Black Raven: Ang Simula

100 5 0
                                    

Tila baga nagbabaga ang pakiramdam ko. Hindi ako makagalaw at di makahinga ng maayos. Nariyan na naman siya. Nararamdaman ko na ang lamig ng paligid. Naaamoy ko na naman ang silver Versus niyang pabango. Gusto kong sumigaw, tinatawag ang pangalan ng lahat ng anghel at santo na ipanalangin sa Diyos na ako'y protektahan laban sa masamang pangitain na ito. Lumapit ang isang itim na anino galing sa madilim na parte ng aking kwarto. Pikit ang mata, tikom ang bibig at inaasahang isang halimaw ang lalabas na mukha. "Huwag kang matakot sakin." Boses iyon ng isang lalaki. Napadilat ako. "Huwag kang matakot." at nailawan ang mukha ng aninong lumapit sa akin. Parang malulunod ako sa mata niyang kay lalim kung tumingin. Ang kay among mukha ng lalaking hindi ko naman kilala. Akmang hahagkan niya ako ng may marinig akong boses. Hindi yung boses niya. Iba.

"Kahit anong mangyari, huwag kang makikinig sa kanya. Kung ayaw mong madurog ang puso mo, huwag kang makikinig kahit sa boses niya."

Then I was standing at the bottom of a stairway, staring at someone casting a shadow upon my path. Palapit siya ng palapit, as if taking time to go down every step. I can't see his face. But I have a feeling it is him again, yung lalaking shadow. As he got near me, near enough to see his face, he turned into a raven and flew out of my sight.

*******************************************************************

Kina Chavez

I woke up sweating. Ang panaginip na naman na yun. Nasisilaw ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng aking kwarto. I've been dreaming about this guy for almost two years now. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin nun. Bakit ko ba siya napapanaginipan? Ano bang mensaheng dulot ng panaginip ko. To hell with my dreams. I got up from bed and took a peek outside my window. Maganda ang panahon sa labas. Tamang tama para mag-jogging. I got ready, and wearing my tight shorts and sweatshirt, kinuha ko ang aso kong si Mittens para mag-exercise.

"Good morning Kina! Medyo tinanghali ka ng gising ah." bati ng kapitbahay kong si Mr. Ricamunda. "Good morning po. Medyo napuyat po kagabi kakasulat ng reports eh. Kumusta na lang po kina Ayesha at Ken." sabi ko bago umalis.

Eight thirty na nung makabalik kami ni Mittens mula sa pag-jog pa-ikot sa block ng subdivision namin. I noticed the moving truck na nakaparada sa harap ng katabi naming bahay. "Mittens, mukhang may bago tayong kapitbahay." nasabi ko sa aso na di naman naiintindihan ang sinabi ko. "Psh. Makapag-breakfast na nga. I need to go to the office pa for the write ups." Akmang papasok na ako sa gate ng makita ko ang isang lalaki. Mukhang pamilyar siya. Parang nakita ko na kung saan. I shook my head to put the feeling away.

While inside the shower, nakapikit ang mga mata ko habang nakaharap sa buhos ng tubig, sa lagaslas ng tubig sa tiles, may narinig akong boses. "Kahit anong mangyari, huwag kang makikinig sa kanya. Kung ayaw mong madurog ang puso mo, huwag kang makikinig kahit sa boses niya." Napadilat ako dahil hindi ko alam kung saan yun nanggaling. "Oh sh*t, I'm hallucinating. I guess kailangan ko talagang magpahinga from writing." naisip ko habang nangingilabot ang balat.

Nagbibihis na ako nang biglang tumunog ang doorbell. "Hmmm... wala naman akong inaasahang bisita...sino naman kayang sugo ang nasa harap ng bahay?" sunod sunod pa ng tunog ang doorbell. "SANDALI!" naisigaw ko habang nagmamadaling mag-suot ng shorts at t-shirt. Napatakbo ako sa hagdanan sa pagmamadaling mabuksan ang gate. "Ano po yun?" sabi ko pagkabukas na pagkabukas ng gate. A little boy looked up at me and smiled. He's so adorable. Ang cute ng mga mata at may dimples pa. "Hello." ang tangi kong nasabi. Iniabot ng bata yung isang pack ng Dairymilk sa akin. "For you." sabi pa nito. Anak ng ...sino kayang anak ng ogre ang nag-utos sa batang 'to.? "Ha? Kid, ang bata mo pa para manligaw..." biro ko. "But, thanks anyway." "Kinoe...KINOE!" nanlamig ako sa narinig kong boses ng lalaking tumatawag sa bata. "Tawag ka na ata ng Daddy mo." sabi ko sa bata, pero nagtago pa siya sa likod ko habang parang yahoo messenger ang ngiti. "Kinoe!..." nakita ko na ngayon kung sino ang tumatawag...God, mamamatay na ba ako...?para akong binuhusan ng malamig na tubig and all blood drained my face... Nakatayo sa harap ko ang isang lalaki, sa tingin ko ay nasa 25 to 27 years old, maputi, 6 feet ang height, matipuno ang pangangatawan at higit sa lahat, super gwapo...but what really drained my face with color ay dahil sa kilala ko ang mukha niya. "Hi, miss. Pasensya ka na, ginulo ka ba ni Kinoe?" di ako nakapagsalita. My knees are feeling weaker everytime. Ang lalaking ito...he's the guy in my dreamy nightmare...and all I see is black.

Black RavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon