Lagi kong pinagmamasdan ang babaeng lagi kong nadaraanan sa isang parke.
Lagi ko itong napapansin dahil mag isa lang ito sa mini park at nag swi-swing, sadyang mapapatingin ka dito dahil lagi itong nakangiti habang nakaupo dun sa swing.
Minsan tumitindig nalang talaga ang balahibo ko lalo na pag napapatingin ito sakin at kakaway habang sinasambit ang
"hi!" nakangiti nanaman ito sakin
panu ko ba siya ma ididiscribe?
long straight hair, angelic face, with a sweet smile on her face
Isang araw nagising nalang akong sabik makauwi sa hapon upang makita ang babaeng nasa mini park.
Nang isang hapon nakita ko siyang nakaupo dun pero nakayuko at parang umiiyak.
May nag udyok saking lapitan siya at binigyan ng panyo.
Tumingala ito sakin at nagulat. Hindi ata nito inaasahan na lalapitan ko ito
Kinuha nito ang panyo ko at yumuko ulit.
"Uhm.. bakit ka umiiyak?"
Hindi ito umimik pero tinignan niya lang ako tila hindi makapaniwalang kinakausap ko siya.
"n-nilapitan at k-kinausap mo ko?" her voice reminds me of someone
"bakit hindi?"
ngumiti ako sakanya. At tila nag blush ito, so cute.
"Bat ka ba umiiyak?"
napabuntong hininga ito ng malalim "n-nakita ko kasi yong taong mahal ko na may kayakap eh, p-pero hindi niya ko kilala, h-hindi niya alam na mahal ko siya"
Natigilan ako sa sinabi nito at may naramdaman akong sakit sa dibdib ko.
"malay mo friends lang sila"
"i-ikaw ba nakikipag yakapan sa friends mo?"
"sa totoo lang hindi, pero may pagkakataong hindi ako mapayakap sa sobrang saya"
Napatigil ito at ngumiti. "siguro nga natuwa lang siya kanina kaya napayakap siya sa babae"
Tumayo ito at ngumiti ng matamis. "mauna na ko salamat sa pagsama sakin dito" tumakbo na ito at kumaway.
Lumipas ang araw at lagi na kaming nag uusap nalaman ko din na ang pangalan niya ay Gillianne De Vera, at sa tapat lang sila ng mini park nakatira.
Pero habang tumatagal ay nahuhulog at napapamahal na ko sa kanya.
****
"Harvey, pwede ba tayong mag usap?" siya si Eliza ka-klase ko
"Sure"
Halfday kami at sa hindi inaasahang pagkakataon dito kami sa mini park nag usap.
"Harvey mahal kita" prangka nitong sabi ng makaupo kami sa swing.
Natigilan naman ako sa sinabi nito.
"Gusto mo ba ako?"
Hindi ako makapag salita. Tumayo ito at dumukwang para halikan ako pero naiwas ko at ang nahalikan nito ay sa gilid ng labi ko.
Napamulat nalang ako dahil nasa harapan namin si Gillianne at tumakbo. Naitulak ko si Eliza at hinabol ko ito.
****
Hinigit ko siya ng maabotan ko siya at niyakag mula sa likod.
Umiiyak ito at hindi ko alam kong bakit.
"Gil" walang lumabas sa labi ko na iba except sa pangalan niya.
Hinarap ko siya sakin at pinunasan ang mga luha.
"Ha-Harvey, Mahal k-kita"
Nagulat ako sa sinabi nito.
Biglang umulan ng malakas.
Tinabig nito ang kamay ko at kumalas sa pagkakayakap sakin at naglakad.
Napangiti ako at hinigit siya "I Love You Gillianne De Vera"
at hinalikan ko siya.
Sa gitna ng daan.
Sa gitna ng Ulan.