"I DON'T think I can eat this," saad ni Trevor at tinakpan nito ang mukha gamit ang braso.
"Bakit?" nakangiwing untag niya. It's that bad huh?
"Ang asim," maasim na wika nito. He shuddered as he drank water. "Mas gusto ko pang magutom kaysa kainin ito," dagdag pa nito.
Aray, ha! "Ehm, sinigang nga kasi ito, sir, kaya natural lang na maasim," depensa niya sa niluto niya. Kumuha siya ng sabaw gamit ang kutsara niya at dinala sa bibig. Natigilan siya nang sumayad sa panlasa niya ang lasa ng sabaw. Pwe! Ang asiiiiiim! Napakindat siya sa asim at nangilo ang mga ipin niya.
"I told you..." hindi nagbabago ang ekpresyon nitong sambit. "You could have said no when I asked you. Unang araw mo palang sa bahay ko pero naghahasik kana nang lagim. Paano kita tatanggapin niyan?"
Aba't! Pilit siyang ngumiti. "Well, hindi naman talaga kasali ang pagluluto sa credentials ko bilang isang nurse, sir. CPR, gusto mo?"
His face was priceless she wanted to laugh her ass off. He cleared his throat after that stunned expression. "No, thanks."
Hindi niya itinago ang pag-ngiti. "Puwede pa namang gawan ito ng paraan sir, let's just add some water."
"Nah, marami namang delata riyan," tanggi nito. "I can settle with a can good for a meal."
See? Hindi din naman masama ang ugali niyan, eh! wika ng isang maliit na boses sa utak niya. 'Cause he's tolerating your presence in his house. Kung masama talaga ang ugali niyan ay ginamitan kana sana ng puwersa. Oo nga at nakasaklay siya pero lalaki pa rin siya, he could easily throw you out the door if he wanted to.
Nah... singit naman ng isa pang bahagi ng utak niya. Why did he open up the door for you if did not want you to be in here in the first place?
"Tatayo ka nalang ba riyan?" She's snapped out her own reverie when he spoke. At binabawi na niya ang naunang sinabi tungkol dito, it's official, may kasamaan ito nang ugali.
Berry glared at him. "Ito na ho, mahal na konde, ano ho bang delata ang gusto ninyong ihanda ko?"
"Anything will do."
Tumaas ang sulok ng labi niya bago ito iniwan. Bilang ganti sa walang habas na pag-utos nito ay simpleng karne norte ang inihain niya. To her surprise, he did not complain at all. Tahimik lang itong kumain. Hindi tuloy siya na-satisfy sa kanyang paghihiganti. Nagligpit na siya pagkatapos nilang kumain, hindi niya akalaing gabi na, ang bilis na talaga nang oras sa mga panahon ngayon.
Now, it is time to look at his leg. Kailangang mapalitan na iyon ng benda dahil kahapon pa raw iyon.
Naabutan niya itong sinubukang ihakbang ang paa nitong na-operahan sa sala. He was doing it without support. When he tried to put his body weight on his foot, he nearly lost his balance, cursing.
Agad siyang napatakbo sa tabi nito at umalalay. Siyet, bakit ang bango mo? sigaw ng utak niya pagka-langhap ng mabangong amoy nito.
"Ano'ng ginagawa mo, sir? Hindi mo puwedeng puwersahin itong paa mo kung gusto mong gumaling. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
Trevor hissed. "Don't touch me."
Bumitaw siya at namaywang sa harapan nito. Napangiwi ito sa sakit. "So, paano kita maaalalayan kung hindi kita hahawakan?"
He gripped the edge of the sofa, trying to balance his footing. Pagod na rin yata ito. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko kailangan ng tulong mo?" asik nito.
"Alam mo, sir, kahit ulit-ulitin mo pa iyan sakin ay hindi ako makikinig. Nilinaw ko na ang bagay na iyan, 'diba? Bakit hindi mo na lang ako hayaang gawin ang trabaho ko para mas mapadali ang paggaling mo, so I could move on with my life too?"
Isinandal na nito ang kalahating katawan sa sofa. "Fine. Iabot mo 'yong saklay," utos nito.
Walang salitang dinampot niya iyon at ibinigay dito. "Be careful, okay? Hindi lang naman para sa'yo ang pag-iingat, eh. Nag-aalala din ang pamilya mo. Sa sobrang pag-aalala nila ay takot silang mag-isa ka dahil baka pati buhay mo ay utangin mo na..."
Okay, that wasn't part of the plan. Lihim siyang napangiwi.
"What?" kunot ang noo nitong sambit. "Hindi ako tanga para magpakamatay!" He placed the crouch under his armpit. "Tabi," hawi nito sa kanya nang dadaan ito.
She made a sour face behind his back after he passed by her. He's seated once again on the sofa, looking frustrated and tired. Marahas nitong binitiwan ang saklay at marahas din na huminga.
Tahimik na pumuwesto siya sa paanan nito at hinawakan ang paa nito. "Sir, be still," matigas na sabi niya nang tangkain nitong ilayo ang iyon.
"What the hell are you doing?" masungit na untag na naman nito.
Muntik na niyang i-ikot ang mga mata. "Papalitan ko lang ang bandages, sir."
"I can do that," giit nito. "Awww, shit," anas nito nang hindi niya sinasadyang mahila ang binti nito. Hiningal din ito marahil sa sakit. Kinain naman siya ng guilt at nerbiyos.
"Sorry," she mumbled. "I'll make this quick," she tried to reassure him. And sure enough, while she was changing the bandages, she noticed that the wound was healing just fine.
"Do it," he sternly commanded her once again while she examines his wound. Napailing nalang siya saka agad na tinapos iyon.
"Okay, we're good." She softly patted his leg before standing on her feet. Nakamata lang ito sa kanya. Wala sa sariling naupo siya sa tabi nito at pumikit. "Hindi ka ba nalulungkot mag-isa, sir?" mahina niyang tanong. Hay, Berry, feeling close? Napangiti siya sa naisip. "Do you not feel alone and lonely because you're here in the middle of nowhere? Malayo sa mga kaibigan at sa pamilya?"
"What I do is none of your business."
Lumawak ang ngiti niya, she's picturing his irritated look in her mind without looking at him. "Ah, of course, it is, sir. You are my patient."
"Hindi kita doktor kaya hindi mo ako pasyente. You're an aide, Berlin, don't forget that."
Nakangising nagmulat siya. For the first time, she didn't feel awkward about someone saying her full name. It sounded really sexy coming out from him.
"Still, you are my patient, sir. At huwag mo namang masyadong insultuhin ang propensyon ko, magagalit ang humanity niyan sa'yo."
"I can defend myself just fine," he mocked.
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. "Funny," she bit out.
"Ikaw, hindi ka ba natatakot na baka gawan kita ng masama?"
Natatawang sumandal siya sa sofa. "Nope. Kung may balak kang gawin iyon, di sana'y kanina mo pa ginawa."
"Paano kung balak kong sa gabi gawin habang natutulog ka? You'll never know when will I strike."
Okay, bahagya siyang kinilabutan sa mga sinabi nito. She cleared her throat, sitting up on her back, and peered at him. The serious look in his face bothered her, she had to admit. Kung nagbibiro man ito ay hindi halata.
"Cut it out, sir..." He did not waver. "Let's call it a day then, sir." She stood up. "I took the room next to yours, kaya kung may balak kang legwakin ako sa mundo nang gan'to kaaga ay alam mo kung saan pinto ka papasok," saad niya habang patungo sa kuwartong pinili niyang okupain. Well, wala naman kasi ito kanina kaya siya na mismo ang namili. It was bad but she did it actually.
"Watch your door."
A chill ran thru her spine upon hearing his warning, she ran to her door.
😄 You've just delivered a serious joke, Trevor! Congratulations, tao kana!
Realice
BINABASA MO ANG
Her Boss' Broken Heart And Broken Leg
RomanceBoss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding because she unintentionally fell into someone else. As a result of that unlikely news, he drowned himself...