How He Played His Way Into My Heart

1.1K 50 5
                                    

"Ali, malelate na tayo bilisan mo!" pagmamadali sakin ni Marie

"Oo na. nagpapakaOC ka na naman eh."

Si Marie ang best friend ni Alison - that's me. it's lunch time at gusto na niyang bumalik agad sa classroom. OC kasi yan sa oras eh.. She's my classmate. 2nd year college na kami. I'm taking up B.M. in piano while she takes up B.M. in violin. Grade 5 pa lang, best friend ko na yan. We love to play together. lagi kami niyang nag-cocover ng mga kanta nung high school. Naisipan namin na kumuha ng music-related course kasi well, we really love music.

Ang next class namin ay ang favorite class namin - Advanced Orchestra. Dito sa school namin, required ang mga music majors na itake up ang course na Basic Orchestra. Kung gusto mong ituloy, may intermediate and may advanced pa. Kung ayaw mo naman, edi wag na. Extra courses lang naman yun eh. So yeah.

Habang papunta kami sa room, nakasalubong namin si Allen. Siya yung transferee na taga-kabilang orchestral class. Since hindi matutukan ng mabuti ang bawat estudyante kung masyado kaming madami.

"Pwede ko bang mahiram saglit si Marie?" tanong niya sakin

"Sure." i replied. pagkatapos, hinila na niya palayo si Marie.

Haaaay.. buhay. guess what? I like him. Yes. i like that Allen guy. (Kamukha niya kasi yung crush ko dati.) Kaso di ako ang gusto niya eh. Si Marie kasi yon. Siya ang gusto ni Allen. So ako? step aside na lang. okay lang. Di naman ganung kalalim pagkacrush ko jan. kumbaga nasa mga 20% pa lang. walang binatbat sa crush ko dati na lampas-lampas pa sa 100%. hahaha

so ayon, naiwan ako dito. umuna na kaya ako? oo. kesa naman sa nakatayo lang ako dito na hindi ko alam kung may iniintay pa ba..

Habang naglalakad ako pabalik, kukwentuhan ko kayo ng tungkol sa crush ko na lampas-lampas pa sa 100%. Tutal alam ko naman na ang isa sa mga gusto niyong topic na pagkwentuhan ay yung mga lovelife diba? Ganyan tayo eh.

So nung 7 years old ako, I was bullied. oh. gulat kayo? badtrip kasi yung mga kapitbahay kong bully eh. Palibhasa kasi kulot yung buhok ko. (Alam niyo yung buhok ni alice bungisngis? ganun! pero ngayon, hindi na. nagpaparebond na ko ngayon eh. :P kaya... who you sila sakin ngayon.) So ayun nga, walang nakikipaglaro sakin kasi sabi nila mangkukulam daw ako. ang harsh noh? para buhok lang eh. Kaya lahat ng taga-amin na mga bata ay hindi lumalapit sakin.

Until one day, habang pinapanood ko sila maglaro, may dumating na bata. Halatang-halata na bisita siya kasi maliit lang yung lugar namin at kilala namin halos lahat ng tao dun.

*flashback*

"Halika! sali tayo sa kanila!" sabi niya sabay hila sakin papunta sa mga naglalaro a.k.a. mga bully.

"Ano? ayoko nga! ikaw na lang!" napalakas ang sabi ko kaya napatigil sila sa paglalaro at napatingin samin.

"Uy yung witch may boyfriend pala! Holding hands pa sila oh! hahaha bagay kayo. ikaw yung witch at siya yung walis tingting mo! Oh ano? Lilipad na ba kayo?" nagtawanan naman sila sa sinabi ng no.1 bully sa mundo.

"ewan ko sainyo!" sigaw ko at nagwalk out na. iniwan ko na din dun ung batang di ko kilala.

uuwi na lang sana ako. pero may sumigaw...

"Ui witch! Sandali!" aba't! pati sya nakiwitch ha! bully din tong tingting na to eh. (i know. childish na naki'tingting' din ako. eh kasi wala akong maisip na pantawag eh. tsaka bagay nga naman kasi sobrang payat nya. parang tingting. -.-)

How He Played His Way Into My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon