PROLOGUE

177 11 0
                                    

                MAE'S POV.


I'm Anne Lorianne Mae Fuentes... and I hate everyone...





"Hi," di ko pinansin ang bating iyon saakin ng kaklase kong si Evan.

Nagdere-deretso ako patungo sa aking upuan. Napansin ko ang pagsunod nya. Umupo na lamang ako.







"I said 'hi,'" aniyang tila napipikon pero nagpipigil lamang.

"Oh?" Gusto kong mapataas kilay nang itanong ko iyon.

"Bakit kaba ganyan? I'm just trying to be friendly. Palagi mo nalang akong sinusungitan at---"

"Correction. Di kita sinusungitan, di lang kita pinapansin. At kung gusto mong magpaka friendly, dun ka lumapit sa iba dahil wala kang mapapala sakin," walang ganang sagot ko na lalong ikinakunot ng noo nya.







"Hindi pagpansin at pagsusungit, iisa lang naman yun ah! Hindi ko naman gustong---"

"Magkaiba yun!" pilit ko. "Magkaiba ng spelling. Get lost," pagtataboy ko kaya naman kakamot-kamot ang ulo syang lumayo.







I don't need anyone.

Hindi ko kailangan ng mga taong mamahalin ko pero kailangan lang din naman pala akong iwanan sa bandang huli.

I hate it.






NANG matapos ang klase ay nagmamadali na akong umuwi. Hindi ako namamansin ninuman kaya't walang kumakausap sakin. Well, di ko naman sila kakausapin eh!

"Ang weird talaga n'ya..."

"Oo nga. Pero ang cute n'ya talaga!"

"At astigggg!"

"Kahapon, binati ko s'ya at nag-'hi' ako kaso tiningnan n'ya lang ako at tumango."







Naririnig ko ang mga sinasabi ng ilang nakapaligid saakin kaso ni hindi ako nag-aksaya pa ng oras na tingnan sila.

Diretso uwi.







Isang buwan na rin ang nakakalipas at ganoon lamang ang gawain ko sa bago kong school.

Ang Hillcon University. 4th year high school na ako at bago lang ako dito... Lumipat ako dahil ayoko na sa dati kong school.







Hindi ako nagsasawa sa paulit-ulit na takbo ng buhay ko. Ako naman ang pumili nito. Kaya nga tinatagurian din akong Emotionless Princess sa mga school kung saan ako nag-aaral.

Wala akong pakelam sa lahat ng mga tao.








PAGKAUWING-pagkauwi ay dumiretso ako sa aking kwarto. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Nagpalit ako ng isang simpleng bestida na kulay dilaw

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon