~Jan~
5:00 am*checks phone*
Tae ba't ko ba tinitignan ang phone ko na ang aga aga sino mag memesage sa akin?
Siguro namiss ko lang siya talaga :((
Yung babaeng nag gogoodmorning sa akin either 3-5am. Night owl talaga yun di nakakakilala nang salitang "tulog". Di hamak na alas tres na tutulog at gigising alas cinco. Nasanay ako na sa mahigit dalawang taon na relasyon namin yun nadin ang oras na gumigising at natutulog ako.
Ilang babae na ang ginamit ko para makalimutan ko lang siya pero hindi parin hinahanap ko parin siya sa bawat na babae na makilala ko. Hinahanap ko ang bawat halik at yakap niya.
Bawat tawa at kilig niya tuwing nagsasama kami. Bawat titig na parang matutunaw ako.
Bakit ba ako nag eemote dis oras nang umaga?
"JANJAN!!!!" Ayun roll call ni nanay, mabilis akong bumaba kay nanay na for sure utos na naman.
Nagluluto si nanay habang ang tulog pa ang apat kong ate. Sucks to be the only boy."Maligo kana at magbihis tinawagan ako kagabe nang school mo na ikaw ang sasama sa bagong bisita niyo" Bakit ako? eh hindi naman ako honor roll o active sa school
"eh bakit ho ako?" tanong ko
"huwag nang maraming tanong. Ang gawin mo ay mag ayos kana"
🍓
"Dinig ko maganda raw yung bisita"
"eh dalawa naman sila at lalake raw yung isa"
"di bale na nga tol basta maganda"
T____T
"yan ang hirap sa inyo maganda lang ang hinahanap niyo" sulpot ko sa kanilang dalawa na nag dedebate na naman.
Ang sarap iuntog tong dalawa sa pader para tumahimik na.
"waw hiyang hiya naman kami sa iyo. Porket maganda yung naging one and only girlfriend mo ganyan kana" Leche naman toh-.-
"oo na tol! Maganda sobrang ganda! pero iniwan ka pa din" namemersonal na ha
"pabayaan mo na nga yung tao" tanggol ni shannen na may crush sa akin since grade 7 hayss sorry di ikaw yung mahal ko
*Music playing*
"mukhang sasayaw muna yung bisita jan" sabi ni cris
tinignan ko lang siya na nainis na talaga ako tumahimik lang siya pero"EH LALAKE NAMAN YAN PAANO MAGING MAGANDA YAN?!" riot naman tong si diolo ansarap batukan nga eh
"kumalma nga kayo sino ba yan?" napatingin ako sa stage kung sino yung lalake
.
.
.
holysht! X_XSi ken yung best friend ni ex!
"tol tol ayun ho yung naka pink na cap!"
Tinignan nang maigi nina cris yung naka pink na cap kasi iba siya lahat. Mukha siya lang yung iba kasi naka civillian at ibang iba yung porma.
Naka dark green na crop sweater at high waist tapos naka sneakers. Di na rin nakikita talaga yung mukha dahil sa cap at sht ang sexy niyang sumayaw.