Sa buhay natin, parati tayong may mga decisions na papagpilian. May mga pagkakataon sa buhay natin na maling desisyon ang napipili natin. Mga maling desisyon na maari nating pagsisihan panghabang buhay. "Ang tanga ko." Madalas natin yong sinasabi sa sarili natin.
Ako si Erich Mendoza. Isang mahirap na babae. Nabubuhay ako kasama ng nanay ko. Kami na lang dalawa ang natitira para sa isa't isa. Iniwan na kami ni tatay noong bata pa lamang ako.
Nagaaral ako sa isang magandang unibersidad. Isa akong scholar. Nasa college na'ko. 2nd week of classes ko. Hindi ko masasabing magaganda ang ugali ng mga tao dito. Wala rin akong masyadong kaibigan.
Friday - 7:45AM School
"Hoy Erich! Ano ka ba naman! Kanina pa kita hinahanap!" Rinig kong sigaw ng babae sa likuran ko. Tinapik niya pa ako. Kaya kamuntik na'kong natumba. "Ah... Eh Paula....." "Wag mong sabihing hindi mo dala?!" Pagputol sakin ni Paula. Magkaklase kami sa isa kong subject.
"Kwan....sabi mo kasi sa'kin bukas pa...kaya hindi ko nadala." Pagpapaliwanag ko. Pero mukha namang wala itong magagawa.
"FOR FC*'S SAKE, TINEXT NA NGA KITA KANINANG UMAGA!" Sigaw niya at tinulak ako ng malakas. Nahulog ang salamin ko. Kukunin ko na sana pero inapakan niya na ito. Napatakip ako ng bibig..... Ang salamin ko.......
Unti-unting tumulo ang luha ko. Siguro kung para sa ibang tao mukhang mababaw yung pinagiiyakan ko ngayon.
Hindi ko lang kasi mapigilan luha ko..... Bigay yun sa'kin ni nanay..... Kahit na wala kaming pera pambili ng salamin para sa mata kong malabo.... Kumayod siya para makaipon ng pera para sa salamin na'to!
"Bitch! Kasalanan mo kung bakit wala akong assignment ngayon! ANO?! Plinano mo ba'to? Para malampasan moko sa grades?! What a pathetic loser." Saad niya at iniwan na'ko. Wala akong paki ngayon sa mga nakatingin sa'kin. Patuloy lang akong umiiyak dito....kasi hindi ko matanggap na nasira ang salamin kong pinaghirapan ni nanay bilihin.
"Hey..." Napaangat ako, ngunit hindi ko maaninag kung sino siya. "Hi. My name is Sarrah. Late enrollee ako dito." Pagpapakilala niya. Nakita kong nakangiti siya.
Binigyan niya ko ng panyo...pero nahihiya akong kunin ito. Kaya siya na mismo ang nagpahid sa luha ko gamit ng panyo niyang mabango.
Saturday -9:00AM Bahay
"Nay, handa na po pagkain." Nasa bahay ako ngayon. Sabado ngayon. "Sige." Nagdasal muna kami ni nanay bago kami magsimula kumain. Paguwi ko kahapon ng bahay eh sinalubong agad ako ni nanay. Sinabi ko na lang sakaniya na nadaganan ko yung salamin ko. Hindi ko na kasi kaya ayusin salamin ko. Pati kasi yung lense nabasag. Alam kong malungkot siya sa mga narinig niya. Bukas pa naman ay mother's day na tapos ito pa ang malalaman niya.
"Anak magpacheck up ka kaya ng mata mo? Baka tumaas na grado ng mata mo." Sabi ni nanay. Pero umiling lang ako.
"Nay, wag na kayo magabala pa. Kaya ko naman kahit walang salamin eh." Tinignan lang ako ni nanay. "Pero--" Agad ko siyang pinutol. Ayaw ko ng gumastos pa ng pera si nanay para sa'kin. "Wag na nga, Nay."
Pagkatapos ko kumain ay lumabas na'ko ng bahay para magpahangin. "Hi Erich!" Bati sa'kin ni Lance. "Hi." Nginitian ko siya. Best friend ko si Lance since grade school.
"May kelangan ka bang tulong or something?" Hay nako. Sa araw-araw na nagkikita kami eh yan na lang parating tinatanong niya. Masarap ba maging trabahador namin?