" CLASH OF AGAINST OUTSIDERS "
COS3 CHAPTER XXI
LAPIZ LAOILLE
Dumating muli ang Gabi na magkapiling kami ni Zoren. Sa huling pagkakataon, bago ko siya Pakawalan at ibalik sa tunay na nagmamay-ari ng kanyang Puso. Isang Gayuma na tanging ako lang ang naalala ng Puso niya. Subalit sa tuwing sya'y nahihimbing ay ang Pangalang 'Chrisalyne' ang laging binubuka ng kanyang Tinig na Malambing.
Zoren : Mahal na Mahal Kita,Anna Leah!
Maganda sanang Pakinggan subalit sa Katotohanan ay tanging Maliit na Botelya lamang ang nag-uutos sa kanya upang bigkasin ang ganitong matamis na mga Pananalita na kahit sinong Babae ay nais marinig ito sa kanilang Lalakeng Iniibig.
Zoren : Mahal na Mahal Kita..... Anna Leah..
Maganda sanang pakinggan habang dumadampi ang kanyang mga Labi sa aking Labi at aking Katawan. Subalit hindi naman talaga ako ang tinatawag ng iyong Laman. Isa lamang itong parte ng Pagnanasa na natural na sa isang Nilalang para magparami o' magpalipas lang.
Zoren : Ikaw, Mahal mo ba ako?
Anna Leah : Oo, Zoren! Mahal na Mahal Kita..
Oo ang Sagot. Sapagkat ito naman talaga ang Nais ko. Pero ang totoo nito'y hindi naman ako talaga ang nais mong sumagot nito kungdi ang Nilalang na nasa kaibuturan nang iyong Puso.
Pero ito na ang huling gabi. Huling Gabi para kita'y makapiling at masasabi kong Akin.
Anna Leah : Inumin mo muna ito bago ka Matulog,Zoren.
Zoren : Ano ito?..
Anna Leah : Para mabilis kang Makatulog
Zoren : Ganun ba, Sige.. *Gluk! Gluk! Gluk!*
Anna Leah : Magandang Gabi, Mahal ko..
Zoren : Magandang Gabi din Mahal ko..Tsup!
Ito na ang simula... Simula na hindi na kita makakapiling kailanman..
GAIREN ISIS
Atartha : Nandito na Kami!
Gregor : Abah, Mabuti naman at Ligtas kayo. Nag-alala ako at akala ko kung Ano na ang nangyari sa inyo. Paalis na sana ako.
Atartha : May mga nasagupa kaming mga Mutants pero ayos naman na kami nina Danielle at Georgina. Ang galing pala nilang makipaglaban
Gregor : Kumusta, nakita nyo ba ang hinahanap ninyo?
Danielle : Hindi po.. Pero nagkaroon po kami ng Hint sa hinahanap namin.
Gregor : Mabuti naman kung ganon..
Danielle : Ah Ginoo,..
Gregor : Hm?
Danielle : May mga Tauhan po ba ng Nashtech pa ang Nananatili dito?..
Gregor : Sa Bagay na yan.. Hindi ko alam pero subukan nyo Ospital ng Bayang Ito. May nakakita sa kanila na may mga Naglalabas-pasok pa sa Ospital na yun eh. Mga Taga-Nashtech din.
Danielle : Ganun po ba...Sige po.
Georgina : May pakay pa sila sa Lugar na 'to.
Georgina : Yun ang Aalamin natin.
Danielle : Mabuti pa nga..
Si Georgina at Danielle na lang ang Umalis para na rin sa Kaligtasan nina Atartha at Gregor