chapter 14

24 4 1
                                    

"OK guys ito yung mechanics ng truth or dare para maiba may alak tayo, Kung sino Ang tatanggi sa pinapagawa sakanya o magsasabi ng mali ay may parusa kailangan uminom nang alak at Kung sino ang nakagawa na ay aalis na at Pwede nang matulog matirang matibay OK let's start this! " umupo na si patierva

Tinignan ko ng masama si mike  sakanya kasi itong ideyang ito hindi naman ako makatanggi kasi lahat ng kaklase ko nandito

Tatlong groupo kasi ang ginawa nila na may pitong members

dito sa groupo namin ang members ay Ako, si mike, si hanna, si thirteen, si de guzman, si fei at si Tristan

May Naka assign na tagasalin ng alak samin at Taga bantay rin yun ay si patierva

Pinaikot na ni mike ang bote tumapat ito sakin Ngumite ako ngiteng hilaw

"truth or dare?" tanong ni mike Ngumise pa ito

Humanda ka talagang bakla ka mamaya! Iihawin ko esophagus mo
Napabuntong hininga ako

"dare" humagikgik si mike at umayos ng upo

Wala pa nga siyang inuutos tumatawa na,ibinato ko sakanya ang mineral bottle na walang laman sumentro ito sa mukha niya imbes na tumigil

Mas lalo pa itong tumawa na parang baliw

"Ito maiden kasi--hahaha!" tinignan ko ng masama si mike Kaya tumigil ito

"kiss mo kili kili ni dambo--hahahaha! " mamatay ka sana sa kakatawa gumulong gulong pa ito sa sahig at napahawak sa tiyan niya at tumawa ng tumawa

Kinuha ko ang baso sa gilid ko at nilagok ang alak nito sinalinan ulit ito ng alak ni patierva ipinahid ko ang braso ko sa bibig ko

hindi nga yata maipinta yung Mukha ko sa pait ng alak Shutang popcorn ang sama talaga ng lasa OK lang iyan Kesa mahalikan mo iyong kili kili ni dambo mas masama pa iyon sa alak

Pumwesto ako para paikotin ang bote sisiguradihin kong tatapat ito kay mike humanda ka talaga

At gaya nang ninanais ko tumapat nga ito kay mike Ngumise ako ngiseng nakakaloko

"truth or dare?"

"truth" nakataas noong sagot nito talaga Lang ah

"Anong suot Mong underwear ngayon?  Panty o boxer?" pinigilan kong hindi tumawa Pero hindi ko mapigilan Humagalpak ako sa Tawa

Inirapan niya lang ako at kinuha ang alak sa gilid niya at walang pag-alinlangang nilagok ito

Inikot ni mike ang bote tumapat ito kay de guzman na ngayon ay nakataas kilay

"truth or dare"

"gusto ko kasi exciting na may intense na--" pinutol ni hanna ang sinasabi ni de guzman

"dami mo pang sinasabi so Ano nga truth or dare?" inis na tanong ni hanna sakanya

Umirap lang ito

"dare nga ang slow niyo gusto ko nga exciting diba duhh"

"kiss mo pwet ni dambo" natatawang utos ni mike sakanya nalaglag Ang panga niya

Padabog siyang tumayo magwawalk Sana siya kaso hinila siya nila Mike at patierva paupo

Akala ko ba gusto niya exciting?

Inabot sakanya ni patierva ang alak kinuha niya naman at ininom ito

Pinaikot niya na ang bote at tumapat ito kay thirteen

Magsasalita Sana si de guzman nang pangunahan ito ni thirteen

"dare" bumungisngis si de guzman

falling for challenge(Montefalco Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon