Natasha's POV
"Bring me, una-unahang magdala sakin ng ka-eskwelang may patay na kuko!" sigaw ni Sir Henry sa mikropono at nagkagulo ang mga estudyante sa paghahanap ng may patay na kuko,
Natatawa na lang ako. Napatingin ako sa nasa tabi kong si Oyang na natatawa din.
"So, ilang taon na ang nakalipas simula nang mamatayan ka ng kuko?" pag-iinterview ni sir dun sa estudyanteng dinala sa unahan na may patay daw na kuko,
"Dalawang taon na Sir, death anniversary nga ho nito ngayon." sabi nung lalake at nagtawanan ang lahat,
"Happy death anniversary sa kuko mo. Heto ang premyo mo." sabi ni Sir Henry at iniabot ang premyo na nakabalot,
Nakakatuwa talaga.
Napalingon ako sa katabi ko na pala na si Lino.
"Lino, nasan na si Mutya?" tanong ko kaagad sa kanya,
"Hindi ko alam e." sagot lang nya,
"Kuya Oyang.." narinig kong pagtawag ni Mimay kay Oyang,
"Kaylangan na daw nating ihanda yung para sa susunod na laro." sabi ni Mimay kaya sumama naman sa kanya si Oyang.
Okay, medyo epal. Tss
Maya-maya ay dumating na si Mutya sa tabi ko.
"Mutya, ayos ka lang ba? Ang tagal mo naman sa cr." sabi ko sa kanya,
"Ah ano kasi...hahahaha...diba kumain nga ako ng kalamares sa food booth kanina, eh nasira ata ang tiyan ko." tumatawang sabi nya, again, fake.
"Tsk tsk...bawasan kasi ang katakawan kahit minsan lang." sabi ko,
"Sus, hindi nga makakatagal yan nang walang laman ang bibig e." pang-aasar ni Lino
"Anong sinabi mo?" si Mutya at inaambahan ng suntok si Lino,
"Totoo naman ah!"
Nag-asaran sila ulit. Buti naman. Akala ko ay awkward na naman sila. Baka naman guni-guni ko lang yung nakita kong pumatak na luha sa mata ni Mutya. Hmmm. O baka naman sa sobrang saya nya eh napapaiyak na sya.
"Para sa sunod na palaro, kaylangan ng babae at lalake na magka-partner." announce ni Sir Henry,
"Tasyang, tara." yaya ni Lino,
"Ayoko Lino. Kayo na lang ni Mutya." tumingin si Mutya kay Lino,
"Ahh eh...Tasyang, ano kasi...masakit pa rin yung tiyan ko. Kayo na lang ni Lino"
"Tara na Tasyang, masaya to!" sabi nya at hinila na yung kamay ko, tsk. Nag-aalala lang naman ako na baka hindi ko alam yung laro tapos mahalata nilang hindi ako laki sa probinsya.
"Ang laro'ng ito ay sack race with twist. Ang isa ay sasakay sa sako habang naka-piring. Ang isa naman ay iga-guide ang ka-partner na nakasakay sa sako. Kaylangang umikot sa SSG officer na nakaupo at ang unang makabalik sa pinanggalingan ay ang panalo. Gets nyo?" paliwanag ni sir Henry, napatingin ako sa taong nakaupo dun sa iikutan namin, si Oyang.
"Tasyang, ikaw na lang yung sasakay sa sako. Mas magaan ka kasi kaya mas madali kitang maiga-guide." sabi ni Lino, kaya pumayag na lang ako. Kahit ayaw ko. This is not a good idea.
Piniringan ako ni Lino nang makasakay na ako sa sako. Tapos ay hinawakan nya yung kaliwang kamay ko nung kanang kamay nya habang yung isang kamay nya ay nakahawak sa sako. Ganun din yung kanan kong kamay, nakahawak sa sako.
"Tasyang, kapag sinabi kong talon, tatalon ka." sabi ni Lino kaya tumango ako, shems kinakabahan ako.
"Handa na ba kayo?" sabi ni sir Henry sa mic at naramdaman kong medyo humigpit ang hawak sakin ni Lino, na-feel nya siguro na kinakabahan ako.

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Novela JuvenilTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...