THWR 7

3.2K 75 42
                                    

Carmela's POV

10:30 na kami nang nakarating kami sa aming papipicnic-an. Pagkarating namin ni Anton ay agad akong nanghingi ng sorry dahil late kami ni Anton, agad naman tumawa si mommy at nagsabing okay lang dahil nag eenjoy naman daw sila sa pamimingwit ng isda sa fish pond na pagmamay ari pala nila Anton. Nung una ay di ako naniwala pero nang dumating sila Tita Judy kasama si Tito Erick ay naniwala ako. Hindi man lang sinabi sa akin ni Anton na sila pala may ari netong Farm.

Sabagay, sino nga ba ako para sabihan nya tungkol dito? Eh asawa nya LANG naman ako. Oo, Lang. Asawa nya lang ako sa mata ng papel at sa mata ng nakapaligid sa amin.

"Sorry nalate kami. May dinaanan pa kasi tong si Erick." Sabi ni Mama Judy.

"Ano ka ba naman, Ayos lang no." Sagot naman ni mama.

Agad akong nagbeso kila Mama Judy at Papa Erick.

"Ang ganda mo pa rin, Hija." Sabi sa akin ni Mama Judy habang hinahawakan nya ang aking buhok.

"S-salamat po Mama Judy." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

Napalingon ako sa katabi kong si Anton at may binulong ito.

"Maganda nga, Pokpok naman." Mahina man yun ay rinig na rinig ko ito. Para akong sinaksak ng ilang beses sa aking dibdib. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang dahil ayokong umiyak sa harap ng aking pamilya at sa aking in-law's.

"Ano yun, Ton?" Tanong ni Mama Judy.

Tumingin si Anton kay Mama Judy.

"Wala ma. Sabi ko, ang swerte ko dahil maganda at maalaga ang aking asawa." Bigla nya akong inakbayan. Alam kong labag sa loob nya ang kanyang ginawa at sa kanyang sinabi sa harap ng kanyang magulang. Alam kong hindi totoo yung mga pinagsasabi nya dahil alam ko sa sarili ko na pinangdidirihan ako nito, pero kahit ganun hindi ko mapigilang mamula at ngumiti.

Agad kaming nagkatinginan ni Mommy sa sinabi ni Anton.

"Hindi ko nasabi sayo anak na niyaya ko rin sila Mama Judy mo. Minsan lang naman to nangyari na magkita kita tayo na walang okasyon." Sabi ni mommy sa akin.

"Wala naman pong problema, mommy. Masaya nga ako dahil magkakasama tayong lahat ngayon." Sabi ko.

Habang nag uusap sila hindi pa rin maalis sa akin ang sinabi ni Anton sa harap ng aming pamilya.

Kahit labag sa kanyang loob pero para sa akin ay isa itong di ko makakalimutan. Nagtatalon ang puso ko sa saya dahil sa mga sinabi nya kahit alam kong hindi ito totoo.

"Tama na daldal, Mamingwit na tayo." Sigaw ni Dada sa malayo habang hawak nya pa rin ang kanyang fishing rod.

Agad na sumunod sila Papa Erick at Anton sa direksyon ni Dada.

"Tulungan mo kaming maghanda ng pagkain, Carmen." Sabi sa akin ni Mama Judy sabay pakita ng dala dala nilang bag na  siguro ay mga pagkain.

________________

"Kamusta na kayo ni Anton?" Tanong ni Mama Judy habang nag-iihaw ito ng mga nahuli nila Anton.

"O-okay naman po kami." Sagot ko dito at pinatuloy ang paglalagay ng mantel sa aming lamesa.

"Wala pa rin ba kayong balak magkaanak ulit? Ilang taon na rin nang--" naputol ang sasabihin ni Mama Judy nang biglang sumingit si Mommy.

Ngayon palang gusto ko na umuwi dahil ayokong iopen up ang nangyari noon sa amin ni Anton. Ilang taon na rin ang lumipas pero hanggang ngayon ayoko pa rin pag usapang ang pangyayaring iyon, nang dahil sa kapabayaan kaya nagkakaganyan ang asawa ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Housewife's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon