KABANATA I
Isang HandaanIsang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang bagong dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.
KABANATA II
Si Crisostomo IbarraIpinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa.Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin.
KABANATA III
Ang Hapunan
Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya't siya ang karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi nagpatinag ang binata.
KABANATA IV
Erehe at Pilibustero
Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra na pinakiusapan niyang magkwento tungkol sa buhay ng kanyang ama dahil wala siyang nalalaman tungkol dito. Ayon dito, ang kanyang ama ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat siya ay ginagalang at kinaiinggitan. Pinagbintangan siyang nakapatay kaya pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.
KABANATA V
Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara.
Kabanata VI
Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki. Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.
Kabanata VII
Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si Maria Clara. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.
Kabanata VIII
Mga Alaala
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.