga luha mo.

Naaalala ko pa kung.. gaano na biyak ang pagkatao at pusok ko sa mga oras na iyon.. 

Naaalala ko pa kong gaano kasakit ang mga mata ko nong may bigla silang i buhos rito.. wala na akong makita.. tawanan lang nila ang naririnig ko.. wala akong nagawa kundi umiyak at magmakaawa..

Naalala ko pa nong halos gumuho ang mundo ko dahil dilat ang mga mata ko ngunit wala akong "MAKITA.. hinanap kita ngunit hindi sila sumagot kong nasaan ka.. 

Naaalala ko pa nong araw na sinabi nilang 'PATAY KANA.. nanghina ako tinanong ko kung bakit.. sinabi nilang "Matagal na siyang patay simula pa nong UNA" hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.. sinabi nilang.. hindi mo naman daw ako minahal 'ako lang ang nagmahal.. sinabi nilang hindi naman daw ako nag prom tanging nasa 'imahinasyon ko lang.. sinabi nilang hindi naman daw naging tayo dahil "WALANG IKAW.. sinabi nilang hindi mo mga kabarkada ang may gawa nito kundi kapwa ko 'PRESO.. 

Naalala ko na nong araw na dugoan ang mga kamay ko at nakahawak ng kutsilyo.. 

Naalala ko na nong panahon na baliw-baliw ako sayo.. 

Naalala ko nong panahon na 'PINATAY kita dahil selos na selos ako.. 

NGAYON NAALALA KO NA.. pinatay kita dahil MAHAL KITA..

________________________________________________________

First time gumawa ng one-shot na ganito eh! SORRY PO KUNG BORING :) 

-vanxoxo94

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Naaalala Ko Pa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon