Chaehee's POV
Friday na Friday pero late nanaman ako!!
Sobrang late na talaga ako!! 10AM na ako nagising!
Wala na akong aabutan na morning period jusko!
Kung mag-Absent na lang kaya ako?
Nakakatamad na pumasok lalo na't late na ako!Naligo na ako at inayos na lahat ng kailangan ko. Wala na akong pake kung ang gulo nanaman ng buhok ko oh ano dahil late na talaga ako!
Ayoko na mapunta sa detention! Baka maging suki ako doon jusko po!
Tumakbo ako papuntang school grabe! Nakakapagod!
Saktong 10:30 ako nakadating grabe hingal na hingal ako kailangan ko ng tubig!
Dumaan ako sa kabilang entrance kung saan kami dumaan dati nung nalate kami.
Pumunta muna agad ako sa CR para ayusin yung itsura ko. Mukha na akong bruha jusko po! Ang gulo gulo ng buhok ko! Inayos ko yung buhok ko at naglagay na din ako ng pabango baka kasi mangamoy usok ako kasi nagtatakbo ako papunta dito.
Naayos ko na sarili ko at pumunta na agad sa cafeteria. Breaktime na kasi ngayon. Grabe! Hindi pa ako kumakain ng breakfast!
Nakita ko sila Sammy at gulat na gulat sila nung makita nila ako. Bakit? Magulo ba buhok ko? Mabaho ba ako? Ano? Bakit ganyan kayo makatingin?
"Uy Chaehee!" Sabi ni Mae nung makita niya ako
"Bakit ngayon ka lang Chae?" Tanong ni Kaitlyn
"Nalate nga ako ng gising eh. Napagod ako sa training namin kahapon sa dance troupe." Sabi ko at tumango na lang sila
"Tara kain na! For sure hindi ka pa kumakain ng breakfast!" Sabi ni Sammy at saktong dumating sina Jeno na may dalang pagkain
"HAPPPPPPPY BIRTHDAY CHAEEEE!" sabi ni Haechan nang makita niya ako.
Nakita kong may Dala siyang isang slice ng chocolate cake at nilapag niya sa lamesa.
Teka? Happy birthday Chae?
Birthday ko na?!?!?!?!
"Hala siya, nakalimutan na birthday niya ngayon." Sabi ni Mae
"Birthday ko na?" Confused na tanong ko
"Oo! Ano ka ba!" Sabi ni Haechan
"Kain ka na Chae, ako bumili niyan lahat." Sabi ni Jaemin at nginitan ako
"HAAAAAAAAPPPPY BIRTHDAAAY NOONAAAA!" narinig kong sigaw ni Chenle papunta dito sa table namin kaya lahat napatingin dito! Jusko po! Bakit ang ingay ng batang ito?
"Thank you Chenle." Sabi ko sakanya at nagsimula na kaming kumain
Bakit sa lahat ng pwede kong malimutan, birthday ko pa?!?
After naming kumain binati ulit nila akong lahat ng happy birthday at nagthank you naman ako.
Hindi ako makapaniwala na 18 years old na ako! Ang tanda ko na grabe!!!
×××
Hindi ko namalayan at Sobrang bilis ng oras. Last subject na namin ngayon!
"Okay Class, wala naman tayong gagawin ngayon kaya pwede na kayong makauwi. May biglaang meeting kasi ang mga teachers. Mag-Ingat kayong lahat! Bye." Sabi ni Ma'am at umalis na agd
Inaayos ko na mga gamit ko at nakita ko si Jeno sa may pintuan. Nakita niya ako at bigla siyang ngumiti.
Jusko! Sinabi ko naman sakanya na wag siyang ngumiti ng ganyan kasi baka maging crush ko siya ulit!
Pinuntahan ko siya sa may pintuan at sabay kaming pumunta kung saan kami magtraining.
"Bakit ka nakasimangot Chae?" Tanong ni Jeno at mas lalo akong napasimangot
"Ikaw kasi eh! Bakit ba ang hilig mong ngumiti?" Inis na sabi ko at natawa siya
"Wala lang, bakit ba." Sabi niya
"Wala!"
"Bakit nga?" Pangungulit ni Jeno
"Wala nga sabi eh!"
"Bakit nga kasi?" Patuloy na pangungulit niya saakin.
"Wala ngaㅡ" naputol yung sasabihin ko dahil biglang dumating si Jisung
"Noona! Hyung! Hindi na daw tuloy training ngayon." Hingal na hingal niyang sabi
Teka saan ba galing to?
"Bakit daw?" Tanong ni Jeno
"Wala si Coach." Sabi ni jisung
"Bakit wala si coach?" Tanong ko
"Ewan ko! Basta wala daw training ngayon." Sabi ni Jisung
"Oh tara punta na tayo sa batangas." Sabi ni Jeno
"Ha? Bakit naman tayo pupunta sa batangas?" Tanong ko
"Ano ka ba! Birthday mo ngayon diba, magcecelebrate tayong magkakaibigan sa beach house niyo don!" Sabi ni Jeno
Ay oo nga pala birthday ko nga pala ngayon.
"Sorry na, lagi kong nakakalimutan eh." Sabi ko
"Nasaan nga pala sila Kaitlyn?" Tanong ko sakanila.
"Nauna na sila doon noona." Sabi ni Jisung
"Oo kanina pa sila nadoon! Tara na" sabi ni Jeno at hinila niya kami ni jisung papunta sa van
BINABASA MO ANG
C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]
Short Story❝Uy crush ko talaga si jeno❞ ❝Pano ba yan, hindi ka niya crush.❞ Epistolary + Narrations [COMPLETED] #10 in Short Story #2 in epistolary ⓒSeoulJinjjas_2018