Slay[One-Shot]

22 2 0
                                    

Third Person POV

Friday the 13th. Ang sinasabing malas na araw ng karamihan.

Naglalakad palabas ng kanilang paaralan ang isang grupo ng bardahan na binubuo ng apat ng lalaki, limang babae, at isang bisexual. Pagkalabas ng gate ay may nagsalita sa kanila.

"Guys! It's Friday! At isa lang ang ibig sabihin nun." Sabi ng isa sa kanila na si Gin.

"FRIDAY NIGHT!!" Sabay-sabay na sigaw nila maliban sa dalawa, si Yuki at Johan na nakabusangot ang mga mukha.

"Oh? Ba't ganyan ang mga mukha niyo? Dapat masaya kayo kasi... IT'S FRIDAY NIGHT!" Masayang sabi ni Dianne sa kanilang dalawa.

"Wala ako sa mood makisaya. Bagsak ako kanina sa exam kaya sigurado akong nakarating na ito kila Mom. Kaya paniguradong grounded ako." Malungkot na sabi ni Yuki sa kanila.

"Ako naman ay sinabihan ni Lola na umuwi ng maaga. At alam niyo naman yun masyadong paniwala sa mga malas malas lalo na ngayon at Friday the 13th. Haist! Nasisira lang beauty ko sa matandang yun eh." Sabi naman ng baklang si Johan.

"Ano ba naman kayo. Malapit na ang bakasyon kaya kailangan naman nating sulitin ang mga natitirang mga araw." Sabi ni Nicole. Sumang-ayon din ang karamihan at pinilit ang dalawa.

"Sige na Bakla! Bayaan mo muna yung Lola mo baka nga tulog na iyon ngayon eh. Pati ikaw Yuki. Bago ka ma-grounded sulitin mo na ang araw na ito." Pagpupumilit ni Angel. Napabuntong-hininga naman ang dalawa at napapayag din.

"Dapat lang na pumayag kayo kasi marami tayong titirahin." Nakakalokong sambit naman ni Michael.

"Titirahin?" Iba't iba ang naging reaksyon nila sa sinabi ni Michael.

"Haha! Ba't ganyan mga mukha niyo? Ano bang iniisip niyo?" Nang-aasar na tanong niya. "Hindi tao ang titirahin natin kundi----"

"Hayop? Kadiri ka ah!" Sagot naman ni Clark.

"Tae mo! Alak pare! Gago ne'to! Kung gusto mong tumira ng hayop huwag mo kaming idamay." Sabi naman ni Michael kay Clark. At nagtawanan silang lahat.

"Ilang alak ba ang kinuha mo, Michael?" Tanong ni Maggie habang nakalingkis ang mga kamay sa braso ng kanyang kapatid na si Miggy.

"Well, apat na karton na may lamang 24 na bote sa bawat isa." Sagot naman ni Michael.

"Ang dami naman ata, dude?" Gulat na tanong ni Miggy.

"Kaya natin yan, noh! Ang problema lang ay wala tayong shoting place." Sabi ni Michael.

"Hindi pwede sa'min." Sabi agad ni Clark.

"Pati sa'min." Sabay naman na sabi nila Maggie at Miggy.

"My house is not also available." Sabi din ni Dianne.

Nagtinginan sila kung kaninong bahay sila tutuloy.

"Okay. I guess hindi talaga pwede sa mga bahay-bahay niyo. So, I suggest my place. Is that okay to all of you?" Sabi ni Angel sa kanila.

SlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon