AJ's POVPagkaalis ni EJ ng music room ay parang nanghina ang tuhod ko kaya umupo ako sa stool na nasa gilid ko at napasabunot nalang sa buhok ko.
Hindi ko ineexpect na ganito yung mangyayari. Nung nagtext sa akin si Alishia na kasama daw nila si EJ at umiiyak daw ito dahil 'sa akin'? ay nagulat ako.
Naisip ko agad na...
'Bakit naman niya ako iiyakan?'
'Ano naman yung nagawa kong mali sa kaniya?'
'Dahil ba sa nakita niya sa amin ni Camille kanina?'
'Pero bakit? Wala naman siyang paki alam sakin diba?'
Tinanong ko si Ali if ano yung dahilan kung bakit siya umiiyak. And I'm right. Dahil yun sa nakita niya sa amin ni Camille.
Nung una ay hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Alishia at lahat ng sinasabi niya about kay EJ ay kinokontra ko.
Bakit naman kasi niya ko iiyakan diba? She doesn't care about me. Ano naman if makipaghalikan ako kay Camille o sa kahit sinong babae? Ano naman kung nakita niya yon? Diba?
Pero nung nabasa ko yung last text ni Alishia na...
"God AJ! She's so fuckin' wasted! I think kailangan niyo nang magusap. Hindi naman siya iiyak ng ganito kung wala siyang paki alam sayo e. Hindi siya iiyakan ng ganito kung hindi siya nasasaktan. Diba? At nakikita ko sa mga mata niya na sobrang siyang naaapektuhan at ibig sabihin non mahal ka talaga niya. Believe me AJ, open your mind! Kung maguusap kayo mas malaki pa ang chance na malinawan ka sa lahat. Sab is right! Mahal ka niya. Maniwala ka sakin."
Nang mabasa ko yon ay napaisip ako. Parang may pumukol sakin ng malaking bato para magising ako.
She's right. She's crying kasi nasasaktan siya. At ako ang dahilan.
Bakit hindi ko sya inisip? Bakit hindi ko inisip yung nararamdaman niya? Bakit masyado akong nagfocus sa nararamadam ko? Bakit nagpakaselfish ako?
Pero...
Ang buong akala ko kasi ay wala lang sa kaniya yon. Hindi big deal sa kaniya yon.
Pero I'm wrong. Lahat ng nakita ko sa mga mata niya nung time na yon, ay 'pain'. At ako ang may gawa.
Argh! Pero bakit? Bakit EJ? Bakit hindi mo nalang sinabi sa akin? Bakit hindi mo nalang sinabi na nasaktan pala kita? Bakit hindi mo nalang ako sinampal nung mga oras na yon? Bakit hinayaan mong umiyak ka nalang at tumakbo palayo?
Duh AJ! Nasaktan nga yung tao diba? Nagulat sa nakita. Malamang hindi niya alam kung papaano magreact or kung ano yung gagawin kaya tumakbo nalang palayo.
Nung mga oras na yon ay agad akong naglakad palabas ng office at iniwan si Camille para pumunta sa music room kung nasaan daw sila.
And I'm so stupid dahil nung may chance na kami ni EJ na magusap ay hindi ko nasabi lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. Hindi ko na-depensahan ang sarili ko. Hindi ko nasabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Ang tanga ko dahil hinayaan ko lang siyang umalis ng kwarto na to ng hindi man lang kami nagkakaayos.
Pero kasalanan ko naman lahat ng to eh. I'm so insensitive. Yung nararamdaman ko lang yung inisip ko. Hindi ko inisip kung ano ba yung nararamdaman niya.
She's really done with me. Ang dami ko ng kasalanang nagawa sa kaniya. I'm so stupid. Sinira ko yung tiwala na binigay niya sa akin. Ang tanga ko. Wala akong ibang ginawa kundi saktan ang taong mahal ko. I think she don't deserve me. A jerk like me.