Chapter 1

4 0 0
                                    

Carla's POV

Maaga akong nagising ngayon dahil first day of school at ako ang naatasang magluto ng almusal namin ngayong araw. Habang nagluluto ako ay feel na feel ko pa ang pagkanta, sinasabayan ko kasi yung kanta sa cellphone ko. Nang matapos akong magluto ay inihanda ko na ito at naghain na sa mesa namin para makakain na kami. Pagkahain ko sa lamesa ay umakyat na ako sa taas para tawagin si Delany, ang best friend ko.

"hoy delany! Bumangon ka na diyan. Anong oras na, nakahanda na yung almusal. Baka malate tayo!" pang gigising ko sa kanya kaso tulog mantika tong isang to. "Aish, tinamad nanaman bumangon" bulong ko sa sarili ko. Hinigit ko ang kumot niya at kiniliti siya sa paa dahil ito lang ang naisip kong paraan para magising agad siya. "hahaha ano ba! Hahaha t-tama hahaha na. Ito na hahaha babangon na!! Hahaha" sigaw niya habang kinikiliti ko. See? Sabi sa inyo eh kiliti lang katapat nito, bwahahaha

Nauna na akong bumaba sa kanya para makapag ayos na siya. Habang hinihintay ko siyang bumaba ay nanood muna ako ng TV. "kyaaaaah! Yung mga bebe ko nasa TV nanaman. Waaahh oh myghad!" tili ko sa harap ng TV dahil nakita ko nanaman ang favorite Kpop group ko. "Hoy, agang aga tili ka ng tili diyan, andyan nanaman yung BTS no? Tsk talaga naman to, tara na kumain!" turan ni Dela sakin. "oo na po, ito na po" sagot ko sa kanya at saby na nga kaming kumain ng almusal.

---------------------------------

"so...Andito na tayo, nakaka-kaba haha good luck satin" sabi ko kay Delany kasi kinakabahan talaga ako ewan ko ba kung bakit. Nagpatuloy na kami ni Dela sa pagpasok sa front gate ng school na papasukan namin ngayon. Habang naglalakad kami sa pasilyo ay napapansin ko ang kakaibang tingin samin ng mga estudyante dito. "Dela parang mangangain yung mga students dito eh, katakot. Huhuhu, baka mamaya ibully tayo ng mga yan" bulong ko kay Delany habang naglalakad kami. "tss hindi yan, tiwala lang. Haha tara na nga ayun room natin oh" turo niya sa classroom sa may dulo.

Pagpasok namin sa room ni Dela ay agad kaming umupo sa upuan sa likod dahil iyon lang ang bakante. Habang wala pang dumadating na prof ay inilabas ko na muna ang cellphone ko para makinig music. Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig ng bigla akong kalabitin ni Delany, "hoy, tama na yan ayan na ata yung prof natin" bulong niya sakin. Agad ko namang itinago ang cellphone at earphones ko at nakinig sa prof namin.

"Okay class I'm Ms. Ferrer and I'll be your adviser in this school year" pakilala samin ng babaeng nasa harapan. "So alam ko naman na ang karamihan dito ay magkakakilala na, right? So hindi na kailangan magpakilala nung iba. Yung dalawang transferees nalang" sabi ni Ms. Ferrer. Agad na tumayo si Delany at pumunta sa harapan, "Hello my name is Delany Delos Reyes" sabi niya sa harap ng klase at agad na bumalik sa upuan niya. Pagkaupo niya ay ako naman ang tumayo at pumunta sa unahan. "Hi Everyone, My name is Carla Kim. Sana maging magkaibigan tayo lahat" sabi ko sa kanila habang nakangiti, agad naman akong bumalik sa tabi ni Delany. "So okay na, nagpakilala na silang dalawa so let's start our class" seryosong sabi ni Ms. at nagsimula na ngang mag klase, grabe naman klase agad eh first day palang naman, huhuhu, hayaan na nga. Kumuha ako ng ballpen at notebook at nakinig kay ma'am.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her SecretWhere stories live. Discover now