...
"Mommy?"
"Nasaan po kayo?"
"Daddy?"
"Nasaan na po kayo?"
"Daddy.... Mommy.... Tulungan nyo po ako...."
Iyak lang ako ng iyak dahil hindi ko makita ni anino ng aking magulang.
Nasaan ba ko? Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito sa madilim na lugar nato? Natatakot nako...
"Mommmmmmmyyyyyyyy!!!!!!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil napanaginipan ko nanaman yon.
Ano ba yon? Bat nandun nanaman ako sa madilim na lugar nayon?
Pinahid ko ang luhang tumulo sa mata ko. Umiiyak nanaman pala ako..
"Anak?? Anak? Ayos kalang?" Pumasok si nanay sa kwarto ko na may pag aalala sa kanyang mga mata.
Niyakap ko agad si nanay ng mahigpit at sa dibdib niya humagulgol.
"Nanay.. Napanaginipan ko nanaman po." Iyak lang ako ng iyak at sya naman hinahagod lang ang aking likuran upang pakalmahin.
Ganyan ang ginagawa ni nanay kapag umiiyak ako. Si nanay lang kase kaya akong comfortin' she is the best nanay ever for me. Maalaga , Mapagmahal , at maunawain . iniintindi niya ako palagi kapag nag iisip bata nanaman ako. Ginagawa niya ang lahat para sa akin para maging masaya ako ..
"Tahan na baby... Nandito lang si nanay." Napangiti ako ng tawagin ako ni nanay ng baby. Tinatawag niya kong baby kapag umiiyak ako pero kapag hindi naman ang tawag niya sakin big girl. Ang corny ni nanay pero lab na lab ko yan .
Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay nanay at hinarap siya habang pinapahid ang natitirang luha sa mata ko. Nang alam ko nang wala ng luha ngumiti ako kay nanay at binigyan siya ng mabilisang halik sa pisngi.
"Nanay mahal na mahal po kita." Naka ngiti kong sabi sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
Nyinakap nya din ako at hinalikan sa buhok.
"Big girl kana talaga. Mahal din ikaw ni nanay ." nagtawanan kami ni nanay.
Ganito kami ni nanay kapag kayare kong umiyak sa dibdib nya . malambing kase ako sa pamilya ko pero kapag sa ibang tao opposite.
"Bumangon kana diyan at papasok ka pa. Naghihintay na ang kuya at itay mo sa kusina" . nang makalabas na si nanay sa kwarto ko kinuha ko na agad ang kuwalya ko at naligo .
Ako, si nanay Marsel si tatay Petter at si kuya Makriel. Yan ang pamilya ko pamilyang CARVIL. Hindi man kami mayaman pero buo ang pamilya.
Isa lang ang mahalaga sa akin ito ay ang aking pamilya. Gagawin ko ang lahat para sa kanila. Nagsisikap ako para mabuhay kami. Nagtutulong tulong kami para makaraos kami sa kahirapan. Ganoon din ang ginagawa ni kuya makriel . nagsisikap siya para makapag-aral siya at ako. Para hindi na kami sagutin ni inay at itay sa gastusin rumaraket kami ni kuya para may pang ibaon sa eskwela.
Kahit na ganoon ang aming sitwasyon keri namin. Naniniwala kasi ako na kahit na anong problema ang dumating sa buhay ng tao, kapag sama-sama ang pamilya , makakayanan niyo.
Nang matapos maligo. Isinoot ko na ang aking malupitang uniporme.
Hindi naman ako nag me-make-up dahil wala ko non. Nagpulbos lang ako at nag spray ng aking unique cologne.Lumabas na ako ng kwarto ko at nadoon na nga sila inay itay at kuya.
"Kielzie. Halika na't kumain na tayo." Itay.
Humalik muna ko sa pisngi ni itay at inay pati na rin kay kuya bago ko tumabi sa kanya. Nasa kaliitan lang kami ng lamesa at ang lamesa nakadikit sa dingding para may space sa daraanan. Bali ganto ang pwesto .
Sa magkabilaang gilid si nanay at tatay. At sa gitnang gilid ako at si kuya. Nakaharap kami sa dingding. Gets? O basta yon.
Naguumpisa na kami kumain ng bumanat nanaman si kuya ng malupitan niyang joke.
"Kielzie. May tanong ako. Anong halik ang makikita mo sa itaas kapag tumingala ka?" Nakangiting bumaling sa akin si kuya.
Medyo nagiisip ako habang sumusubo.
"Uhhmmm... Alam ko na.." Binitawan ko ang kutsarang hawak ko at bumaling kay kuya.
"Ano?" Kuya
"Edi HALIKapter.. Hahahahahahahaha" tawa lang ako ng tawa samantala si nanay at tatay ay nakikitawa din.
Pinitik niya yung noo ko.
"Tongek mali! Makatawa ka dyan kala mo tama kana." KuyaHinagod ko lang yung noo kong pinitik niya. Masakit sakit yun ahhh..
"Alam niyo ba ang merong halik kapag tumingala ka? Edi....... KISSame.. Hahahaha" kuya habang tumatawa.
Kumunot naman ang noo ko pati narin sa magulang ko.
"Nasan yung halik don? Dapat halik hindi kiss. " kunot parin ang noo ko dahil tumatawa parin si kuya.
"Dipa kase ko tapos..."
"KISSame namay HALIKabok."
Doon na kami kinain ng katatawanan . actually di kami natawa sa joke niya e.
Natawa kami dahil pagkaliyad niya dahil sa katatawa bumalengtuwang siya sa kinauupuan niya.
"Hahahahahaha katanga tanga mo talaga makriel. Hahahahaha" tawa lang ako ng tawa pati narin sila inay.
Ang sama ng tingin sakin ni kuya kaya tinikom ko na yung bibig ko . dahil kapag ganon nayon tumingin magtago kana sa saya ng nanay mo.
Nag peace sign nalang ako kay kuya bago pinagpatuloy yung pagkakain.
Nang matapos na kami kumain nagpaalam na kami kay nanay na papasok na kami.
Si makriel 3rd year collage samantalang ako 1st year college palang. Magkasundong magkasundo kami ni kuya kahit sa anong bagay. Kaya lab na lab ko to e.
Naglalakad lang kami papuntang school dahil walking distance lang naman. Nakahakbay sakin si kuya at comfortable naman ako dahil sanay na ko.
Nag asaran lang kami at nagkulitan. Kunukulit ko siyang mag girlfriend na para may ate ako pero ayaw niya daw.
Gwapo si kuya matalino pa. San kapa? Tapos mabait pa. Ohaaa! Kay makriel carvil kana.Nang malapit na kami sa gate ng school may siraulong bumusina samin at muntik nakong mabangga kundi lang ako hinila ni kuya malamang deads nako...
Mabilis akong lumapit sa kotseng muntik nakong patayin. Malakas kong kinatok yung bintana ng kotse nya ..
"Siraulo ka!!! Muntik mo nakong patayin.. Bumamaba ka diyan..." Galit na sigaw ko dito. Wala kong pakeelam kung maraming nakatingin samin .aba hindi ko to palalagpasin. Pinalaki ako nila nanay na palaban at dapat hindi sumuko kapag alam mo nasa tama ka.
Ng bumukas yung pinto ng magara niyang kotse at makita ko kung sino yung lumabas nanlaki ang aking mata.... .
W.. T.... F...!!
.....
*sino kayang nakita ni makielzie?
Hihihihi
BINABASA MO ANG
She's The Legatee
RomanceI Like Him but He hate me a lot. Why? Because its me Makielzie carvil the nobody for him. Because I'm not like him. He's fucking rich and I'm the girl who grown up facing the poverty. His adorable and I'm Detestable. Our world is fucking different...