"May mga bagay talagang kahit alam mong makakasakit sa damdamin ng iba ay kailangan mo paring sabihin sa kanila."
"Wala..." mahina kong tugon.
"Ano? Hindi kita marinig. So, ilan nga sila? Sa ganda kong 'to, sigurado paglaki ko'y maraming magkakandarapa sa 'kin..." Hindi niya ko narinig kaya dada pa rin siya ng dada.
"Alam mo...kalimutan mo nalang ang sinabi ko. Hindi ka rin naman maniniwala," pagpuputol ko. Para siyang machine gun kung magsalita, masakit na sa tenga.
"Ang 'KJ' mo...Mag-gagabi na pala, baka hinahanap na 'ko sa amin. Sige batang 'KJ' maiwan na kita," singgit niya sa 'kin sabay takbo papalayo.
"Teka..." Sinubukan kong tawagin siya ngunit hindi niya na 'ko narinig.
Pano to? Hindi ko nasabi sa kanya ang nakita ko.
Pero bakit ako nagaalala nang ganito? Ilang araw palang naman kaming naging magkaibigan.
Chepsy's POV
Ang weird naman ni bata ngayon. Nakikita raw niya ang love-life ng iba? Eh kung ako may ganoong kakayahan lang, natulangan ko na sanang mapagbati ang mga magulang ko...
"Che, anong ginagawa mo diyan sa labas ng bahay? Pumasok ka na rito at matatapos na 'tong niluluto ko. Tawagin mo na ang lolo't lola mo," paguutos ng nanay kong abala sa pagaasikaso sa mga pinamalengke niya.
"Opo nay...Si tatay po, umiwi na?" Tanong ko.
"Hayaan mo yang tatay mo. Umuwi siya kung uuwi siya," medyo galit na tugon ni nanay habang hinihiwa ang saging na hawal-hawak niya.
Pumasok ako sa kwarto ng lolo't lola ko. Doon ay nakita ko na minamasahe ni lola ang likod ni lolo habang si lolo naman ay kinakantahan si lola. Ewan ko ba, napapangiti nalang ako pag nakikita ko sila na parating sweet sa isa't-isa.
Sana ganito rin ang mga magulang ko.
Nakita ako ni lola na nakatayo't tumitingin sa kanilang dalawa.
"Ang maganda kong apo, halika rito't sabayan mo kaming kumanta," himok sa 'kin ni lola. Lumapit ako at nakikanta sa kanila.
♪ Kung tayo ay matanda na sana'y di tayo magbago...kahit maputi na ang buhok ko...
Natapos din ang jamming naming tatlo.
"Lo, La. Ano po sekreto niyo, ba't po ang sweet sweet niyo pa rin sa isa't-isa hanggang ngayon? Mabuti pa kayo...sila nanay at tatay, lagi paring nag-aaway," tanong ko sa kanila.
"Ito lang ang tatandaan mo apo, Wag kang magmura, pag magsimula kang magmura ay mahihirapan ka nang magmahal. Wag mo ring sigawan ang mahal mo. Sinasarado mo kasi ang tenga mo pag mas lalo mong binubuka ang iyong bibig. Diyan nagsisimula ang hindi pagkakaintindihan sa isa't-isa. Tignan mo 'ko, never pa akong nagmura sa lola mo. Kasi mahal na mahal ko siya," payo ng lolo ko.
"Aysus..nambola nanaman yang lolo mo. Alam mo bang malandi yan nung kabataan pa namin," singit ni lola na tila kinigilig pa.
"Mahal, lahat naman tayo may kalandiang tinataglay. Pero alam mo namang sa iyo ko lang inaapply, hindi sa buong barangay," suabeng sagot ni lolo.
Wow, ang astig pala ni lolo pag magpakawala ng pick-up lines.
"Che, handa na ang pagkain. Punta na kayo rito!" Tawag ni nanay.
"Ay, si nanay pala. Tawag na po tayo."
"Lo, paturo ng mga words of wisdom mo bukas ha," bulong ko.

BINABASA MO ANG
Mysterious Romantic
RomanceMasayahin, palakaibigan at maalalahanin sa kapwa si Ice Keeper Jao nung bata pa siya. Lumaki siya sa isang hindi pangkaraniwang pamilya, kung saan ay naipapamana sa susunod na henerasyon ang kakayahang makita ang love life ng iba sa hinaharap. Maari...