Prologue

6 0 0
                                    

"Napakatigas talaga ng ulo mong bata ka!" Hiyaw ni Tito Relly kay Ramona.

Nakaupo kami sa sofa at katabi ko sya. Si Tito Relly naman ay galit na galit sa nagawa ni Ramona na hindi naman sinasadya. Si Ate Anne ay masamang nakatingin kay Ramona.
Naglalaro kasi kami ni Ramona nang watergun at nagbabasaan. Naubusan sya ng tubig kaya naman kinuha nya ang hose upang makaganti sa ginawa kong pagbasa sa kanya. Hindi naman namin alam na nandoon si Ate Anne, kapatid ni Ramona, na nasa terrace at nagsusulat. Nabasa halos lahat ng mga gamit ni Ate Anne kaya naman haloy umiiyak nang magsumbong kay Tito.

"Hindi ko naman po sinasadya. Hindi ko naman alam na nandoon si Ate!"
Kalmadong sinabi ni Ramona.

Hindi ko alam kung bakit kalmado pa rin ang kanyang boses 'gayong halos paluin na sya ni Tito Relly ngayon. Ang Daddy nilang dalawa ni Ate Anne at panganay na kapatid ni Daddy.

"Kahit hindi mo alam o alam mo, hindi mo dapat ginawa iyon. Tingnan mo at... nabasa lahat ang gamit ng Ate mo." Sigaw ulit ni Tito.

Twing pinapagalitan kaming dalawa ni Kuya ni Daddy ay hindi ako ganito kabahan. Sadyang nakakatakot lang talagang magalit si Tito Relly. Palaging nakasigaw.

"Kung hindi mo ginalaw ang hose at ginawang laruan, edi sana, hindi nabasa ang gamit ko. Nakakainis ka talaga!" Naiinis na sinabi ni Ate Anne at mabilis na umakyat sa pangalawang palapag.

Tiningnan kong umalis si Ate Anne. Si Ramona ay nakatulala lang at parang wala na naman sa sarili. Hinilot ni Tito Relly ang kanyang noo at masama pa ring tiningnan si Ram.

"Hindi ka na nagbago. Kahit kailan, sakit ka pa rin ng ulo." Matigas na sinabi ni Tito at umakyat na rin.

Napalunok ako sa sinabi ni Tito. Biglang tumayo si Ramona at lumabas. Mabilis ko naman syang sinundan. Pumunta sya sa parihabang pool nila at umupo sa gilid 'non, kalmadong tiningnan ang malinis na tubig. Malungkot ring nakatingin sa kanya ang iilang katulong na paniguradong narinig ang sermon ni Tito.

Naglakad ako at tumabi sa pinsan ko na bestfriend ko pa. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay na magsalita, nakagawian na sa twing pinapagalitan sya. Ang makitang malungkot sya ay talagang nakakapagpasakit ng puso ko.


"Hindi ko naman sinasadya iyon..."
Mahina nyang sinabi. Tama lang na ako lang ang makarinig.

Sa twing pinapagalitan sya nila Tito at Tita ay hindi mo sya makikitaan ng takot o sakit sa kanyang mukha. Kalmado lang sya at parang walang pakialam. Pero ang totoo, she's always hurting. Kapag ako na ang kausap at kasama nya, hindi na sya yung Ramona'ng matapang kundi Ramona'ng nasasaktan. Kahit anong sabi nya sakin na hindi na sya nasasaktan sa twing pinapagalitan sya ay hindi ako naniniwala. Alam kong naaapektuhan sya palagi. Dahil para sa mga mata nila Tito Relly at Tita Raquel, si Ramona ay palaging mali at sakit sa ulo.

Ngumuso ako at naramdaman kong tumulo ang luha ko. Hindi ko talaga napapansin na umiiyak na ako dahil sa alam kong nasasaktan sya. Tiningnan nya ako at inirapan.

"Hindi naman ikaw ang pinagalitan ah! Ako ngang pinagalitan, hindi umiiyak pero ikaw... Hay nako! Ang iyakin mo talaga." Naiirita nyang sabi at inakbayan ako.

Parehas na kaming nakatingin sa malinis na tubig ng pool nila. Sa twing pinapagalitan sya ay umiiyak talaga ako. Nakasanayan ko na siguro simula nung mga bata pa kami. Magkasing tanda lang kami ni Ramona, nauna lang syang pinanganak at matanda lang sakin ng limang buwan. Sabay kaming lumaki at kami na talaga ang palaging naglalaro. Hanggang ngayon na Grade 7 kami ay malapit pa rin kami.
Sa twing may nang aaway sakin noon, palagi nya akong pinagtatanggol. At sobrang thankful ako dahil pinsan ko sya at matalik ko pang kaibigan. Kaya naman pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para sa kanya. Na maramdaman nya na mahal na mahal ko sya at hinding hindi sasaktan. Dahil kapag nasasaktan sya, nasasaktan na rin ako.

Masaktan na ako, huwag lang sya.

Unforgettable LoveWhere stories live. Discover now