Paglaki ko

11 0 0
                                    


Paglaki ko,
Common sense ang bibilhin ko.
Tapos ipamimigay ko sa maraming tao.
Magpapadala ako sa mga nayo't kabukiran
Mamimigay din ako sa mga lungsod at bayan.
At kapag lahat sila ay naambunan
Mga sigalot ay sa wakas malulunasan.

Paglaki ko,
Bibili ako ng eroplano
Tapos yung mga iniwan sa ere,
isasakay ko.
Isasakay ko kait sinong may gusto.
Pero bawal dun ang plastik,
at di marunong rumespeto.

Paglaki ko,
Bibili ako ng gamot.
Gamot sa mga bulag
na nagbubulag-bulagan.
Gamot sa mga bingi
na nagbibingi-bingihan.
At kapag di parin sila matauhan
Tutusukin ko sila ng lapis sa pwet
at yung butas papasakan ko ng papel
Sana pagkatapos nun,
magising na sila sa katotohanan.

Ang Aklat na Walang PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon