Chapter 12: Love that is learned

40 0 0
                                    

"Can you do me a favor, best?" tanong sa akin ni Rose habang nag-iimpake siya ng gamit nya kasi ilang oras na lang magchi-check out na kami sa hotel.

"Ano yun?"

"Susunduin kasi ako ni ni Jeremiah, so hindi ako sasabay sa inyo sa pag-uwi. Pwede bang wag ka munang umalis?

"Huh?"

"Samahan mo muna akong habang hinihintay ko si Jeremiah."

Bakit ko gagawin yun? Edi namatay ako sa selos.

At bakit hindi ko gagawin yun? Ayoko namang maghintay mag-isa dito sa resort si Rose. Paano kung di sya siputin ng asawa nya? Wala siyang kasama dito. At least kung mangyari yun, ako maghahatid sa kanya pauwi. At least makakasama ko siya.

"Ahm...si...sige."

"Thanks James!" Yumakap siya sa akin sabay sabing "Gusto ko kasing makilala mo rin siya."

Alam ko namang yun talaga ang gusto niyang mangyari kaya gusto niyang magpaiwan kaming dalawa.

"Ok. No problem."

------------

Nagpaalam kami sa buong tropa na ngayon ay papabyahe na pauwi sa Laguna. Kami na lang ni Rose ang naiwan sa resort.

"May aaminin ako sa iyo," sabi ni Rose.

"Yes?"

"Ang totoo nyan eh, after 2 hours pa ang dating ni Jeremiah."

"Oh bakit parang ang tagal naman yata?"

"Ok lang yun."

Napalingon ako sa dagat dahil sa mga turistang nakasakay sa makukulay na bangka.

"Uhm...Rose...gusto mong mamangka tayo?

Ngumiti muna sya bago sumagot. "Actually kanina ko pa gustong magyaya sa bangka."

"So...tara na."

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari. Bigla nya akong hinawakan sa kamay habang hinihila papunta sa bangka. It had been a very long time since we held each other's hands and the sensation was still the same as if the memories of the far away days were just those of --- yesterday. Although, malinaw sa akin na posibleng ako lang ang nag-a-assume ng lahat pero, wala na akong pakialam pa. Ang mahalaga eh, magkasama kami ulit.

"Manong paarkila po ng isang bangka!" sigaw ni Rose sa bangkero di pa man kami nakakalapit sa bangka.

"Maam, pangcouple na po ba?"

"Opo manong, pang-couple."

Nabibigla ako sa mga pngyayari at sa mga kinikilos nya. Pero hinayaan ko lang siya.

"Magkano po isang ikot sa island?" tanong ko kay manong bago kami sumampa sa bangka.

"500 isang oras."

"Sige manong."

The water was very clear and calm, not to mention the summer breeze that added up to the lovely atmosphere of a couple (as i see it)or better yet, two old friends trying to bring back what had been and trying to make sense of whatever is left.

"You know, I'm happy to see you again this time, James."

"Uh...ako din."

"Bakit ka kasi nawala? Sayang."

"Anong sayang?"

"Sayang, kasi we could have worked it out."

"I dont get it Rose."

"Uhm...nawala ka kasi --- so akala ko eh, wala ka na talagang interest na ipaglaban pa ako."

Nakinig lang ako at hinayaan siya sa mga gusto niyang sabihin. Base sa statement nya, sinubukan nya lang pala ako kung ipaglalaban ko ba yung nararamdaman ko sa kanya, o magpapatalo na lang. kaso mukhang ang dating sa kanya eh, nagpatalo ako kasi nangibang bansa ako...para makalimot.

"Sorry," ito na lang ang nasabi ko.

"Ok lang yun. At least may mga natutunan tayo."

"Pati, mukha namang mas masaya ka talaga sa kanya. Sabi mo sa akin nun, matututuhan mo nman syang mahalin, di ba? And it seemed that you've done it."

"Natatawa ako."

"Bakit?"

"Wala. It's just about what you said in our class about love that is learned."

Oo nga pala. Recitation namin sa Values class kung saan ang tanong ng teacher namin ay kung natututunan daw ba ang pagmamahal?

Sagot ko: Love, when learned, is not love at all. Real love must come naturally that one doesnt have to study how to show it. It's not an examination that you have to review all its aspects for the purpose of passing it. Love becomes compassion if you see it as something you have to learn. Compassion is far different from love, so we don't have any right to mistake it for the latter.

"So what do you want to say, Rose?"

Napatingin sya sa malayo. Parang hinahanap nya ang susunod nyang sasabihin sa kalamadong tubig.

"Napatunayan kong mali ka pala," sagot nya sa tanong ko. "Na kaya palang matutunan ang pag-ibig."

"Good. At least you've debunked my theory about love."

Nanahimik kami nang saglit. Hanggang sa itanong ko: So how did it go? Learning to love somebody.

"It was fine. Una, madaming adjustment kasi I still had to know his likes and dislikes. I had to know his lifestyle and his nature of work. Lalo na yung schedule nya. Knowing his family was the hardest..."

Nagpatuloy lang siya sa mga sinasabi nya na habang tumatagal eh lalo lang nagpapahapdi sa nararamdaman ko. Yung pakiramdam ba na sumisikip ang dibdib mo dahil sa pagpipigil mo sa pagiyak mo. Pilit kong tinatago yung tunay kong reaksyon - na nasasaktan ako - sa mga sinasabi nya sa kung paano nya pinag-aralang mahalin si Jeremiah.

"Eh, ikaw James? Bakit ngayon wala ka pa ring girlfriend? Di ka ba nakahanap sa states?"

Sasabihin ko sanang " kasi mahal pa rin kita" kaso biglang nag-ring ang cellphone nya.

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon