A Mother's Day Special
by : RubyeGT"Urgh, i'm coming! Ahhh.... shit!"
Iyon lang at saglit na tila kapwa naparalisa ang kanilang mga katawan sa pagdating sa kasukdulan.
Kasabay noon ang pagragasa ng milyon-milyong malulusog na punla galing sa katas ng katatapos lamang na pagtatalik.
Mga punlang animo nag-uunahang makarating sa iisang destinasyon.
Doon sa kung saan maaaring makabuo ng isang buhay.
¤¤¤¤¤¤¤¤
"Weeehhh....!"
"Ang saya-saya. Ang dami kong kalaro ng habulan." anang isa sa pinaka-agresibo sa lahat. "Ayun! Ayun na yata ang finish line! Kailangan kong makaabot doon. Kailangan ako ang manalo."
Iyon lang at lalo pa nitong pinagbuti ang paglangoy.
"Ugh! Ano ba yan, ang hirap namang makapasok dito. Mmmp..." ani pa nito at pilit na ipinagsiksikan ang sarili, makapasok lamang sa inaakalang katapusan ng karera.
"Yes! Yes! Yes! Ako ang nanalo."
¤¤¤¤¤¤¤¤
"Nay, buntis po ako."
Narinig kong mahina at tila umiiyak na sabi ng isang tinig.
"Diyos ko, Andrea, iyan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo." animo tumatangis ding na wika naman ng isa pa. "Nasaan ang ama ng ipinagbubuntis mo?"
Lalo namang lumakas ang iyak noong una. "Hindi pa raw po siya handa."
Bakit gan'on? Bakit parang nararamdaman ko ang bigat ng bawat pag-iyak niya? Parang... parang... gusto ko ring umiyak.
"Diyos ko, anak, paano mo nagawa ang mga bagay na ito? Napakabata mo pa. Paano mo bubuhayin ang batang iyan, kung ang sarili mo nga lang ay hindi mo pa kayang buhayin."
Naramdaman ko ang masuyong paghagod ng mainit na kamay na nagmumula sa labas ng kinaroroonan ko.
Ramdam ko rin ang takot at pag-aalinlangan mula sa may-ari ng mainit na palad na iyon.
Ako ba ang batang tinutukoy nila?
Bata pala ang tawag sa akin.
"Natatakot po ako, nay. Pero anak ko po ito. Bubuhayin ko po siya."
Yehey! Salamat po...--teka... sino nga pala siya? Ano'ng itatawag ko sa kanya?
Narinig ko paglakas lalo ng iyak ng tinawag na Nanay. "Panginoon ko, paano natin ito ipaliliwanag sa ama mong nagpapakahirap sa ibang bansa, maitaguyod ka lamang? Mapagtapos ka lamang ng pag-aaral."
"Patawad po, Nay. Titigil na po ako sa pag-aaral at maghahap-buhay na lamang upang matustusan ang anak ko."
Ang bigat talaga sa pakiramdam sa t'wing maririnig ko ang pag-iyak ng boses ng iyon. Parang naiiyak na rin tuloy ako.
"Hindi." Ngayon ay mas matigas na ang tinig na sabi ng isa pang boses. "Ipagpapatuloy mo ang iyong pag-aaral. Sa kabila ng lahat ng sakit ng ginawa mo ay Ina mo pa rin ako. Hangad ko pa rin ang kung ano'ng makabubuti para sa iyo. Hindi ko maaatim na pabayaan ka, lalo na sa pagkakataong ito."
"Salamat po, Nay." mas malakas na ngayon ang iyak niya. "Pangako... sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayo bibiguin. Tatapusin ko po ang pag-aaral ko, hindi na lamang para sa sarili ko at para sa inyo... kundi para na rin po sa magiging anak ko."