Ang panahon ng kabataan ang pinakamasarap na parte ng buhay ng
isang tao. Dito mo mararanasan ang maraming bagay tulad ng
pakikisalamuha ng iba't-ibang tao. Panahon na mas makikilala mo ang
iyong sarili at masubukan ang ibang bagay tulag ng "pag-ibig"
Bata pa lamang noong nagkilala si Choraine Kraye Villanueva at Kent Dominguez sa isang maliit na parke.
Puno ng ganyak ang mukha ni Kent noon habang naglilibot sa parke hanggang sa isang saglit ay may nakita siyang isang babae sa isang sulok ng swing na para bang karga ang langit , at sadyang kaylaki ng problema, tinanong nya ito kung bakit ito malungkot - sinabi naman ni Kraye na siya'y malungkot dahil kaarawan niya pero hindi man lang napansin ng kanyang mga magulang.
Pumitas ng bulaklak si Kent sa kalapit na dapit at binigay sa kanya " Bulaklak Ms. Loner oh , Happy Birthday" Kinilig naman ang munting dalaga at nagpasalamat. Noon, tuluyang nagkilala si Kraye at Kent hanggang sa nagkolehiyo na sila. Parati parin silang nagkikita sa park , sa bawat araw na magkikita sila ay hindi maiwasan ang ngiting abot langit.
Lumipas ang ilang buwan at kaarawan na ni Kraye , di nya maiwasan ang pagkasabik sapagkat alam niyang may surpresang inhanda ang matalik niyang kaibigan.
Noong gabi ng kaarawan ay nagstargazing sila sa park kung saan sila palaging nagkikita at kung saan din nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at mula pa'y nagsaya. Tuwing buwan ay nagpapasession si Kent para sa kanyang Monthly check-up.
Parang naguho ang mundo ng narinig ni Kent na may leukemia siya isang sakit na kailanmay hinding hindi na malulunasan, napaiyak si Kent kahit na mapahiya man sya sa maraming taong nakatingin sa kanya *hindi na niya napigilan ang sarili nanlumo sya at napatayo sa bandang gilid "Lalabanan ko ang leukemiang ito , magpapalakas ako para sayo Kacee, isang buwan nalang? kahit dantaon pa kaya kung labanan to, papasayahin ko pa kita Kraye , di pa kita iiwan, lalo nang susurpresahin pa kita sa bawat kaarawan mo" Datapwat ay alam niya sa kanyang kaloob-looban na hindi na ito kailanma'y mangyayari.
Nasa park si Kraye naghihintay kay Kent dahil may meet up sila para sa school project nila. Isang minuto ang nagdaan pero hindi parin dumarating si Kent.
Umuwi nalang siya habang isinasaisip kung ano ang dahilan sa.hindi pagpunta ni Kent. "Ah alam ko na , birthday ko pala bukas , lokong Kent talaga iyon susurpresahin na naman ako , alam kong hindi ako bibiguin ng bestie ko."
Handa na si Kent sa kanyang plano , simula noong araw na nalaman niyang may sakit siya ginugol niya ang kanyang araw sa pagbibili ng "surprise gift" at binukod-bukod sa kanyang kwarto" Ibig lamang sabihin nito , kahit mamatay man siya ngayon , bukad man o bukas makalawa hindi siya bigo sa paglalayong surpresahin ang kanyang matalik na kaibigan bawat taon ng kaarawan.
Ika-30 na ng Disyembre at kaarawan na ni Kraye bigo ulit siyang makita si Kent sa park , umuwi nalang siya sa kanilang bahay at nagkulong sa kanyang kwarto - may nagdoorbell tumayo siya agad at agad ding binuksan nagbabakasakaling si Kent iyon pero isa palang mailman.
Inabot ng mailman ang sulat at binasa nya ito " Kumusta Binibining Kraye Villanueva? pumunta ka bahay" Natabunan ang mukha ni Kraye sa napakalaki niyang ngiti " sabi ko na nga ba, di moko bibiguin"
Pagbukas niya sa pinto sa kwarto ni Kent ay "Woaaah, ang ganda ganda ang raming gifts , woooooh salamaat Kent Dominguez , salamaaaaaat" napasigaw sa saya si Kraye. " Ito na ata ang pinakamasayang kaarawan sa buong buhay ko , salamat Kent , salamat"
Nilibot nya ang kwarto at nakakita siya ng isang kyut na enbelop na may larawan nilang dalawa. Binasa niya ang laman "Ms. Loner , kunin mo ang pink teddy bear" Pagkabasa nito ay napangiti sya "loko talaga tong Kent nato" Pinindot nya ang bear at nagsalita ito ng isang recorded voice.
"HI MS. LONER :)) HAPPY BIRTHDAY NGA PALA SAYO BESTFRIEND , MATANDAA KANAAA :P NAALALA MO BA NOONG BATA PA TAYO? NOONG UMIYAK KA? DAHIL BIRTHDAY MO PERO NAKALIMUTAN NG PARENTS MO? NAALALA MO DI BA IYONG PANAHONG NAGSTARGAZING TAYO SA PARK? KUNG SAAN ANG SAYA SAYA SAYA SAYA NATIN? SINABI PA NGA NILA NA PARA DAW TAYONG TANGA. DI KO NAKAKALIMUTAN IYONG NGITING ABOT LANGIT NG BESTFRIEND KO :)) DI KO RIN MALILIMUTAN KUNG GAANO MO KAGUSTO ANG MGA SURPRESA :)).
I BELIEVE THAT YOU ARE THINKING NA IM HIDING BEHIND THOSE CURTAINS THERE PERO HINDI PWEDE EH :(( AND IF I COULD .. I WOULD. IPANGAKO MO SAKIN HA NA HINDI KA MANDADAYA? ISANG GIFT SA BAWAT TAON NG IYONG KAARAWAN , ATLEAST DIBA? KAHIT WALA NAKO DIYAN DI KO NABIGO ANG BESTFRIEND KONG SURPRESAHIN? PATAWAD....SANA MAPATAWAD MO PA AKO LEUKEMIA EH , SABI NUNG DOKTOR ISANG BUWAN NA NGA LANG DAW IKINABUBUHAY KO , BUT I LASTED 3 , TATLONG BUWAN AKONG LUMABAN..THREE MONTHS, JUST TO PREPARE GIFTS FOR A SPECIAL LITTLE GIRL..GUSTO KO LAMANG MALAMAN MO NA SA BAWAT PAGKAKATAONG KASAMA KITA PARA BANG PINAKAMASAYA NG ALAALA SA BUHAY KO , YOU BRING OUT THE BEST OF ME. ANG LOVE HINDI IYAN BIG THING KUNDI SMALL THING PERO NAPAKAHALAGA. MAMIMISS KITA KRAYE. DI MAN TAYO MAGKIKITA PANG MULI O MAKAPAGSASAYA PANG MULI .. ISA LANG ANG MASISIGURADO KO , WE WILL BE BESTFRIENDS FOREVER. PAALAM KRAYE.
-end ♥