S̮̱̠̽̍͌̆̀̚͡w̨̛̝͙̍̅̅ͧ͐ͦ̔ͥi̸̴̞̣͙̠̹͑͊ͨ͊ţ̲̞͔̖͙͆ͥͨ̍ͮͮ̚͡c̭̲̦̗͚͓̥̣̒ͯ̈́̎̈ͣ̊̚h̴͙͐ 15

92 22 7
                                    

Fraiden's Point of View

Kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Ysabelle sa gilid. Ano kayang iniisip nito? Pero tangina talaga ng mga tukmol na iyon! Kapag may dala-dala talaga silang condoms ipapakain ko sa kanila iyon. Mga hindi na nahiya!

Bigla naman akong nakarinig nang pagdoorbell sa labas at nang tingnan ko iyon sa screen ay kita ko na ang tatlong lalaking may mga kulay asul na mga mata at parang mga gago lang. Naisipan pa talagang magsuot ng suit. Ano may prom lang?

Yamot kong binuksan ang pinto.

"Oh beybeh Fraiden, where are you~ oh! What a lovely girl! Tell me miss ganda, what's your name?" wika ni Steven nang nakita ako sabay biglang hawak sa kaliwang kamay ko.

"Gago!" sambit ko saka siya sinapak. Kita ko namang tumabingi ang mukha niya dahil sa ginawa ko.

Tumingin naman ako nang masama sa dalawa pang tukmol na mukhang nagulat.

"Lucian, Cassius pumasok na kayo. At ikaw rin Steven, gago ka! Ako pa talaga nilandi mo."

°°°

"I can't believe it! Is that really you beybeh Fraiden? Ugh! Sana ako na lang ang nakapalitan ng katawan para naman alam mo na, ang ganda at sexy ng may ari eh." Isang malademonyong ngiti ang kumawala sa labi ni Steven. Gago! Alam ko kung ano ang nasa utak mo.

"Aish! Langya ka talaga Fraiden! Sayang naman ang effort ko sa pagbili nito!" biglang sabat ni Lucian habang inilalahad sa akin ang tatlong condom. Tarantado.

"Pero Fraiden, pwede naman natin i-try sa'yo ito! HAHAHAHAHAHA tutal nasa babaeng katawan ka naman. Sakto, tatlong lalaki kaming nan-" Hindi na naituloy ni Cassius ang sasabihin niya nang bigla ko siyang sinipa.

"Mga gago! Hindi na ba kayo nahihiya? Ang lilibog niyo! Nandito lang kaya ang babaeng may ari ng katawan na ito! Pati hindi ba kayo nandidiri sa mga sinasabi niyo? Fvck! Kaya minsan, kinahihiya ko kayong mga pinsan eh!" Tiningnan ko naman si Ysabelle sa gilid. Tahimik lang siya pero alam kong medyo nahihiya at nanggagalaiti siya. Pag-usapan ba daw ba kung paano gahasain ang katawan niya.

Agad naman silang nanahimik at nagsorry nang napansin ang presensya ni Ysabelle. Tsk!

"HAHAHA sorry, gusto lang naman namin asarin si Fraiden-uh... what can I call you?" panimula ni Steven.

"Ysabelle, Ysabelle Samonte." Napatango naman si Steven sa kanya.

"Speaking of Samonte. You remind of a crazy guy named Yngrid Samonte. Gago iyon! Hindi ko makakalimutan kung paano niya gasgasan ang baby porche ko at ang malupit pa ay ako pa ang pinagmumura. Buti na lang talaga at nawa-" Biglang napatigil si pagkwento si Cassius nang biglang lumuha si Ysabelle.

"Woah~ umiiyak si Fraiden mga pre!" Agad ko namang tiningnan ng masama si Steven kaya naman ay umakto itong parang zinipper ang bibig niya. Napairap na lang ako sa kagaguhan niya.

"Hala Ysabelle, why are you crying? Did I say s-something wrong?" Halos hindi naman malaman-laman ni Cassius ang gagawin niya upang mapatahan 'yung babae habang si Lucian kanina pa tawa nang tawa.

"HAHAHAHAHA gago! Lagot ka Cassius! Hala ka, pinaiyak mo siya! Lagot! HAHAHAHAHAHA." gatong ni Lucian na nababaliw na sa kakatawa.

"N-no I'm okay, nadala lang ako." wika naman ni Ysabelle habang pinupunasan ang mga luha niya. Habang 'yung tatlong tukmol naman ay nakakunot ang mga noo.

"At bakit ka naman nadala?" sabay-sabay nilang tanong habang seryoso lang akong nakikinig sa usapan nila.

"Cause he's really my brother."

"What?! Seriously? I didn't expect that damn psycho has a little sister? For real?!" Halos hindi makapaniwalang ani ni Steven habang sina Cassius at Lucian naman ay halatang nagulat din.

Napapahilot na lang ako sa sintido ko habang pinapanood sila.

"Tsk. Hindi ko kayo pinapunta rito para makipagchikahan. This is a serious case Montero's."

Kita ko kung paanong nagbago bigla ang mga pagmumukha nila maski si Ysabelle ay naging seryoso rin.

"Is this case connected in abyss?" Muli ay nagkoro ang tatlong tukmol sa pagtanong at ningisian ko lang sila.

"Bingo!" I answered.

Switched Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon