Hapon na ng magising ako sa aking pagkakatulogSimula nong nangyari kagabi ay hindi kona nakita miski anino ng Asawa ko
Kagabi ko pa rin ito sinusubukang tawagan, nagriring lamang ito ngunit agad ding pinapatay
Napa buntong hininga na lamang ako at napag desisyunang tumayo at mag ayos ng sarili
Ramdam ko ang pag ikot ng aking paligid sa aking pagkakatayo agad akong napatakbo sa banyo ng naramdamanan kung mabubuwal ako
Mariin kung naipikit ang aking mga mata ng hindi parin tumitigil ang pagkirot ng aking ulo
Sandali pa ako sa ganoong posisyon at hinayaan ang sarili sumandal sa pader hanggang sa unti- unting naghilom ang pagkirot
Bat ganon? Napapansin kung mas dumadalas ang pagsusuka ko at ang pagkirot ng ulo pansin ko ring ang madaling pagkakahilo
NANDITO ako sa kusina naghahanap ng pwedeng kainin
Bumagsak ang aking balikat nang mapansing wala na talagang ibang pagkain bukod doon sa Cup Noodles
Parang nagrereklamo na talaga ang aking sikmura dahil sa gutom
I don't have freaking choice
Amoy palang nito ay parang nasusuka na ako
Ano bang nangyayari? psh weird
Nakatitig ako sa cup noodles na nasa harapan ko nagdadalawang isip kung sure naba akong kainin to o hindi?
Mukang nagrereklamo na talaga ang sikmura ko
Labag man sa aking panlasa ay nilantakan ko nalang ito
Hindi paman ako nakakalahati ng tumunog ang doorbell, nagtaka man ay pinuntahan ko ito
Pagbukas ko ng Gate ay walang bakas ng tao, Inilibot ko ang aking paningin upang makasigurado
Isang lalaking nakaitim lamang ang aking nakita, nakasuot ito ng itim na jacket at naka cap, nakatayo ito sa gilid ng poste hindi ito kalayuan
Baka nantitrip lang, lakas ng amats
Isasarado ko na sana ang Gate nang mapansin ang isang kahon samay aking paanan
May delivery? Shooppe? Lazada?
Wala naman akong matandaang nag-order ako online ah?
Napagisipan kung buksan nalang ito
Nagulat ako nang makitang kulay itim at walang buhay na pusa ang laman nito
Agad ko itong nabitawan
Sinong may amats ang nagpadala nito, takot man ay dali dali kung kinuha ang box at itinapon sa basurahan
Dali dali akong pumasok at hindi mawala-wala sa utak ko ang natanggap. Nabalik ako sa sarili ng marinig ang telepono
"Hello?"
"Natanggap mona ba yung regalong ipinadala ko?"
I stayed silent, His baritone voice sounds creepy
Nagtaka ako baka wrong dial lang, ibababa kona sana nang muli itong magsalita
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko? Ingat- ingatan mo ang sarili mo Monteverde, lalo na ang Asawa mo,hindi mo alam ang kaya kung gawin" Kinilabutan ako sa boses nito at sa paraan ng pagsasalita nito, lalo akong nilukob ng takot ng marinig ko ang mala demonyong tawa nito
Kinakabahan man ay pinilit kung magsalita
"GAGO!lakas ng Amats mo!"
Ibinagsak ko ang telepono bago ko paman ito marining na magsalita
HINDI ako makatulog dahil sa nangyari kanina, nangangamba akong baka may mag tangkang pumasok sa bahay lalo nat mag-isa lang ako ngayon. Hanggang ngayon ay hindi parin umuuwi ang Asawa ko, hindi ko rin alam kung saang lupalop ko siya hahanapin
Alas diyes na nang gabi at paikot- ikot lang ako dito sa kama natatakot akong baka sa pagpikit ko ay di ko mamalayang may nakapasok pala dito
Nabaling ang atensyon ko nang mapansin ang isang album
Para nanaman akong tangang umiiyak dito habang pinagmamasdan ang aming mga litrato,kung pwede lang ibalik ang nakaraan ay ginawa kona
Yakap yakap ko ang aming wedding picture, malaki ang ngiti ko sa larawan habang ang Asawa ko namn ay nakangiti rin ngunit alam mong pilit lang hindi rin kita ang saya sa mga mata nito
Tahimik akong humihikbi nang marinig kung tumunog ang aking cellphone
From: 09125673891
"Tapos kana bang mag- drama?Napapagod kana bang mag-isa? Ingatan mo ang sarili mo dahil hindi mo alam ang kaya kung gawin. Ang ganda mo namang umiyak."
From: 09125673891
"Run while you can"
From: 09125673891
"Hide while you can"
From: 09125673891
"I'm watching you,sexy"
Pakiramdam ko ay nanginig ako sa aking mga nabasa, inilibot ko ang aking mga mata ngunit walang bakas ng tao, lalo akong naiyak sa takot
Ford asa kana ba.. natatakot na ako
Humagolhol ako nang marealize ko ang aking mga natanggap
Death Threats
YOU ARE READING
His Battered Wife (Under Revision)
RomansaMalevolent Bachelor Series #1: His Battered Wife "Sometimes it's hard to chase someone who doesn't want to be chased" Twenty-four-year-old, Annalys Valen Santos a bright woman. Young and innocent when her parents left her. Raised and belittled by...