Ikalimang Kabanata

50 9 0
                                    

A/N: Leo the hamster on our multimedia. Happy reading.❤️

Athena's POV

Deuteronomy.
Fv building 105

Numbers.
Fv building 104

Leviticus
Fv building 103

Exodus
Fv building 102

Genesis
Fv building 101.

NAPAHINTO ako sa paglalakad ng mabasa ko ang pangalan ng section namin. Ngayon ko lang napansin ang mga pangalan ng bawat section namin. Mukang mahilig magbasa ng bible ang namumuno ng paaralang ito dahil magmula Pangalan ng paaralan hanggang sa mga baitang ay napakabanal

"Sya ba iyon?" Napatigil ako sa aking pagiisip ng may mga bulungan na naman akong narinig.

Tumingin ako sa sa aking kanan at tama nga ang hinala ko- mukang ako na naman ang pinaguusapan.

Napansin ko ng magmula ng pagpasok namin ni kuya clio kanina ay pinagtitinginan na kami. Maraming estudyante ang bumabati sa kanya ng may magagandang ngiti pero pag ako na titignan ay tanging masasamang tingin nalang ang ibibigay at iirap.

Napasibangot nalang ako. At pumasok ako nalang ako sa loob ng classroom.

Pagkapasok ko ng room ay maiingay at mahaharot na kaklase ko ang sumalubong sa akin. Halos lahat sila ay magkakakilala na dahil magmula grade7 ata ay sila na ang magkakaklase.

Umupo ulit ako sa bandang dulo. Wala naman akong choice.

Pagkaupo ko ay napatingin ako sa relo. 7:35 na ng umaga at siguro ay malapit ng dumating si miss Roconcillo- ang masungit naming science teacher.

"Gurll! Sya yung kasama ni Clio nung naraan diba?" Narinig kong sabi ng kaklase kong babae sa kabilang row na nakatingin sa akin habang tinuturo ako sa katabi nya.

"Oo kung tama ang naalala sya yung inakbayan at tinawag na baby ni Clio nung nakaang araw!"
Aba! Nakaraan pa yon ah. Bakit naman ang big deal sa kanila yon? Kuya ko yon for pete's sake! Ngunit nanatiling nasa utak ko na lamang ang mga reklamong gusto kong sabihin sa kanila. Nadala na ako. Mula pagpasok ko masasamang tingin na lang ang natatanggap ko. Kaya hindi ko nalang sila pinansin kahit na ubod ng lakas at pinaparinig pa talaga sa akin ang pinaguusapan nila.

"Ikaw yung transferee diba?" Napabaling ang atensyon ko sa kumalabit sa akin.

Kung hindi ako nagkakamali ay sya yung lalake na napagalitan nung nakaraan ni miss roconcillo dahil maingay sila ng katabi nyang babae.

"Hmm. Ako nga" mailkli kong sagot sa kanya at nginitian ko na lamang sya.

"Klein" maikling saad nya akin at inabot ang kanyang kamay ng may matamis na ngiti.

"Athena" pagpapakilala ko, Kahit di ko feel ang kanyang presensya ay nakipagkamay narin ako para hindi sya mapahiya.

"Don't mind them. Wala lang talaga silang magawa sa buhay nila" wika niyang nakangiti sa akin na nagpagaan ng loob ko.

Nginitian ko sya. Mabait din naman pala ang lolo mo.

"ANDYAN NA SI MAM GUYS!" malakas na sigaw ng presidente ng klase na kanina pa nakatanaw sa pinto.

Natawa na lamang ako dahil karamihan sa mga kaklase ko ay para bang nagslow-motion sa paningin ko at nagmamadaling bumalik sa kanila kanilang upuan. Ang epic nila HAHAHA.

"Guys! Ayusin nyo yung upuan. Baka pagalitan na naman tayo ni mam!" Malakas na namang sigaw ng presidente naming si Keanne. Kung titignan mo si Keanne ay para bang di makabasag pinggan pero kung magsalita ay akala mo tindera sa palengke sa lakas ng boses.

"Good morning class. Im sorry I'm late." Binati rin namin si mam pabalik. Ngunit agad nya rin kaming pinaupo dahil aalis din daw sya at may pupuntahang meeting.

"Uhmm. Miss President?" Tawag pansin ni mam "Yes mam?" Agad na sagot ni Keanne at itinaas ang kanyang kamay upang mapansin agad ng guro.

"Please come here." Maawtoridad nyang sabi habang may binubuklat sa kanyang hawak na libro.

Tumayo si Keanne at pumunta sa harapan. Itinuro naman ng guro ang mga pahina at nilagyan ng palataan kaya tango na lamang ang tugon ni Keanne.

"Goodbye class. After ng ipapagawa ko sa inyo ay pwede na kayong idismiss. Your class officers will be incharge." Mahabang lintaya nya bago kami lisanin.

"Okayy. Iniwan tong libro satin ni mam para daw mangopya muna tayo ng notes. Advance daw kumbaga. Be ready sa long quiz bukas- " May sasabihin pa sana si Keanne ngunit natigil ito sa lakas ng reklamo namin.

First week palang ng klase meron ng long quizzz?!

"Tahimeeekk! Sinong may sabing magreklamo kayo?!" Nakapamaywang na sabi nya sa amin kaya tiklop kaming bigla.

"Oh. Lesley, simulan mo nato." Tawag nya sa aming secretary kaya tumayo naman na ito at dali-daling lumapit kay Keanne. Tinuro naman nya ang mga kaylangang na isusulat at tulad kanina ay tango lang din ang isinagot ni Lesley.

"Sexytary! Notice me. Ang sexy mo po!! Whoot!Whoot!" Malakas na kantyaw ni Kiko na isa makulit naming kaklase na sinabayan pa ng kanyang mga tropa.

"TAHIMEEEKKK! kiko! Ano gusto mo ikaw magsulat dito ha?ha?Pabibo ka?! Kung gusto si Lesley ligawan mo ha? Di ka naman nya sasagutin kung aasarin mo lang sya!" Sigaw na naman ng aming presidente kaya napatahimik nalang sila.

"Burn!baby burn~HAHAHA" pangaasar naman ng karamihan kaya naging maingay na naman ang klase namin. Loko talaga tong si Keanne

Jusq! Genesis ba talaga itong pinasukan ko?

"TAHIMMEEKK! Umpisahan nyo ng magsulat ichecheck yan ni Ronald yang mga notes nyo. Ang di kumpleto di lalabas!" Si Ronald ang vice president ng klase di tulad ni Keanne ay kabaligtaran naman nya ito. Kaya wala na kaming nagawa kundi magsulat ng sandamakmak.

A/N: Click the ⭐️ button:)

Unrequited Love (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon