"Ang Pagsilang sa bagong tagapagligtas"
Matapos ang pagkmatay nina Mona at Arde ang mga abo nila ay dinala ng hangin sa isang isla sa Engcantadia. Nabalitaan ni Emre nanakarating na ang mga abo sa Isla kaya nagmadali siyang bumaba. Isang liwanag sa kalangitan ang tumama sa sahig ng isla at mula roon ay lumitaw si Emre. Tinipon ni Emre ang mga abo ni Arde at inilagay ito sa isang lalagyanan habang ang abo naman ni Mona ay ipinatong sa patag na bato. Hinawi ni Emre ang mga abo ni Mona at sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Emre ay muling nabuo ang katawan ni Mona. Habang ginagawa iyon ni Emre ay may nakasilip na isang malaking ahas mula sa malayo. Pinagmamasdan ng ahas ang mga ginagawa ni Emre.
"Vishnu Djer Guyato Vinisig" wika ni Emre.
"Ano ang binabalak ni Emre?" sambit ng ahas na nakasilip lamang mula sa malayo.
Binuksan ni Emre ang garapong pinaglalagyan ng abo ni Arde. Muling binuo ni Emre ang katawan ni Arde at mukhang nakita iyon ng nakasilip na ahas. Hinawi rin ni Emre ang katawan ni Arde at lumabas ang isang usok na agad inilipat sa katawan ni Mona. Pagkatapos nun ay sinugatan ni Emre ang kanyang kamay at ipinatak ito sa sugat ni Mona sa puso.
"Dugo ng isang diyos na dadaloy sa iyong kalamnan! Kapangyarihan namin ni Arde ay iyong makamtan na!" sambit ni Emre
Nagulat ang higanteng ahas sa narinig niya, Si Arde ang nakalatay dun at tinanggalan ng kapangyarihan.
Mula sa malamig na bangkay ay muling bumangon si Mona sa pagkakahimlay. Binantayan ni Emre si Mona hanggang ay magising na. Kumuha si Emre ng gintong prutas na galing pa sa puno ng buhay.
"Auhh" napatingin si Mona kay Emre at agad siyang nagpasalamat. Ngumiti si Emre sa kanya.
Tumayo si Emre mula sa pagkakaupo sa bato.
"Alam kong hinahanap mo ang ginintuang orasan, naglaho ito pero sa pagkakaalam ko nasa Etheria na iyon" Emre
Bumangon si Mona mula sa pagkakahimlay at kinausap niya si Emre.
"Nasaan po ba ako? Eto na po ba ang Engcan---" Mona
"Encantadia iha! Ikaw ang propesiya na magliligtas sa buong sansinukob!" wika ni Emre kay Mona
Ngumiti muli si Emre kay Mona at pagkatapos nun ay napaalam na siya, ngunit may iniwan siyang regalo, Isang mapa na nagtuturo sa kinaroroonan ng ginintuang orasan at isang babala.
Ayon sa mapa ang ginintuang orasan ay matatagpuan sa natupok na kaharian ng lumang etheria.
"Mahabaging Emre kung nasaan ka man ngayun nawa'y gabayan niyo ako sa aking paglalakbay"-Mona
At nagsimula na nga si Mona sa paglalakbay. Napadaan si Mona sa lupain ng Enchantia kung nasan narininirahan ang mga mabubuting diwata't engkantado. Sa pagdating ni Mona nagbunyi ang mga diwata't encantado dahil alam nila na si Mona ang nasa propesiya.
"OH AMING TAGAPAGLIGTAS...MAG-INGAT KA HO SA INYONG PAGLALAKBAY".- Diwata
"Mag-iingat ako para sa inyong kaligtasan, nawa'y ako ay makalagpas sa mga pagsubok na darating".-Mona
Sa paglalakbay ni Mona nakarating naman siya sa lupain ng Itim na kagubatan na tinatawag na DarkForest. hindi niya alam na sinusundan siya ng isang halimaw na ahas. Sa unang lugar na pinuntahan ni Monalisa ay nakasagupa niya ang mga warkang tamawo na nais siyang paslangin. Hindi alam ni Mona na pinag-utos ito ng isang di nakikilalang nilalang.
YOU ARE READING
The Wonderful Adventure of Monalisa
Adventureit is the mix of a thousand stories of Monalisa Alamin ang mga kinaharap na pagsubok ni Mona sa iba't ibang panahon at Dimensiyon! Nakakatuwang pangyayari sa buha niya. Mga kakaibang nilalang na nakasama niya. At ang kakaibang kwentong ngayun niyo l...