Field Trip Accident
One week later...
So yun po,hindi pa kami nag papansinan ni Riley sa loob po nang isang linggo
Walang tinginan,walang imikan...walang basagan nang trip
Speaking of trip
May field trip kami ngayong araw naito papuntang Okinawa,well...titingin tingin nang magagandang view
At kailangan naming maka kuha nang magagandang kuha para gawing MeBum
MeBum?Memory + Album=MeBum
Nakasakay na kami sa kotse at patungo na sa school,naka suot kami nang mga civilian pero may ID kami
Ang suot ko ngayon ay isang simpleng puting damit tapos kulay pulang jacket at jagging pants na black tapos may isang lining na puti sya sa kanang parte
Naka suot si Riley ngayon nang isang white t-shirt din at naka jacket sya na kulay blue,then naka jagging pants na puti tapos may lining din sa kanang parte nang pants nya,pero itim ito
Parang naka couple outfit nga kaming dalawa eh...planado na talaga ni Madam Ayu ang isusuot namin,kagaling-__-
Sa School...
Nakasakay na kami sa bus papuntang Okinawa
Masaya kaming nag bibiruan dito sa loob nang bus,katabi ko si Rin ngayon at nasa tabing bintana sya
Katabi naman ni Ella si Riley sa may harap namin sa kanan
| Riley Ella |
| |
|Rin Me |Ganyan po yung seating arrangement,sila Keena at Kimi nasa kabilang bus.sayang nga eh...
Anywho kumakain ako ngayon nang potato chips dito sa bus
Nakatingin sa harapang dahil may mini screen sa likod nang upuan nang katapat mo
Nanonood kami nang Kimi no Nawa (Your Name)ang ganda na nga nang storya eh...
Naputol yun nang biglang lumiko ang bus "Woah..." saad ko at napakapit nang mahigpit sa upuan
"Sir?ano pong meron?" tanong ni Mizami
"Nawawala..." kabadong saad nang driver,napatayo na ako
"Ang ano po?" tanong na ni Kai
"Nawawala ang controll nang bus!!!"
Ano daw?!
"Ipreno nyo sir!" sigaw ko,napatingin sakin sila Riley at Ella
"BABAGSAK TAYOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!"
*BLAG BAG BOOGSH CRASH!!!!!!!!!!*
"AAAAAAAAAHHHHHH!!!!!!!!" huling sigaw ko at bigla nalang ako tumama sa kung saan
Riley POV
*BAAAAGG!!!!!*
Naka cover sakin si Ella
'Mayami-chan?ok kalang?'
'Hiromi!HIROMI-KUUUUUN!!!!!!'
'Hindi maaari...dude gising jan...dude gumising ka'Nakita ko ang mga nasa harapan na wala nang buhay,karamihan sa likod nalang ang natira "Vhalerie!!!" napatingin ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Rin
Napatayo ako nang makita ko si Vhalerie na may dugo sa ulo,kinuha ko agad sya kay Rin "Vhal!!!" natatarantang saad ni Ella
Binuhat ko si Vhalerie at nag hanap nang madadaanan,naka tagilid na ang bus sa lupa,kaya mabubog din dito sa kinatatayuan namin
Hindi ko ininda ang sakit,tumakbo kami patungo sa pintuan,may mga patay nadun,kasama yung driver at yung guide namin
Dahil sa naka taob ang bus,nasa taas ang pintuan kasi nga nakatagilid yun,binasag ko ang salamin sa harapan at linabas si Vhalerie kasabay sila Ella,Rin at iba pa
Tinatawagan na ni Ella ang 911 para makahingi nang tulong,chineck ko kung may pulso pa sya at salamat sa diyos at meron pa,pero medyo mahina na ito
Ang muka nya,muka tulad nang huling hininga ni Nathalie.naaalala ko nanaman
Nakapikit at mukang tapos na sa Hirap
Naaalala ko nanaman...
To be continued...
Rin:Ghe po!paki vote at comment nyo nalang toh,Ano Ella?dadating na ba ang ambulansya?kamusta na si Vhalerie?🚑🏥