EunKook

95 1 2
                                    

Natapos na ang concert. Awieee~ Ang saya saya ko, sobraaaa.

Ikaw ba naman yung yakapin nila isa-isa at makipagtitigan sa bias mo ng 10 seconds sino ba namang di sasaya don diba? Pero dahil nga di kami in good terms ni Jungkook, hindi ako sakanya nakipagtitigan kundi kay Taehyung. Eh kasi naman ehhhh~

Nagpaalam na din sa akin kanina si Bogum oppa, may appointment daw eh.

Hindi pa ko lumalabas sa venue dahil ayokong sumabay sa paglabas, ang dami kasi eh. Ayoko namang makipagsiksikan, huehue.

Napatingin ako sa phone ko na nagva-vibrate, tinignan ko kung sino yung nagtext, si Jungkook pala.

Agad kong binasa 'yon.

--
Jungkook: Hey, wag ka munang aalis, pinasundo kita sa isang stuff namin, papunta na siya ngayon sa direksyon mo.
--

Huh??

Tumingin ako sa paligid at may nakita nga akong stuff na paparating rito sa direksyon ko.

Bakit naman kaya ako pinapapunta dun ni Jungkook? Siguro makikipag-bati na. Pero dahil nga kasing taas ng Mt. Everest ang pride ko, magpapasuyo muna ako. Hihi.

"Miss, kayo po ba si Eun Ha?" -Stuff

"Ahm, opo" sagot ko.

"Sumama po kayo sakin, hinihintay po kayo ni Mr. Jeon sa backstage." -stuff

Nagsimula ng maglakad ang stuff at sumunod naman ako. Di nagtagal ay nakarating din kami sa backstage. Pagkarating namin don ay umalis na yung stuff.

Nakita ko dun yung pito na nakabihis na. Sayang di ko sila naabutan nung naka-topless pa, haaayys.

Nang makita nila ako ay nginitian at binati nila ako. Si Jungkook naman ay lumapit sa akin.

"Hey" -Jungkook

Syempre di ko pinansin. Bahala siya dyan, hmp!

"Hey" ulit niya.

Tsk.

Paulit-ulit nya akong tinawag at paulit-ulit ko din siyang hindi sinasagot.

Nang narinig ko sa tono niya na medyo naiinis na siya kakatawag sa akin ay hinarap ko na.

"Galit ako sayo." sabi ko sabay talikod.

"Hey, ano bang ginawa ko?" tanong niya. Ha! Nagmamaang-maangan pa siya ah!

Hinarap ko ulit siya sabay pingot ng tenga niya.

"Araaaayy!" Sigaw niya kaya napatingin samin ang lahat ng nandoon.

Binitawan ko naman agad dahil nahiya ako. Ugh!

"Uuuyy. LQ kayo? haha!" -Hoseok

"Bakit kaba kasi bigla-biglang namimingot?" inis na tanong sakin ni Jungkook habang hawak ang tenga

"Eh ikaw? Bakit ang sama ng tingin mo sakin kanina!?" sabi ko sakanya sabay irap.

"Tsk." -Siya

"Anong tini-tsk tsk mo diyan!? Hoy Jeon Jungkook, umayos ka ah!" Galit na sabi ko sakanya.

Narinig ko naman na may nagtatawanan kaya napatingin ako sa direksyon nung anim. Aba! Letse din tong mga 'to ah!

"Aayos na po. Sorry na, wag ng magalit." Sabi niya habang inakbayan ako at inalalayang umupo dun sa malapit na upuan at kumuha din ng sakanya para maka-upo.

"Ano ba, wag mo nga akong akbayan, nakatingin na satin yung mga stuffs oh!" bulong ko sakanya. Lakas maka-pabebe ng ate niyo. Haha!

"Tsk, wala akong pake sa mga yan. Wag mong pansinin at sa akin ka nalang tumingin." sabi niya at nag wink sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chatting My BiasWhere stories live. Discover now