C-10

41 3 0
                                    

" WAVE OF LOVE "

By Pos Quille

Chapter 10

Nagising si Daniel sa sunod-sunod ng katok sa pintuan ng kanyang silid. Nagmamadali itong bumangon para alamin kung sino ang kumakatok. Bumungad sa kanya si Mang Berto na hawak ang kanyang Cellphone "Sir si Madam po, gusuto daw po kayo makausap." pabulong na sabi sa binata.

" Pakisabi na tulog pa ako...basta ikaw na ang bahalang mangatwiran..." Utos niya sa katiwala.

" Sige sir..." mahinang sagot nito sabay baba sa hagdan.

Pag-alis ni Mang Berto ay isinara ng binata ang pintuan at bumalik ito sa kama katabi ng dalaga. Hinagkan niya ito sa labi para tuluyang magising dahil pumutok na ang liwanag at alam nyang baka nag-aalala na ang kanyang tiyahin.

" Hmmm..anong oras na?" tanong nito habang kinukusot ang mga mata.

" 6: 30 am na" sagot ng binata

" What?" tumayo ito agad at pinagdadampot niya ang kanilang mga damit na 

nakakalat sa sahig ng kama nila.

" Oh, Ano ang ginagawa mo?" 

" Nagbibihis,... at ikaw din mag bihis ka na rin para ihatid mo na ako sa bahay namin.. lagot ako sa tiyahin ko dahil sigurado ako na hinahanap na ako nun!” aniya

" Okey boss....." Bumangon din ito at agad at nagbihis. Ilang sandali pa ay bumaba na silang dalawa at hindi nila akalain ay na masasalubong nila si Mang Berto.

" Oh mang Berto anong sinabi ni mama?" nagmamadali tanong niya dito.

" Tatawag na lang daw mamaya sir....." Sagot nito sa binata na nakangiti ng makita niya ang dalawa.

Hindi na siya sinagot nito at nagmamadali sila lumabas at agad sumakay sa kotse.

Samantala pagdating nila sa bahay ng tiyahin ni Christine, napuna nilang tahimik rito na para bang walang tao.

" Wala yata ang tiyahin mo.." sambit ng binata.

" Oo nga eh, halika pumasok na tayo.....hindi naman naka lock ang pinto eh,?" Yaya nito sa binata.

" Wait lang ha at titingnan ko sa taas ang tita.... baka tulog pa ito."

" Sige, wag kang magtagal ha....?" pahabol ng binata.

Pagkaupo ni Daniel sa maliit ng sopa...ay biglang dumating ang tiyahin ni Christine na kagagaling lamang sa labas...

" Magandang umaga po." magalang ng bati ng binata sa tiyahin ng dalaga.

" Magandang umaga rin sayo Sir,.. Bakit nag-iisa kayo dito sa baba? Nasaan ang pamangkin ko?" Tanong ng tiyahin ng dalaga.

" Nasa taas po at hinahanap kayo." mabilis na sagot nito na di maiwasang makaramdam ng kaba dahil inumaga na ng uwi ang dalaga.

" Ganoon ba? ... gusto mo mag kape sir? ipagtitimpla ko kayo?"

" Huwag na po... at paalis na rin ako...inihatid ko lang po si Christine.

" Ganoon ba? sige mag iingat po kayo sir."

Pagkaalis ng binata ay umakyat ang tiyahin nito sa taas upang sundan ang pamangkin sa silid nito.

" Christine....?" mabilis na tawag nito matapos buksan ang pintuhan.

" Po.... naliligo po ako.." pasigaw na sagot nito sa tiyahin.

"Pagkatapos mo diyan ay bumaba ka dito at mag-uusap tayo"

" Opo tita." bigla nakaramdam ng takot ang dalaga.

" Oh my God, ano ang gagawin ko… at ano naman ang idadahilan ko….kung bakit hindi ako nauwi kagabi....patay na ako nito.." iniisip nito habang nagbibihis.

Pagdating ni Daniel sa kanilang rest house ay nagulat ito nakaabang ang Mama nito sa labas.

.." Patay! anong ginagawa niya dito? bakit kaya napasugud dito si Mama.." Iniisip nito habang palapit sa kanyan mama.

" Ma, anong ginagawa mo dito?" Tanong ng binata sa kanyan ina.

" Anong ginagawa ko dito? yan ba isasalubong mo saakin....parang hindi mo ako na miss.....Kanina pa ako tumatawag sayo hindi mo sinasagut ang cellphone mo. Sa tingin mo hindi ako nag-aalala sayo.?" sermon nito sa anak.

" Ma.... okey ako...buhay pa naman ako eh,"

" Ilan buwan na ang lumipas… siguro naman ay maari kanang bumalik sa maynila para ayusin ang trabaho mong napabayaan hijo." aniya

" Ma, hindi pa ako handa bumalik doon, at wag kang mag alala at babalik din ako." Sagot nito

" Daniel, wala nang dahilan para manatili ka dito....pumunta nga pala si Janice sa mansion at hinahanap ka..." nakangiting balita nito sa kanya.

" Ha? Bumalik na? Totoo ba yun Ma? “Halos hindi makapaniwala sa narinig mula sa Ina.

.

ITUTULOY

Wave Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon