Chapter 6

61 1 0
                                    


Maari nating magustuhan ang isang tao kapag nakita natin sa kan'ya ang hinahanap natin at maaari ring magustuhan natin s'ya kahit na wala sa kan'ya ang lahat.

-

Tracy Kiel's P.O.V.

Umalis ka ng walang paalam
Puso hanggang ngayo'y nasasaktan
Umaasa na muli kang makita
Kahit imposible ang aking kahilingan

Kanina ko pa pinapagtugtog ang kanta nila Harry, ng Dream5ive. May napapansin ako sa bawat kanta nila at sa bawat liriko. Bakit karamihan masakit? Bakit parang may umalis? Bakit may nasaktan? Bakit may dalamhati?

Sabi ni Ms. Mae, si Harry daw ang composer ng mga kanta ng Dream5ive. So it means na sa kan'ya nagmula ang kanta? Pero bakit? Bakit ganon? Bakit ang bigat sa pakiramdam ng kanta n'ya?

Bakit mo ako iniwan?
Sana iyong naririnig
Pagkat sa bawat ngiti
Sa likod nito'y pighati

Kahit na ang ganda ng boses n'ya kitang-kita ko ang emosyon sa boses n'ya. Para s'yang relate na relate. Naiwanan na rin kaya 'tong si Harry noon? Baka may girlfriend s'ya tapos naghanap ng iba o 'di naman kaya ay nakipagbreak sa kan'ya.

Well. I don't know.

Kapag tayo'y muling nagkita
Asahan mong pag-ibig ay hindi mawawala
Pagkat puso ko'y sa iyo lamang nakalaan
Ikaw at ikaw lang ang huli kong mamahalin
Hanggang sa dulo ng katapusan.

Pinatay ko na muna 'yung music. Medyo mababaw kasi ang luha ko at baka bigla na lang akong maiyak dahil sa lyrics ng kanta.

Napatingin ako sa phone ko nang may biglang nag-text. Binuksan ko 'yung message.

Jairo: Tracy, sana makauwi ako d'yan. Miss na miss na kita. Huhu.

Napangiti ako habang umiiling dahil sa message ni Jairo. Siraulo rin 'tong isang 'to, eh.

To Jairo: I miss you too, Jairo :)

Napangiti ako nang magreply s'ya agad-agad.

Jairo: I'll be back soon. Just wait, you'll gonna jump in joy. Hahaha.

Napailing-iling na lang ako. Magrereply na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto. Si manang Bebe.

"Tracy Kiel, hija. Tara na't mag-dinner." sabi ni Manang Bebe. "Pwede na ba akong pumasok, hija?" tanong n'ya habang nasa labas pa rin.

Hello, My Dream Guy (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon