CHAPTER 23.2

1.8K 90 6
                                    

Samantala'y walang humpay sa pagmumura si Don Leandro. "Binigo mo ako, Arabella. Ngayon ay mamamatay na tayong lahat!"

Napapikit naman nang mariin si Draven tanda ng kawalan nito ng pag-asa.

Nanghihinang napaluhod si Arabella sa buhanginan, walang patid ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. "Patawad, lolo. Patawad, Draven,"

"Ngayon ay manood ka sa gagawin ko, Arabella. Papatayin ko ang lalaking iniibig mo at pagkatapos ay isusunod ko naman ang minamahal mong lolo." Dahan-dahang lumapit si Braedan sa nakalugmok na si Draven, hawak pa rin ito ng dalawang Demonic Vampire.

Gulat na gulat na napatunghay si Arabella sa narinig. "May kasunduan tayo, Braedan. Bubuhayin mo sila kapalit ng Ragnor."

"There is no covenant between a vampire and a human. Panoorin mo habang unti-unti ko silang pinapatay." Itinapat ni Braedan ang dulo ng Ragnor sa tapat ng puso ni Draven.

Napasigaw siya sa kaalamang mamamatay na si Draven. "Huwag! Nakikiusap ako. Gagawin ko ang lahat huwag mo lang siyang patayin."

"I will kill him. At pagkatapos ay isasama kita pabalik sa Romania upang gawing reyna ng itatayo kong sariling coven." nakangising sabi ni Braedan habang naghahanda sa pagbaon ng Ragnor sa dibdib ni Draven.

Sa gitna ng kawalang pag-asa ay napahagulhol na lang si Arabella. Wala na si Athan, at ngayon naman ay si Draven. Alam niyang isusunod na ni Braedan ang kanyang lolo at pagkatapos ay siya naman.

Ang Ragnor ang tangi niyang pag-asa, ngunit wala na ito sa kanyang mga kamay. Nagkamali siya sa pagpapasya at ngayon ay buhay ng mga mahal niya ang magiging kabayaran.

"Tapos ka na, Draven Gualtieri. At pagkatapos ay isusunod ko ang iyong buong angkan sa Romania," humahalakhak na sigaw ni Braedan bago iulos ang hawak na espada.

Nang biglang isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw, sapol sa kamay si Braedan kung kaya nabitiwan nito ang Ragnor. Sinundan iyon ng isa pang malakas na putok at nangingisay na bumagsak naman si Claudius sa buhanginan. Ang sumunod na mga putok ay para naman sa dalawang bampira na may hawak kay Draven.

Nanlalabo ang mga mata na pilit inaninaw ni Arabella kung sino ang nagpaputok. Nakita niya si Armand Mondragon, nakatayo sa di kalayuan, hawak ang isang mahabang baril na ngayon ay nakatutok naman kay Braedan.

Pero bago pa naiputok ni Armand ang baril ay sinugod na ito ng mga Nosferatu at ng mga Demonic Vampire. Napilitan si Armand na harapin ang mg aito. Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga bampira sa buhanginan nang walang humpay na pagbabarilin ng lalaki ang mga ito.

Alam niya na hindi sapat ang mga bala ng baril ni Armand sa dami ng mga kalaban kung kaya tinakbo niya ang direksyon kung saan humagis ang Ragnor.

Ngunit hindi naging madali ang paglapit niya kay Braedan dahil sa dami ng bampirang humadlang sa kanya. Suntok, tadyak at kalmot ang inabot niya mula sa mga ito. Naroong humagis siya, madapa at matapakan ng mga nagwawalang kampon ng kadiliman. Duguan at nanghihina na siya nang makalapit sa binagsakan ng Ragnor.

Subalit bago pa niya nadampot ang espada ay nakalapit na si Braedan at tinapakan nito ang espada.

"Ibinigay mo na sa akin ito, hindi ba? Bakit babawiin mo pa?" nang-uuyam na tanong nito.

"Spare Arabella, Braedan," hirap na sigaw ni Draven. Nasa iyo na ang Ragnor."

Braedan smiled demonically. "Hindi ko magagawang manakit ng napakagandang babae, Draven. Kakagatin ko lang naman siya at sasalinan ng aking dugo upang maging kauri ko siya, at pagkatapos ay iuuwi ko siya sa Romania upang gawing ina ng aking magiging mga anak."

"Mamamatay na muna ako bago mangyari iyan," banta niya.

Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Braedan sa kanyang pisngi dahilan upang tumilapon siya sa batuhan kung saan nakatali si Don Leandro. Tumama ang kanyang gulugod sa matatalas na bato. Narinig pa niya ang tunog ng nabali niyang mga buto. Parang lantay na gulay na unti-unti siyang dumausdos.

Pinilit tumayo ni Draven saka nilundag si Braedan. Nagpanghamok ang dalawa habang kapwa pinipilit na inaabot ang Ragnor sa kinalalagyan nito.

Ginamit ni Arabella ang natitirang lakas upang abutin si Don Leandro sa kinatatalian nito. Habang kinakalag ang tali ay walang tigil ang kanyang pag-iyak at paghingi ng tawad.

"Patawarin mo ako, lolo. Hindi ako naging karapat-dapat sa Ragnor at sa iyong pagtitiwala," hirap na sabi nya sa gitna ng mga sigok.

"Nangyari na, apo ko. Wala na tayong magagawa. Pero may huwag kang mawalan ng pag-asa, nasa panig natin ang kabutihan."

Eksaktong nakalag niya ang tali kay Don Leandro nang makarinig na naman sila ng kakaibang ingay mula sa himpapawid. Palakas ito nang palakas habang papalapit sa dalampasigan.

"Dios Mio!" bulalas ni Don Leandro. "Paparating ang bagong hukbo ng mga bampira!"


DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon